“Maganda ang resulta ng trust rating mo ngayong buwan, Gov,” ani Janus, ang personal assistant ni Nyle, habang naglalakad sila sa hallway ng kapitolyo. Hawak nito ang tablet kung saan nakatala ang pinakabagong ulat tungkol sa gobernador.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nyle. “That's good to hear.”Akmang papasok na siya sa kaniyang opisina nang makarinig sila ng nagmamadaling mga yabag mula sa likuran. Unang lumingon si Janus, dahilan upang mapahinto rin si Nyle nang makita ang isa sa mga security personnel na papalapit sa kanila.“What is it?” tanong ni Janus.“Gov, may babae pong naghahanap sa inyo sa labas. Sinabihan ko na po siyang hindi kayo puwedeng makausap ng walang appointment, pero ayaw pong umalis,” paliwanag ng security.“Ano raw ba ang sadya niya?” kunot-noong tanong ni Nyle.“May sakit daw po ang anak niya at kayo lang daw po ang makatutulong sa kaniya.”Napabuntong-hininga si Janus bago muling hinarap ang security. “May mga ahensya naman tayong puwedeng mag-
最終更新日 : 2026-10-11 続きを読む