Hindi siya agad nagsalita. Hearing Janus telling her those words means another worst scenario to be expected. Wala namang maganda lalabas sa bibig ni Nyle kapag sinabi nitong may pag-uusapan sila.. Sigurado siyang may halong panghahamak, pangmamaliit at panggigipit ang topic nito."Okay. Hihintayin ko siya," tanging nasabi niya."Maiwan ko na po kayo, Miss Natalie dahil may trabaho pa ako sa kapitolyo," ani Janus.Tipid siyang ngumiti. "Sige. Ingat ka sa daan."Mula sa kanya, lumipat ang mga mata nito kay Nigel. "Ba-bye Nigel," nakangiti nitong sambit at kinawayan ang kanyang anak.Mataman nitong pinagmasdan si Janus bago tipid na kumaway. "Ba-bye po."Nang makaalis si Janus, nagtungo na siya sa silid na para kay Nigel. Pagpasok niya sa loob, bumungad sa kanya ang hindi kalakihan na kama. Sa ibabaw niyon ay may maraming mga stuffed toys na iba't-ibang hayop.Sa kanang bahagi naman, may maliit na shelf at panda na carpeted floor. Puno ng children stories ang shelf at may hugis kalabasa
Terakhir Diperbarui : 2026-10-28 Baca selengkapnya