Hindi naging madali ang pagharap namin ni Lucian sa mga taong naging bahagi ng kuwento. Kahit nakumpleto na ang mahahalagang testimonya, kailangan pa rin naming marinig mula kay Don Rafael ang buong paliwanag tungkol sa kaniyang naging papel sa nangyari.Sa isang pribadong pagpupulong, naroon sina Don Rafael, Ramon, Alessia, Lucian, at ako. Kasama rin ang kani-kanilang legal representatives. Sa gitna ng mesa ay nakalatag ang final investigation report, kasama ang original statement, supplementary page, transfer receipt, at mga testimonya nina Elena at Victor.Walang Marco na maaaring humarap sa amin. Wala na siya. Ang naging bahagi niya sa usapin ay nakatala na lamang sa mga lumang dokumento at sa correction request na dati niyang nilagdaan kasama ni Don Rafael.Inilapag ni Ramon ang final report sa ibabaw ng mesa.“Based on the original statement, supplementary page, transfer receipt, and the testimonies of Elena and Victor, we can now establish th
Last Updated : 2026-11-11 Read more