GABI NG GALA.Hindi ko halos makilala ang sarili ko nang humarap ako sa salamin.Suot ko ang puting floor-length gown na pinili ni Ma’am Victoria para sa akin. Simple ang disenyo nito, pero sadyang elegante—sleeveless, may magandang bagsak sa neckline, at fitted sa baywang hanggang sa balakang kaya mas litaw ang mga kurba ng katawan ko.Dahil doon, naging lantad ang cleavage ko na dating nakatago sa caregiver uniform ko, maging ang mga balikat ko at ang makinis na balat sa mga braso, habang ang tela ay sunod na sunod sa hubog ng katawan ko sa bawat galaw.At sa tuwing humahakbang ako, bahagyang gumagalaw ang laylayan nito sa paligid ng mga binti ko, sapat para magmukhang mas mahaba at mas elegante ang tindig ko.Hindi ko kailanman naisip na babagay sa akin ang ganitong klase ng damit.Pero mukhang ibang plano si Ma’am Victoria para sa akin ngayong gabi. Hindi lang niya ako binigyan ng gown; ipinatawag din niya ang stylist niya para ayusin ang buhok at makeup ko.Maingat na inayos ang
Last Updated : 2026-10-28 Read more