LOGINAldrich
“Get out!”
Nanginginig ang babae at halos hindi malaman ang gagawin kung paano tatakpan ang hubad niyang katawan ng sumigaw ako.
Kakarating ko lang mula sa ibang bansa dahil sa isang business trip. Sa hotel ako dumiretso dahil alam kong nakaabang ang aking ama sa bahay para lang ipaalala sa akin ang isang blind date.
Pagod ako at gusto kong magpahinga. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay ang babaeng walang saplot ang bumungad sa akin.
“Sir,” sabi ni Cole, ang aking assistant, na agad pumasok sa aking silid matapos tuluyang makalabas ang babae.
“Fire all the necessary personnel na may kinalaman sa insidenteng ito. Alamin mo rin kung sino ang may pakana.”
“Yes, Sir.”
“Ikuha mo ako ng panibagong silid at ipalinis mo ng mabuti dito.”
“Pwede mong gamitin ang silid ko. Hindi ko pa nagamit yon sa ngayon.”
Tumango ako at naglakad na palabas habang nakasunod si Cole.
Sumakay kami ng elevator at bumaba ng dalawang palapag pa.
Pagpasok ko ay pahinga na agad ang hanap ko at pabagsak na nahiga sa kama matapos kong hubarin agn lahat ng saplot sa aking katawan. Ilang araw na akong walang tulog dahil sa kagustuhan kong matapos ang lahat ng kailangan kong tapusin dahil may importanteng bagay akong dapat na harapin dito sa bansa.
Kinabukasan, pagmulat ng aking mata ay agad akong naligo at nagbihis, ready na para pumunta sa opisina. Paglabas ko ng bedroom, sa living area ay nakita kong naghihintay na si Cole.
“Ready na po Sir ang breakfast sa restaurant sa ibaba.” Tumango ako, tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa harap ng elevator at naghintay.
“What are you talking about?” tanong ng isang babaeng pumwesto malapit sa akin. May kausap ito sa cellphone at kita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay. “I have only two goals in life. One is mabuntis sa edad na twenty at pangalawa, ang mag-asawa sa edad na twenty.”
Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babae dahil kung titignan ay nasa edad twenty na ito.
“Exactly,” sabi pa ng babae. “So, aanhin ko ang sinasabi mong mataba, malaki at mahaba if it’s shooting blank? I can disregard my second goal but not the first one.”
Biglang inubo si Cole na nakatayo sa kabilang side ko. Naiintindihan ko siya dahil sino bang matinong babae ang magsasalita ng ganon?
Kahit ako ay nagulat din pero sinikap kong papanatilihin ang seryoso kong mukha.
Napansin kong nilingon ng babae si Cole. Siguro ay nagtaka ito sa biglang pag-ubo o kaya naman ay iniisip na nakikinig ito sa kanyang pakikipag-usap.
Pero sino ang sisisihin niya eh ang lakas ng boses niya?
Wala namang sinabi ang babae at nanatili itong nakikinig sa kausap sa cellphone. Umangat ang tingin niya sa taas ng elevator at sakto, bigla iyong bumukas.
Nauna na akong pumasok na sinundan ni Cole habang panghuli ang babae.
“Kapag hindi pumayag si Christopher Madrigal sa kundisyon ko ay bahala siyang ipakasal ang ampon niya sa Saavedra na ‘yon.”
Tumaas ang kilay ko ng marinig ang apelyidong binanggit niya. Kahit si Cole ay nagtatakang napatingin din sa akin.
“Natatakot silang saktan ng Saavedra na yon ang ampon nila pero ako na tunay nilang anak ay hindi nila iniisip? Kung hindi sila papayag sa kundisyon ko, ano na lang ang mangyayari sa akin? Inaapi na nila, aapihin at aabusuhin pa ng mapapangasawa ko?”
Mas lalong nagsalubong ang aking kilay.
“Wait lang,” sabi ng babae habang inipit ang cellphone sa pagitan ng tenga at balikat habang binabalatan ang hawak na lollipop. “As I was saying, ang priority ko na ngayon ay ang mga goal ko. Kahit hindi pumayag ang mga Madrigal sa gusto kong mangyari ay okay lang. I’ll just find a man na pwedeng tumupad sa nais kong mangyari.”
Sinubo niya ang lollipop sa bibig bago binulsa ang balat non.
Pero teka, ganito na ba kadesperada ang babaeng ito to the point na basta na lang siyang maghanap ng kung sinong lalaki na tutupad sa goal niya?
At isa pa, Madrigal?
Saavedra?
Mad man?
Mang-aabuso?
Is this woman talking about me?
Nanatili ang tingin ko sa babae kaya hindi nakaligtas sa aking paningin ang panunulis ng kanyang nguso habang pinapaikot ang lollipop sa kanyang mga labi bago iyon padaanan ng kanyang dila.
Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang titig na titig siya sa babae.
Tila naramdaman niya ang aking tingin dahil bumaling siya sa akin bago tumingala.
“Nasaan ka na ba? Nasa elevator na ako papunta ng restaurant. Magkita na lang tayo don. Bilisan mo dahil nagugutom na ako,” sabi ng babae.
Bumukas ang elevator at lumabas na ito. Sumunod naman kami ni Cole at nagkataon na iisang lugar lang pala ang pupuntahan namin.
Inakay siya ng isang waiter patungo sa isang bakanteng lamesa at naupo. Habang kami ni Cole ay sa katabi lang ng table niya pumwesto.
Nag-order na ang babae habang patuloy pa rin siyang may kausap sa cellphone. Matapos umalis ang waiter ay doon niya lang nilapag ang phone at prenteng sumandal bago tumanaw sa labas ng glass wall ng restaurant.
Lumapit ang waiter sa table namin at isa-isang nilapag ang mga pagkain na na-order na ni Cole bago pa man kami bumaba dito, habang nagpaka-busy ako sa pagtingin sa aking cellphone.
Ilang saglit lang ang lumipas at umangat ang aking tingin ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. By coincidence, I know him.
“I didn’t expect to see you here.”
Umupo ang lalaki sa bakanteng upuan sa tapat ng babaeng nakasabay namin sa elevator. Hindi ko maiwasan ang pagkunot ng aking noo.
Lalaki ang kausap niya sa cellphone kanina?
“Paano mo ako natagpuan dito?” tanong ng babae.
Medyo malakas ang boses nila, tila walang pakialam kung may makarinig sa kanilang sinasabi.
“How did you find your family?”
“My family is not familying.”
Tumawa ng malakas ang lalaki.
Nagtaka ako dahil kung titignan ay mukhang nasa mid-thirties na ang lalaki ngunit kung makipag-usap ito sa kaharap ay parang sinasabayan niya ang vibe ng babae.
Magsasalita na ang babae ulit ng biglang may lumapit sa kanila.
“Nadine, kakarating mo pa lang dito sa lungsod ay may lalaki ka ng–”
Hindi tinuloy ng babae ang kanyang sinasabi na tila may nais na ipahiwatig.
“Sir, that’s Lois Lane Madrigal, the daughter of the Madrigals,” bulong ni Cole sa akin. Muli kong tinignan ang bagong dating bago dinampot ang aking kubyertos at nagsimulang kumain.
“You mean, the adopted daughter?” sabi ko matapos kong lunukin ang pagkain sa aking bibig.
Kung pagbabasehan ang sinabi ng nakasabay namin sa elevator na babae na nagngangalang Nadine ay siya ang tunay na anak ng mga Madrigal at mukhang hinanap siya talaga ng pamilya upang siyang ipakasal sa akin.
Ganon ba katindi ang impact ng pinamalita ko tungkol sa akin?
Mad man and disfigured face.
Ganon sila katakot sa akin?
Or ganon sila ka-disgusted sa kabila ng kayamanan ko?
“Find out more about the biological daughter," mahina kong sabi.
“Yes, Sir.”
Alam ko na magagawa ni Cole ang pinag-uutos ko kaya nagpatuloy na ako sa pagkain habang ine-entertain ang aking sarili sa nagaganap sa kabilang mesa.
I had a feeling na wala akong dapat alalahanin sa bagong dating na biological daughter ng mga Madrigal.
“Lalaking ano?” tanong ng lalaking kasama ni Nadine. "What's wrong with me?"
“Mr. Castellano?” Alanganin ang boses ng bagong dating na nagsalita.
“Evan, kilala mo ba siya?” nagtatakang tanong ni Lois Lane.
“He’s a well-known businessman,” sagot ni Evan.
“What?” kabadong bulalas ni Lois Lane. “Then, h-how did he meet my sister?”
“Sister?” Si Evan naman ang nagtaka.
“Yes, she’s my parents' biological daughter.” Mahina lang ang boses ni Lois Lane na tila ba ayaw nitong may ibang makarinig ng kanyang sinabi.
Ngunit malinaw iyong nakarating sa tenga ni Evan.
Si Dale Castellano ay isang kilalang negosyante. Hindi man siya kasingyaman ng mga Saavedra ay may sinasabi din ang pamilya nito. Partikular na ang lalaki.
“If you’ll excuse us, gusto kong makausap ng sarilinan si Nadine.” Buo at baritono ang boses ni Dale na maaaring makapagbigay ng takot sa sinumang kausap niya kagaya na lamang ng dalawang nakatayo sa tabi niya.
“We’re sorry for disturbing you,” maingat na sabi ni Evan, halatang hindi niya gustong makagawa ng bagay na maaaring makagalit kay Dale.
Umalis ang dalawa at hinarap na ni Dale si Nadine.
Ngunit bago yon ay nagtagpo ang mga mata namin ng dalaga habang nilalaro ang lollipop sa bibig niya.
If she really is the woman my father was referring to, hindi kaya magiging sakit siya ng ulo ko?
And wait—
She plans on getting pregnant at twenty.
Should I be the one to help her achieve her goal?
Hindi ko naiwasan ang mapangisi internally.
This is going to be fun.
Nadine“Dad, huwag na tayong mag-aksaya ng oras, pagod at pera kay Nadine. Alam naman natin kung ano ang mangyayari kapag pinilit natin siyang ipasok sa St. Gabriel,” sabi ni Ryan habang nakasandal sa kanyang upuan. Halatang gusto na niyang tapusin ang usapan tungkol sa pag-aaral ko."She'll be a disgrace to our family kapag nalaman ng lahat na ginawa natin ang lahat upang makapasok siya sa St. Gabriel."Napatingin naman sa akin si Minerva at pilit na ngumiti.“Nadine, anak. Makinig ka sa amin ng Daddy mo. Tanging ang kapakanan mo lang ang iniisip namin.”Oh, really?Kung ganon, bakit parang mas interesado silang ipaalala sa akin kung ano ang hindi ko kayang gawin kaysa tulungan akong makamit ang gusto ko?“If that's the case,” singit ni Christopher, “I'll try to find another university na pwede sa kanya.”Hindi ko na napigilang mapa-eye roll, lalo na nang mapansin ko ang bahagyang pagngiti ni Lois Lane. Para bang siya ang nanalo sa isang malaking debate at napatunayan niyang hindi ako
Nadine“Hindi naman namin sinabing mahihirapan kami. Ikaw lang talaga ang inaalala namin, anak,” mahinahong paliwanag ni Mommy, na para bang gusto niyang iparamdam sa akin na concern lang ang lahat ng sinasabi nila.Concern? Really?“May entrance examination ang bawat university, Nadine. Sigurado ka bang maipapasa mo ang mga iyon?” singit ni Lois Lane, sabay tingin sa akin na para bang isa akong estudyanteng kailangang turuan kung paano magbilang.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at bahagyang tinaasan siya ng kilay. Wow! Ang aga naman ng pangmamaliit niya sa kakayahan ko. Hindi pa nga ako nakakakuha ng exam, bagsak na agad ang tingin niya sa akin. Napaka-optimistic naman ng babaeng ito!“Nadine, I heard from Alfon na hindi ganon kataas ang mga grades mo noong high school. Paano ka makakapasa sa entrance examination?” dagdag naman ni Ryan, na tila ba may hawak siyang personal copy ng report card ko at isa-isa niyang pinag-aralan ang mga pagkukulang ko.Napangiti ako nang bahagya.
NadineWalang nagawa ang mga magulang ko kundi sundin ang sinabi ng aking lolo at lola. Kahit sina Lois Lane at Ryan ay hindi na nakapalag. They knew na ang mga magulang ng aking inang si Minerva, ang siyang tunay na may-ari ng bahay.Tatlong araw ang nakalipas at tuluyan akong nakalipat sa mansyon ng mga Madrigal . Unang araw na nagising ako ay napakagaan ng aking pakiramdam.Sa bagay, kailan ba naging hindi? Palagi naman akong masaya dahil sa mga taong nakapaligid sa akin.The Madrigals? Hindi ko sila iniintindi.Bumangon ako at naligo tsaka bumaba para sa agahan.Kadalasan, madilim pa lang ay gising na ako dahil kinakailangan kong pumunta sa aking taniman ng mga halamang gamot. Ngunit dahil nandito na ako sa lungsod ay nagdesisyon akong magpahuli ng konti.Alas-otso nang marating ko ang dining area at nakita ko si Lois Lane na nakaupo at nag-aagahan. Bacon, ham, loaf bread, eggs, at milk ang nakahain sa harapan niya.Hindi ko iyon pinansin at naupo na lang ako habang hinihintay ang
NadineNagtagpo ang mga mata namin ng lalaki na nasa kabilang table. Kunyari ay hindi ko siya kilala, but that’s not true.I know who he is.He’s Aldrich Saavedra.Ang lalaking dapat na pakakasalan ko.Yesterday, ang impormasyon tungkol sa lalaking ito ang nilalaman ng email ni Julius sa akin.Ayon sa pamilya Madrigal, mad man daw si Aldrich, at sigurado akong iniisip nilang na-disfigure ang mukha nito, lalo na't iyon ang kumakalat na balita tungkol sa lalaki.Ano kaya ang gagawin ni Lois Lane kapag nalaman niya ang tunay na itsura ng isang Aldrich Saavedra. Sigurado akong iikot ng 180 degrees ang desisyon niya.Napailing na lang ako at muling binalik ang aking atensyon sa aking kaharap.“Anong ginagawa mo dito at paano mong nalaman na nandito ako?” tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Dale.Ang aking kaibigan na si Poppy ang sinabihan ko at siyang dapat na katagpo ko ngayon. Ngunit ang lalaking ito ang kaharap ko.“You know I always had my eyes on you, kaya hindi mahirap mal
Aldrich“Get out!”Nanginginig ang babae at halos hindi malaman ang gagawin kung paano tatakpan ang hubad niyang katawan ng sumigaw ako.Kakarating ko lang mula sa ibang bansa dahil sa isang business trip. Sa hotel ako dumiretso dahil alam kong nakaabang ang aking ama sa bahay para lang ipaalala sa akin ang isang blind date.Pagod ako at gusto kong magpahinga. Ngunit pagbukas ko ng pintuan ay ang babaeng walang saplot ang bumungad sa akin.“Sir,” sabi ni Cole, ang aking assistant, na agad pumasok sa aking silid matapos tuluyang makalabas ang babae.“Fire all the necessary personnel na may kinalaman sa insidenteng ito. Alamin mo rin kung sino ang may pakana.”“Yes, Sir.”“Ikuha mo ako ng panibagong silid at ipalinis mo ng mabuti dito.”“Pwede mong gamitin ang silid ko. Hindi ko pa nagamit yon sa ngayon.”Tumango ako at naglakad na palabas habang nakasunod si Cole. Sumakay kami ng elevator at bumaba ng dalawang palapag pa.Pagpasok ko ay pahinga na agad ang hanap ko at pabagsak na nahi
NadineGusto kong matawa sa sinabi ni Alfon. Tinignan ko siya bago bumaling sa family of four na nasa living room.Lahat ay nakatingin sa akin at hindi ko naiwasan ang pagkibot ng aking kilay ng makita ang smirk sa mukha ni Lois Lane.“Wala ng bakanteng silid sa second at third floor?” ulit ko sa sinabi ng mayordomo.“Yes, Miss Nadine.” Kahit na bahagya pang yumuko ang lalaki ng sumagot ay kita ko pa rin ang pagngisi niya.“Sa laki ng bahay ng Madrigal family ay apat na kwarto lang ang meron dito?” tugon ko. “Nadine, please don't get mad. Ang second floor ay inuukupa nila Mom, Dad at Kuya Ryan. Ang ibang silid ay ginagamit bilang study room at wardrobe nilang tatlo.”Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy. Ngunit hindi nangyari yon dahil sumingit na si Ryan.“Prinsesa ng pamilya si Lois Lane at marami siyang gamit kaya ang buong third floor ay siya ang gumagamit. Sa ngayon, sa basement ka na muna.”“You're just adopted. Sino ka para sabihin sa akin yan? Ganon din si Loi







