Tahimik ang mansyon tuwing hapon, lalo na kapag nasa kani-kanilang gawain ang mga staff. Pero kapag oras na ng merienda at nakapagpahinga na ang lahat mula sa mga trabaho nila, parang ibang lugar ang garden. May mga upuang nakapalibot sa mahabang mesa sa ilalim ng puno, may nakahandang tinapay at kakanin, at may pitsel ng malamig na juice na agad dinudumog ng mga uhaw na katulad ko.“Hoy, Shasha, dahan-dahan ka naman sa pagkuha. Hindi naman tatakbo ang tinapay,” natatawang saway ni Ate Osang nang makita akong kumuha ng pangatlong piraso ng pandesal. Nakataas pa ang kilay niya habang nakatingin sa hawak kong plato, na para bang nahuli niya akong nagnakaw sa kusina.Ngumunguya muna ako bago siya sinagot. “Ate, ang tawag po rito ay paghahanda. Malay mo, biglang may ipagawa sa akin si Don Arthur mamaya. At least, may energy ako.” Inayos ko pa ang pagkakaupo ko at buong yabang na itinaas ang pandesal. “Tsaka sayang naman kung hindi ko titikman. Baka mamaya, ito na ang huling merienda ko ri
آخر تحديث : 2026-10-10 اقرأ المزيد