Mag-log inNadine
Walang nagawa ang mga magulang ko kundi sundin ang sinabi ng aking lolo at lola. Kahit sina Lois Lane at Ryan ay hindi na nakapalag. They knew na ang mga magulang ng aking inang si Minerva, ang siyang tunay na may-ari ng bahay.
Tatlong araw ang nakalipas at tuluyan akong nakalipat sa mansyon ng mga Madrigal . Unang araw na nagising ako ay napakagaan ng aking pakiramdam.
Sa bagay, kailan ba naging hindi? Palagi naman akong masaya dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.
The Madrigals? Hindi ko sila iniintindi.
Bumangon ako at naligo tsaka bumaba para sa agahan.
Kadalasan, madilim pa lang ay gising na ako dahil kinakailangan kong pumunta sa aking taniman ng mga halamang gamot. Ngunit dahil nandito na ako sa lungsod ay nagdesisyon akong magpahuli ng konti.
Alas-otso nang marating ko ang dining area at nakita ko si Lois Lane na nakaupo at nag-aagahan. Bacon, ham, loaf bread, eggs, at milk ang nakahain sa harapan niya.
Hindi ko iyon pinansin at naupo na lang ako habang hinihintay ang kahit sino sa mga kasambahay na ipaghanda ako ng aking makakain.
“Good morning, Nadine…” nakangiting bati sa akin ni Lois Lane.
“Mm…” simpleng tugon ko. Hindi ako ang tipo ng tao na mahilig makipagplastikan, kaya I didn’t make an effort na suklian ang ngiti niya.
“Mom and Dad always make sure na ready na ang pagkain ko. I will tell the maids to prepare something for you.”
Hindi ako umimik at hinayaan ko siya sa palabas niya.
“Miss Lois, galing siya sa bundok. Siguradong sanay na siya na hindi nag-aalmusal. Baka masayang lang ang pagkain na ihahain namin kung bibigyan namin siya,” sabi ng katulong na nakatayo sa tabi niya.
“Martha, wag kang magsalita ng ganyan. Nadine had been starved all her life. I’m sure hindi pa siya nakakakain ng ganitong klase ng pagkain. Let her have her fill,” tugon ni Lois Lane with her sweet and syrupy voice na akala mo ay malinis ang intensyon ngunit punong-puno ng pangmamaliit ang bawat salitang binitawan niya.
I chuckled.
Seriously?
“I want angus beef tapa or wagyu beef flakes, please.” Saglit akong tumigil na tila nag-iisip bago nagpatuloy. “Add a cup of brown rice and TWG tea. I want them ready in fifteen minutes.”
Walang nakasagot sa dalawang nasa harapan ko.
“Martha, narinig mo ba ang sinabi ko?” Sinalubong ko ang tingin niyang tila hindi makapaniwala. “Or wala kayo ng mga pagkain na gusto ko?”
“Nadine, please don’t misunderstand. Ang mga iyon ay hinahain lamang kapag may importanteng bisita,” singit ni Lois Lane.
Hindi ko napigilan ang matawa sa sinabi niya.
“You’re acting like some kind of wealthy people in front of me pero ang mga pagkaing binanggit ko ay para lamang sa bisita? Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mga Madrigal.”
“Nadine, hindi sa ganon kaya lang ay—” Bigla siyang tumigil sa pagsasalita at tumaas na lang ang kilay ko ng umiyak siya.
Wow!
Sa pagkakaalam ko ay modelo siya, bakit hindi na lang siya mag-artista kung ganon kabilis niyang mapabagsak ang kanyang luha?
“Nadine!”
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang galit na galit na itsura nila Ryan at ng aking mga magulang. Kaya pala nag-ala Judy Ann Santos na ang Lois Lane na 'to ay dahil may direktor at audience impact na.
“How dare you make Lois Lane cry?”
“Which of your eyes saw me I made her cry?” tanong ko sa aking ama habang naglalakad sila palapit. “Nakakaiyak ba ang mga pagkain na hiningi ko?”
“Mom, Dad, Ryan. Please don’t blame Nadine. Naawa lang ako sa kanya dahil sa tagal ng pagtira niya sa bundok ay nasabik siya sa masasarap na pagkain. Walang masama kung humiling siya ng angus beef tapa or wagyu beef flakes,” agad na singit ni Lois Lane.
Kung papakinggan ay parang nagpapaliwanag lang siya. Pero ang dating ng mga salitang iyon sa tatlong bagong dating ay hindi maganda.
“Angus beef tapa? Wagyu beef flakes?” bulalas ng aking ama ng tuluyan na siyang makaupo sa hapag pati na ang aking ina at si Ryan.
Maliban kay Christopher na nasa delentera, sina Minerva at Ryan ay sa side ni Lois Lane pumwesto.
Malinaw na pinapakita kung kanino sila nakapanig.
“Oh, I want TWG tea too. Nakalimutan banggitin ni Lois Lane eh,” tugon ko habang nakangisi.
Halata sa mukha nila ang pagkagulat. Hindi nila akalain na may alam ako sa mga pagkain na dapat ay wala dahil sa bundok nga ako nakatira.
“Nadine, did you search those foods online para lang i-request ngayong agahan?” tanong ni Lois Lane.
Ibang klase din ang bilis niyang mag-isip para lang pagmukhain akong shunga-shunga. At bumenta naman ‘yon sa tatlong kaharap namin.
"Kakatuntong pa lang ng paa mo sa Maynila ay akala mo kung sino ka ng tagapagmana kung maghanap ng pagkain?" angil ni Ryan.
"Nadine, we only have that food kapag nagustuhan ni Lois Lane," sabi naman ng aking ina.
Napailing na lang ako, mga utak munggo talaga.
Anyway, since iyon ang sinabi niya bakit hindi ko sakyan.
“Gusto kong makakain non. Kung ayaw nyo ay sasabihin ko kila Lola, maybe they will start giving me allowance money para sa mga pagkain na gusto kong kainin.”
Isang malakas na paghampas sa lamesa ang ginawa ng aking ama.
Nagulat ako, pero hindi dahil sa takot kundi dahil alam kong masakit iyon para sa kanya.
Gawa sa mahogany ang dining table, at para ihampas mo ang kamay mo don ng buong lakas ay ni hindi mo magagasgasan yon.
Pero siguradong matindi ang sakit na maidudulot non sa kamay mo.
Ngunit ang galing ng aking ama na umaktong parang wala lang. Huminga siya ng malalim at pumikit kasabay ang pagtikom ng kanyang kamay.
Pagdilat niya ay sinikap nito ang ngumiti sa akin.
“Nadine, those foods are not available right now. If you really want to have a taste of it, I’ll ask Alfon to buy those later para sa breakfast mo bukas.”
“Dad!” Si Ryan naman ang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
“Hayaan mo ang kapatid mo na makain ang gusto niya,” tugon ni Christopher. “Anyway, Nadine. Saang school ka naka-enrol? You’re in college, right?”
Ang bilis mag-shift ha...
Graduate na ako ng BS Pharmacy at licensed na rin. Ayaw ko na sanang mag-aral pa, ngunit sina lolo at lola ay excited para sa akin. Gusto daw nilang makita akong grumadweyt.
I’m only twenty years old, hindi pa huli para sa panibagong kurso. Why not indulge my grandparents who truly love and care about me?
“Gusto ko ang BS Biochemistry,” tugon ko. “As for the school, hindi pa ako nakakapagdesisyon.”
“Biochemistry? Nakarating na rin pala sa bundok ang kursong ‘yon?” mapanuyang tugon ni Ryan.
“Nadine, as your mother ay hayaan mong payuhan kita. Mahirap ang kurso na yon, nag-aalala ako na baka hindi mo makayanan at tumigil ka lang. Sayang ang gagastusin kung sakali,” sabi ng aking ina.
“Tama ang Mommy at Kuya Ryan mo,” singit ni Christopher.
“Nadine, hindi sa minamaliit ka namin. But that course is really difficult,” saad pa ni Lois Lane.
“Kung nahihirapan kayo sa course, anong kinalaman non sa akin?” tanong ko.
Lahat ay natahimik.
Welcome sa bago kong story. Samahan nyo akong alamin kung matutupad nga ni Nadine ang goals niya sa piling ni Aldrich Saavedra. Please like, comment and gem vote for me. Maraming salamat!
Nadine“Imbecile!”Halos umalingawngaw sa buong living room ang galit na sigaw ni Mr. Recto. Namumula ang mukha niya habang nakatitig sa akin, tila hindi makapaniwalang may isang babaeng naglakas-loob na insultuhin ang anak niya sa harap mismo nila.Pero honestly, hindi man lang ako natinag.Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko, kalmado ang ekspresyon habang salit-salitang tinitingnan ang mag-asawang Recto at ang anak nilang si Evan. Kung iniisip nilang kaya nila akong sindakin sa pamamagitan ng malalakas na boses at nagngangalit na mga mukha, malaking pagkakamali sila.I've faced different kinds of people in my life. Doctors, generals, billionaires, politicians, and other important VIPs. Nakaharap na ako sa mga taong mas may kapangyarihan at impluwensiya kaysa sa kanila. Isa lamang silang Recto. So, what exactly could they do to me?“Mr. Recto, I'm really sorry about my daughter's behavior,” agad na singit ni Dad, pilit na pinapakalma ang sitwasyon. Halatang hindi niya nagustuh
Nadine“Dad, huwag na tayong mag-aksaya ng oras, pagod at pera kay Nadine. Alam naman natin kung ano ang mangyayari kapag pinilit natin siyang ipasok sa St. Gabriel,” sabi ni Ryan habang nakasandal sa kanyang upuan. Halatang gusto na niyang tapusin ang usapan tungkol sa pag-aaral ko."She'll be a disgrace to our family kapag nalaman ng lahat na ginawa natin ang lahat upang makapasok siya sa St. Gabriel."Napatingin naman sa akin si Minerva at pilit na ngumiti.“Nadine, anak. Makinig ka sa amin ng Daddy mo. Tanging ang kapakanan mo lang ang iniisip namin.”Oh, really?Kung ganon, bakit parang mas interesado silang ipaalala sa akin kung ano ang hindi ko kayang gawin kaysa tulungan akong makamit ang gusto ko?“If that's the case,” singit ni Christopher, “I'll try to find another university na pwede sa kanya.”Hindi ko na napigilang mapa-eye roll, lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lois Lane. Para bang siya ang nanalo sa isang malaking debate at napatunayan niyang hindi ako
Nadine“Hindi naman namin sinabing mahihirapan kami. Ikaw lang talaga ang inaalala namin, anak,” mahinahong paliwanag ni Mommy, na para bang gusto niyang iparamdam sa akin na concern lang ang lahat ng sinasabi nila.Concern? Really?“May entrance examination ang bawat university, Nadine. Sigurado ka bang maipapasa mo ang mga iyon?” singit ni Lois Lane, sabay tingin sa akin na para bang isa akong estudyanteng kailangang turuan kung paano magbilang.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at bahagyang tinaasan siya ng kilay. Wow! Ang aga naman ng pangmamaliit niya sa kakayahan ko. Hindi pa nga ako nakakakuha ng exam, bagsak na agad ang tingin niya sa akin. Napaka-optimistic naman ng babaeng ito!“Nadine, I heard from Alfon na hindi ganon kataas ang mga grades mo noong high school. Paano ka makakapasa sa entrance examination?” dagdag naman ni Ryan, na tila ba may hawak siyang personal copy ng report card ko at isa-isa niyang pinag-aralan ang mga pagkukulang ko.Napangiti ako nang bahagya.
NadineWalang nagawa ang mga magulang ko kundi sundin ang sinabi ng aking lolo at lola. Kahit sina Lois Lane at Ryan ay hindi na nakapalag. They knew na ang mga magulang ng aking inang si Minerva, ang siyang tunay na may-ari ng bahay.Tatlong araw ang nakalipas at tuluyan akong nakalipat sa mansyon ng mga Madrigal . Unang araw na nagising ako ay napakagaan ng aking pakiramdam.Sa bagay, kailan ba naging hindi? Palagi naman akong masaya dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.The Madrigals? Hindi ko sila iniintindi.Bumangon ako at naligo tsaka bumaba para sa agahan.Kadalasan, madilim pa lang ay gising na ako dahil kinakailangan kong pumunta sa aking taniman ng mga halamang gamot. Ngunit dahil nandito na ako sa lungsod ay nagdesisyon akong magpahuli ng konti.Alas-otso nang marating ko ang dining area at nakita ko si Lois Lane na nakaupo at nag-aagahan. Bacon, ham, loaf bread, eggs, at milk ang nakahain sa harapan niya.Hindi ko iyon pinansin at naupo na lang ako habang hinihintay ang
NadineNagtagpo ang mga mata namin ng lalaki na nasa kabilang table. Kunyari ay hindi ko siya kilala, but that’s not true.I know who he is.He’s Aldrich Saavedra.Ang lalaking dapat na pakakasalan ko.Yesterday, ang impormasyon tungkol sa lalaking ito ang nilalaman ng email ni Julius sa akin.Ayon sa pamilya Madrigal, mad man daw si Aldrich, at sigurado akong iniisip nilang na-disfigure ang mukha nito, lalo na't iyon ang kumakalat na balita tungkol sa lalaki.Ano kaya ang gagawin ni Lois Lane kapag nalaman niya ang tunay na itsura ng isang Aldrich Saavedra. Sigurado akong iikot ng 180 degrees ang desisyon niya.Napailing na lang ako at muling binalik ang aking atensyon sa aking kaharap.“Anong ginagawa mo dito at paano mong nalaman na nandito ako?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Dale.Ang aking kaibigan na si Poppy ang sinabihan ko at siyang dapat na katagpo ko ngayon. Ngunit ang lalaking ito ang kaharap ko.“You know I always had my eyes on you, kaya hindi mahirap mal
Aldrich“Get out!”Nanginginig ang babae at halos hindi malaman ang gagawin kung paano tatakpan ang hubad niyang katawan ng sumigaw ako.Kakarating ko lang mula sa ibang bansa dahil sa isang business trip. Sa hotel ako dumiretso dahil alam kong nakaabang ang aking ama sa bahay para lang ipaalala sa akin ang isang blind date.Pagod ako at gusto kong magpahinga. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay ang babaeng walang saplot ang bumungad sa akin.“Sir,” sabi ni Cole, ang aking assistant, na agad pumasok sa aking silid matapos tuluyang makalabas ang babae.“Fire all the necessary personnel na may kinalaman sa insidenteng ito. Alamin mo rin kung sino ang may pakana.”“Yes, Sir.”“Ikuha mo ako ng panibagong silid at ipalinis mo ng mabuti dito.”“Pwede mong gamitin ang silid ko. Hindi ko pa nagamit yon sa ngayon.”Tumango ako at naglakad na palabas habang nakasunod si Cole. Sumakay kami ng elevator at bumaba ng dalawang palapag pa.Pagpasok ko ay pahinga na agad ang hanap ko at pabagsak na nahi







