Lumabas siya mula sa isang bahagi ng property na natatakpan ng mga halaman at ilaw. Wala na ang coat niya, at nakasuot na lamang siya ng itim na long-sleeved polo na nakatiklop hanggang sa kaniyang mga bisig. Maayos pa rin ang kaniyang buhok, pero kapansin-pansin ang bahagyang pagkakalas ng ilang hibla nito sa noo.Nakatitig siya sa akin. Hindi siya ngumiti agad.Sa halip, ilang segundo lamang siyang nanatili sa kinatatayuan habang pinag-aaralan ang mukha ko, lalo na ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang niya ay mas nararamdaman ko ang kakaibang bigat sa aking dibdib.“Yara.”Napapikit ako.Ang boses niya ay hindi na katulad ng ginamit niya kanina sa inuupahan naming bahay. Wala na iyong matinding diin at galit. Mas mababa ito, mas maingat, ngunit ramdam ko pa rin ang emosyon na pilit niyang pinipigilan.“W-Where is my son?” tanong ko, halos hindi ko maayos ang paghinga.Agad siyang lumapit at marahang hinawakan ang magkabilang bra
Last Updated : 2026-11-28 Read more