LOGINGo girl!
Nadine“Dad, huwag na tayong mag-aksaya ng oras, pagod at pera kay Nadine. Alam naman natin kung ano ang mangyayari kapag pinilit natin siyang ipasok sa St. Gabriel,” sabi ni Ryan habang nakasandal sa kanyang upuan. Halatang gusto na niyang tapusin ang usapan tungkol sa pag-aaral ko."She'll be a disgrace to our family kapag nalaman ng lahat na ginawa natin ang lahat upang makapasok siya sa St. Gabriel."Napatingin naman sa akin si Minerva at pilit na ngumiti.“Nadine, anak. Makinig ka sa amin ng Daddy mo. Tanging ang kapakanan mo lang ang iniisip namin.”Oh, really?Kung ganon, bakit parang mas interesado silang ipaalala sa akin kung ano ang hindi ko kayang gawin kaysa tulungan akong makamit ang gusto ko?“If that's the case,” singit ni Christopher, “I'll try to find another university na pwede sa kanya.”Hindi ko na napigilang mapa-eye roll, lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lois Lane. Para bang siya ang nanalo sa isang malaking debate at napatunayan niyang hindi ako
Nadine“Hindi naman namin sinabing mahihirapan kami. Ikaw lang talaga ang inaalala namin, anak,” mahinahong paliwanag ni Mommy, na para bang gusto niyang iparamdam sa akin na concern lang ang lahat ng sinasabi nila.Concern? Really?“May entrance examination ang bawat university, Nadine. Sigurado ka bang maipapasa mo ang mga iyon?” singit ni Lois Lane, sabay tingin sa akin na para bang isa akong estudyanteng kailangang turuan kung paano magbilang.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at bahagyang tinaasan siya ng kilay. Wow! Ang aga naman ng pangmamaliit niya sa kakayahan ko. Hindi pa nga ako nakakakuha ng exam, bagsak na agad ang tingin niya sa akin. Napaka-optimistic naman ng babaeng ito!“Nadine, I heard from Alfon na hindi ganon kataas ang mga grades mo noong high school. Paano ka makakapasa sa entrance examination?” dagdag naman ni Ryan, na tila ba may hawak siyang personal copy ng report card ko at isa-isa niyang pinag-aralan ang mga pagkukulang ko.Napangiti ako nang bahagya.
NadineWalang nagawa ang mga magulang ko kundi sundin ang sinabi ng aking lolo at lola. Kahit sina Lois Lane at Ryan ay hindi na nakapalag. They knew na ang mga magulang ng aking inang si Minerva, ang siyang tunay na may-ari ng bahay.Tatlong araw ang nakalipas at tuluyan akong nakalipat sa mansyon ng mga Madrigal . Unang araw na nagising ako ay napakagaan ng aking pakiramdam.Sa bagay, kailan ba naging hindi? Palagi naman akong masaya dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.The Madrigals? Hindi ko sila iniintindi.Bumangon ako at naligo tsaka bumaba para sa agahan.Kadalasan, madilim pa lang ay gising na ako dahil kinakailangan kong pumunta sa aking taniman ng mga halamang gamot. Ngunit dahil nandito na ako sa lungsod ay nagdesisyon akong magpahuli ng konti.Alas-otso nang marating ko ang dining area at nakita ko si Lois Lane na nakaupo at nag-aagahan. Bacon, ham, loaf bread, eggs, at milk ang nakahain sa harapan niya.Hindi ko iyon pinansin at naupo na lang ako habang hinihintay ang
NadineNagtagpo ang mga mata namin ng lalaki na nasa kabilang table. Kunyari ay hindi ko siya kilala, but that’s not true.I know who he is.He’s Aldrich Saavedra.Ang lalaking dapat na pakakasalan ko.Yesterday, ang impormasyon tungkol sa lalaking ito ang nilalaman ng email ni Julius sa akin.Ayon sa pamilya Madrigal, mad man daw si Aldrich, at sigurado akong iniisip nilang na-disfigure ang mukha nito, lalo na't iyon ang kumakalat na balita tungkol sa lalaki.Ano kaya ang gagawin ni Lois Lane kapag nalaman niya ang tunay na itsura ng isang Aldrich Saavedra. Sigurado akong iikot ng 180 degrees ang desisyon niya.Napailing na lang ako at muling binalik ang aking atensyon sa aking kaharap.“Anong ginagawa mo dito at paano mong nalaman na nandito ako?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Dale.Ang aking kaibigan na si Poppy ang sinabihan ko at siyang dapat na katagpo ko ngayon. Ngunit ang lalaking ito ang kaharap ko.“You know I always had my eyes on you, kaya hindi mahirap mal
Aldrich“Get out!”Nanginginig ang babae at halos hindi malaman ang gagawin kung paano tatakpan ang hubad niyang katawan ng sumigaw ako.Kakarating ko lang mula sa ibang bansa dahil sa isang business trip. Sa hotel ako dumiretso dahil alam kong nakaabang ang aking ama sa bahay para lang ipaalala sa akin ang isang blind date.Pagod ako at gusto kong magpahinga. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay ang babaeng walang saplot ang bumungad sa akin.“Sir,” sabi ni Cole, ang aking assistant, na agad pumasok sa aking silid matapos tuluyang makalabas ang babae.“Fire all the necessary personnel na may kinalaman sa insidenteng ito. Alamin mo rin kung sino ang may pakana.”“Yes, Sir.”“Ikuha mo ako ng panibagong silid at ipalinis mo ng mabuti dito.”“Pwede mong gamitin ang silid ko. Hindi ko pa nagamit yon sa ngayon.”Tumango ako at naglakad na palabas habang nakasunod si Cole. Sumakay kami ng elevator at bumaba ng dalawang palapag pa.Pagpasok ko ay pahinga na agad ang hanap ko at pabagsak na nahi
NadineGusto kong matawa sa sinabi ni Alfon. Tinignan ko siya bago bumaling sa family of four na nasa living room.Lahat ay nakatingin sa akin at hindi ko naiwasan ang pagkibot ng aking kilay ng makita ang smirk sa mukha ni Lois Lane.“Wala ng bakanteng silid sa second at third floor?” ulit ko sa sinabi ng mayordomo.“Yes, Miss Nadine.” Kahit na bahagya pang yumuko ang lalaki ng sumagot ay kita ko pa rin ang pagngisi niya.“Sa laki ng bahay ng Madrigal family ay apat na kwarto lang ang meron dito?” tugon ko. “Nadine, please don't get mad. Ang second floor ay inuukupa nila Mom, Dad at Kuya Ryan. Ang ibang silid ay ginagamit bilang study room at wardrobe nilang tatlo.”Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy. Ngunit hindi nangyari yon dahil sumingit na si Ryan.“Prinsesa ng pamilya si Lois Lane at marami siyang gamit kaya ang buong third floor ay siya ang gumagamit. Sa ngayon, sa basement ka na muna.”“You're just adopted. Sino ka para sabihin sa akin yan? Ganon din si Loi







