Sa gulat ni Janus ay bigla niyang natapakan ang brake ng sasakyan. Mabuti nalang at nakaseatbelt si Nyle dahil kung hindi, baka lumipad na siya sa front seat."Damn it! Ayusin mo nga ang pagmamaneho mo, Janus!" Pagalit na asik ni Nyle."Pasensya na, Gov. Nakakagulat naman kasi ang reaksyon mo," kamot ulong sagot ni Janus.Hindi naman nawala ang inis na nararamdaman ni Nyle. Kung tutuusin, parang mas nadagdagan pa nga iyon habang pinagmamasdan niya ang kanyang personal assistant."Anong nakakagulat sa sinabi ko? You are clearly fantasizing about her!" Sikmat niya.Mabilis na umiling si Janus. "Nagsasabi lang ako ng totoo, Gov. Talagang maganda naman si Miss Natalie—""Shut up! I don't wanna hear your compliment about her!" Putol ni Nyle sa sasabihin sana ni Janus."Nagseselos po ba kayo, Gov?"Mas lalo pang tumalim ang titig ni Nyle kay Janus. "Kung hindi ka lang maasahan, tinanggal na kita sa serbisyo mo!""Wag naman, Gov. Nagtatanong lang naman ako," depensa ni Janus.Bukod kasi kay
Terakhir Diperbarui : 2026-10-29 Baca selengkapnya