PAGKABUKAS na pagkabukas ko pa lang ng pinto, ang matipuno at mabagsik na bulto na ni Luther ang tumambad sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na makisig pala siya, at ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng kung anong tingkad na hindi ko maintindihan. Bakit hindi ko agad siya napansin noon?Ngunit bago pa ako makapagsalita, sinunggaban na ako ni Luther.Binalot ng kaniyang mga kamay ang aking baywang at marahas niya ako isinandal sa pader sa tabi mismo ng pintuan. Napasinghap ako sa lakas niya, ngunit bago pa lumabas ang ano mang salita sa aking bibig ay inangkin na niya ang aking mga labi.Ang halik niya ay hindi lang basta mapusok...puno ito ng gigil, at tila pangungulila. Ramdam na ramdam ko iyon. Ang kaniyang dila ay marahas na pumasok sa aking bibig, inaangkin ang bawat sulok niyon. Hindi ko mapigilan na hindi tumugon, ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong init sa piling ni Allen. Noon, hindi ako nagawang isiping ni Allen nang dahil sa gusto niya at mahal niya ako. Ang pa
Huling Na-update : 2026-10-12 Magbasa pa