Kiera POVNapuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang malakas na tibok ng sarili kong dibdib.Nanatiling nakatitig sa akin si Stefan. Ang mga mata nitong kasingkulay ng abo ay parang sinusuri ang bawat hibla ng buhok ko, ang bawat galaw ng labi ko, hanggang sa kung may natitira pa bang katinuan sa utak ko. Sa loob ng ilang segundong iyon, inasahan ko nang tatawagin niya ang mga security para palayasin ako gaya ng ginawa ng pamilya ni Marco kanina. Pero hindi niya ginawa. Sa halip, dahan-dahan siyang ngumisi—isang tipid at mapanganib na ngiti na lalong nagpalitaw sa matutulis niyang panga."Magpakasal?" ulit niya sa sinabi ko, mababa at seryoso ang boses. "You just walked into my private penthouse looking like a mess, crying your eyes out, and now you're proposing a marriage of convenience to a total stranger? Are you out of your mind, Miss Alcantara?"Nagulat ako nang konti dahil alam
Last Updated : 2026-10-14 Read more