Alas nuwebe y medya pa lamang ng gabi, handa nang umalis si Maya.Nasa ibabaw ng kama ang USB, ang kuwintas na ibinigay ni Alexander, at ang litrato ng kanyang ama. Isinilid niya ang lahat sa maliit na bag bago humarap sa salamin.“Ngayong gabi, malalaman ko na ang totoo, Papa,” bulong niya.Ngunit bago siya tuluyang lumabas, tumunog ang kanyang telepono.Isang mensahe mula kay Alexander.Alexander: Nasaan ka? Kailangan kitang makausap.Hindi siya sumagot.Ilang segundo lamang ang lumipas, may panibagong mensahe.Alexander: Maya, huwag kang pupunta sa lumang simbahan.Nanlaki ang kanyang mga mata.Paano nito nalaman?Mabilis siyang nag-type.Maya: Bakit? Ano ang alam mo?Walang sagot.Napakagat siya sa labi.“Hindi mo ako mapipigilan, Alexander.”Lumabas siya ng mansion at sumakay sa sasakyang naipahiram sa kanya. Habang nagmamaneho, hindi niya maiwasang balikan ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw.Ang mga dokumento.Ang lihim na organisasyon.Ang pangalan ni Leonardo Cruz
آخر تحديث : 2026-10-09 اقرأ المزيد