Chapter One"Atika, tuloy ka!" excited na yaya ni Tiya Violeta sa akin. Agad gumawi sa makinis na sahig ang tingin ko. Parang isang malaking kasalanan kung tatapak ako roon.Sunod na tingin ko ay sa lumang sapatos ko na. Napansin iyon ng tiyahin ko at agad na nagsalita."That's fine, Atika. Come here. Pasok ka. Ipapalinis ko na lang sa mga alipin ko ang magiging kalat mo."Alipin. Gano'n ang tawag nito sa mga kasambahay nito?Nang humakbang ako papasok ay nag-iwan nga ng marka ang sapatos ko. Nagulat pa ako nang dali-daling punasan ng mga kasambahay iyon. Kahit ang dumi na nilikha ng luma kong maleta. Pinunasan nito. Para bang takot na takot na magtagal ang dumi sa sahig."Don't mind my alipin, Atika. Kita mo ba ang mansion ko? Sobrang laki 'di ba?" iginala ko ang tingin. Sala pa lang ay sobrang laki na.Halatang pinag-isipang mabuti ang ayos ng mga upuan, vase, pati mga paintings."O-po," tugon ko sa tiyahin."Kung naging matalino lang sana ang mama mo ay ganito rin siguro ang buhay
Last Updated : 2026-10-15 Read more