Hindi paman nagigising si Nigel ay pinatawag na sila ng doctor para kausapin tungkol sa sitwasyon ng anak niya. Iniwan niya muna sa nurse si Nigel bago siya nagtungo sa opisina ng doctor.Pagdating niya sa loob, nakita niyang naroon na pala si Nyle at nauna sa kanya. Tipid na ngumiti ang doctor bago iminuwestra ang bakanteng silya na nasa harapan ni Nyle."Please sit down, Miss Aurelio.""Thank you, Doc," aniya at naupo na sa silya.Sumulyap siya kay Nyle at nakitang mataman na nakatingin sa kanya ang lalaki. Huminga siya ng malalim at hindi na ito pinansin pa, bagkus ay ibinaling niya ang atensyon sa doctor."Doc ano po ba talaga ang nangyari sa anak ko? Bakit bigla na lang siyang nawalan ng malay?" Nag-aalalang tanong ni Natalie.Huminga ng malalim ang doctor bago isinadal ang parehong siko sa ibabaw ng mesa nito. "Based on our initial assessment, stable na ang vital signs ni Nigel. However, we still need to determine what caused him to lose consciousness. Given his medical conditio
Terakhir Diperbarui : 2026-11-09 Baca selengkapnya