Shasha’s POVHindi ko alam kung ilang beses akong nagpalit ng posisyon sa kama bago tuluyang sumikat ang araw. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa isip ko ang nangyari kahapon sa study ni Don Arthur. Ang tunog ng nabasag na baso, ang bigla niyang paglapit, ang pagsara ng pinto, at ang pakiramdam ng kamay niyang humawak sa akin bago pa ako makapagsalita.At higit sa lahat, hindi ko makalimutan ang tingin niya nang sabihin kong natatakot ako.Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa gilid ng kama habang yakap ang unan at nakatitig sa sahig. Parang ang dali sanang sabihin na kalimutan ko na lang ang lahat at magpatuloy sa trabaho na para bang walang nangyari. Pero hindi naman ganoon kadali ang utak ko. Kahit pilitin kong isipin ang mga kailangan kong gawin ngayong araw, bumabalik pa rin ang kaba sa dibdib ko kapag naaalala kong nasa iisang bubong pa rin kami.“Shasha, anak, bumangon ka na. Baka mahuli ka sa trabaho,” tawag ni Nay Emmy mula sa labas ng pinto.Mabilis kong pinuna
最終更新日 : 2026-10-16 続きを読む