Hindi ko namalayang napasinghap na pala ako. Nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa cellphone habang nakatitig sa litratong ipinadala ni Krizzy.Hindi iyon basta kuha sa gala o sa hallway ng mansyon.Iyon mismo ang litrato mula sa guest room noong gabing nahuli niya kami ni Sir Erwin. Kitang-kita ang kamay nitong nakahawak sa baywang ko, ang pagkakalapit ng aming mga katawan, at ang mukha kong nakatingala sa kaniya.Diyos ko!Hindi ko alam kung kailan niya iyon nagawang kunan, pero malinaw na malinaw ang lahat.At ang mas nakakatakot, hindi pa niya iyon inilalabas sa publiko.Sa halip, ipinadala niya sa akin nang direkta, para ipaalam na mayroon siyang hawak na ebidensiyang kaya niyang pakawalan anumang oras.I have more than enough proof.Parang biglang nawala ang init sa buong katawan ko. Napakapit ako sa cellphone, pilit na pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko.Paano kung i-upload niya iyon? Paano kung makita iyon ni Ma'am Victoria, ng mga empleyado, ng mga shareholder,
Terakhir Diperbarui : 2026-11-06 Baca selengkapnya