Akala ko, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, mas magiging madali na ang mga susunod na araw. Hindi ko inaasahang may bagong problema na naman kaming haharapin. Pero sa pagkakataong ito, hindi na tungkol sa mga lumang dokumento, sa aming mga ama, o sa mga lihim ng aming pamilya.Tungkol na ito sa amin ni Lucian. At mas masakit pala kapag ang taong dati mong takbuhan ang siya mismong dahilan kung bakit ka umiiyak.“Good morning, handsome.” Pumasok ako sa dining room ng Monteluce na may dalang dalawang tasa ng kape. Ngumiti ako kay Lucian, na nakaupo sa dulo ng mesa habang may binabasang mga dokumento sa laptop.Dati, bago pa man ako tuluyang makaupo, hinihila na niya ako sa tabi niya. Minsan, hahalikan niya muna ako sa noo. Minsan naman, kukunin niya ang kape ko at iinom ng kaunti bago ibalik sa akin kahit alam niyang ayaw kong may ibang umiinom sa tasa ko.Pero ngayong umaga, hindi man lang siya tumingin sa akin.“Your coffee is there,” sabi niya, sabay turo sa mesa. Napahinto a
Last Updated : 2026-10-26 Read more