Nadine“Dad, huwag na tayong mag-aksaya ng oras, pagod at pera kay Nadine. Alam naman natin kung ano ang mangyayari kapag pinilit natin siyang ipasok sa St. Gabriel,” sabi ni Ryan habang nakasandal sa kanyang upuan. Halatang gusto na niyang tapusin ang usapan tungkol sa pag-aaral ko."She'll be a disgrace to our family kapag nalaman ng lahat na ginawa natin ang lahat upang makapasok siya sa St. Gabriel."Napatingin naman sa akin si Minerva at pilit na ngumiti.“Nadine, anak. Makinig ka sa amin ng Daddy mo. Tanging ang kapakanan mo lang ang iniisip namin.”Oh, really?Kung ganon, bakit parang mas interesado silang ipaalala sa akin kung ano ang hindi ko kayang gawin kaysa tulungan akong makamit ang gusto ko?“If that's the case,” singit ni Christopher, “I'll try to find another university na pwede sa kanya.”Hindi ko na napigilang mapa-eye roll, lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lois Lane. Para bang siya ang nanalo sa isang malaking debate at napatunayan niyang hindi ak
Huling Na-update : 2026-11-02 Magbasa pa