LOGINChapter One
"Atika, tuloy ka!" excited na yaya ni Tiya Violeta sa akin. Agad gumawi sa makinis na sahig ang tingin ko. Parang isang malaking kasalanan kung tatapak ako roon. Sunod na tingin ko ay sa lumang sapatos ko na. Napansin iyon ng tiyahin ko at agad na nagsalita. "That's fine, Atika. Come here. Pasok ka. Ipapalinis ko na lang sa mga alipin ko ang magiging kalat mo." Alipin. Gano'n ang tawag nito sa mga kasambahay nito? Nang humakbang ako papasok ay nag-iwan nga ng marka ang sapatos ko. Nagulat pa ako nang dali-daling punasan ng mga kasambahay iyon. Kahit ang dumi na nilikha ng luma kong maleta. Pinunasan nito. Para bang takot na takot na magtagal ang dumi sa sahig. "Don't mind my alipin, Atika. Kita mo ba ang mansion ko? Sobrang laki 'di ba?" iginala ko ang tingin. Sala pa lang ay sobrang laki na. Halatang pinag-isipang mabuti ang ayos ng mga upuan, vase, pati mga paintings. "O-po," tugon ko sa tiyahin. "Kung naging matalino lang sana ang mama mo ay ganito rin siguro ang buhay niya sa akin. Pero na-in love kasi at nagpabuntis agad," napailing pa ito. Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng maleta. Halos mamuti na iyon dahil sa higpit. Doon ko ibinuhos ang galit ko. Pinanatili ko pa rin naman ang inosenteng expression ko. "Hindi ko talaga alam kung bakit mas pinili niyang pumatol sa dukha... Damn! Nakakatanga talaga ang pag-ibig." Hindi ko nakuhang magsalita. Ayaw kong magkamali. "You know what... ngayong narito ka na ay ako na lang ang babawi sa 'yo. Sobrang walang kwenta ng mama mo. Hinayaan niyang maranasan mo ang mahirapan. Ngayon kasama mo na ang Tiya Violeta mo ay ginhawa na lang ang malalasap mo." Pilit akong ngumiti. "S-alamat po, tiya," ngumiti lang ang ginang saka sinipat nito ang orasan. "Mamaya ay ipakikilala sa asawa ko. Umalis kasi siya at mamaya pa babalik," agad akong tumango rito. "Manang! Manang, pakikuha ang maleta ng pamangkin ko. Dalhin ninyo sa magiging silid niya." Tututol sana ako dahil ako lang ang nakakaalam kung paano i-handle ang lumang maleta ko pero huli na. Kinuha na nila at nang iangat nila dahil sira ang isang gulong ay bigla na lang bumukas iyon at sumambulat sa sahig ang mga lumang damit ko. Natigilan ako. Mas una pang nakapag-react si Tiya Violeta na agad dumampot ng isang panty. "Seriously, Atika?" tanong nito sa akin. Lumang-luma na iyon. Ang garter nga'y maluwag na. May butas pa dala ng kalumaan. "Sinusuot mo pa ito? Ewww ha!" maarteng ani nito sabay bitaw. Sumunod ang tingin ko sa panty kong nahulog na sa sahig. "S-orry po," natauhan ako at dali-daling dinampot ang nagkalat kong damit. "That's enough, Atika. Manang, itapon mo ang mga lumang damit ni Atika. Walang lugar sa mansion ko ang mga lumang damit na iyan." Aangal sana ako ngunit hindi na ako binigyan ng pagkakataon dahil nagmadali na ang mga kasambahay. "Magsho-shopping na lang tayo ng mga damit mo, pamangkin. For now, magpapadala na lang ako ng mga damit ko na kakasya sa 'yo. Kapag makapagpahinga ka na... pupunta tayo ng mall at magsho-shopping. Okay ba iyon?" Tumango na lang ako. Nagpunta ako rito hindi para tanggihan ang ginang. Kung may nais siyang ibigay, kung may nais siyang baguhin sa akin ay walang problema. Susunod ako sa kanya. Inihatid ako sa kwarto ko ng kasambahay. "Ate, sure bang dito ako magkwakwarto?" hindi makapaniwalang bulalas ko habang gumagala ang tingin sa silid na pinagdalhan sa akin. "Opo, Ma'am Atika. Ito pa ang silid na ipinahanda ng tiya mo." "Sobrang laki, te! Sobrang sosyal po," excited akong lumapit sa kama at idiniin ang palad para i-check ang lambot no'n. "Grabe po! Sobrang lambot. First time ko pong hihiga sa ganitong kama." Alanganin ang naging ngiti ng kasambahay. Natigilan ako. Halata sa naging kilos ko ang pagiging ignorante ko. Agad akong umayos ng tayo saka ngumiti rito. "Thank you, are. Okay na po ako rito." "Kung may kailangan ka po'y tawagin n'yo lang po kami." "Salamat!" sumaludo pa ako rito bago sila umalis. Nang ako na lang ay pabagsak akong humiga sa kama. Finally, narito na ako. Iniangat ko ang kamay ko na para bang inaabot ko ang kisame. "Mama, narito na po ako... nakapasok na po ako sa mundo ni tiya," gumuhit ang lungkot sa aking mukha. Pero agad kong winaksi iyon nang bumukas bigla ang p***o at pumasok si tiya kasunod ang mga kasambahay. Agad akong bumangon at tumayo. Inilapag ng mga kasambahay ang mga damit sa kama. "Hindi ko pa naisuot ang mga iyan, Atika. Pansamantala lang naman iyan. Bukas na bukas ay magsho-shopping tayo. Isukat mo kung kasya sa 'yo." Agad akong kumilos para dumampot ng isa. "Ang alipin ko na ang bahala sa 'yo rito. Kailangan ko pang mag-freshen up dahil parating na ang asawa ko," nang sabihin niya iyon ay parang excited na excited siya. Daig pa ang dalagang maghahanda para sa crush nitong parating. "Sige po." Nang lumabas ito ay napatingin ako sa mga kasambahay na napahagikhik. "Bakit?" curious kong tanong. "Si Ma'am Violeta po kasi parang nagmumurang kamatis. Simula noong na-in love kay Sir Sullivan ay ang laki na ng pinagbago." "Ahh..." tumango-tangong ani ko. "Sino bang hindi. Sobrang hot ni sir. Kahit sino ay mai-in love talaga," nagtawanan ang mga ito habang ako'y walang imik. Nang napansin ng mga ito na tahimik na ako ay agad nagsalita ang isa. "Ma'am Atika, alam mo bang gamitin ang mga gamit sa banyo? Pwede ka po naming turuan," offer nito. Mukhang sincere naman kaya tumango ako. After all, walang ganito sa aming bahay. Baka mabobo ako kapag gagamitin ko na. Mas mabuting magpaturo na lang sa kanila. Pumasok kami sa banyo. Unang tumambad sa akin ang malaking salamin na walang bakas ng kahit anong dumi. "Parang ang ganda ko sa salaming ito," pabirong ani ko habang sinisipat ang sarili roon. "Maganda ka po, Ma'am." "Tama ka d'yan!" ani ko na ikinatawa ng mga ito. Sinimulan nilang ituro kung paano gamitin ang shower, bathtub, pati pag-flush sa toilet, at kung paano bubuksan ang bidet. "Salamat sa inyo," ngiting-ngiti na ani ko. Natutunan ko rin sa kanila kung para saan ang mga bottle na na nakalagay sa banyo. Lotion, shampoo, at kung ano-ano pa. Dahil libre naman iyon ay balak kong gamitin ang lahat ng iyon.Chapter FourIlang linggo na ako sa bahay ng tiyahin ko. Nagsimula na rin itong magpapunta ng ilang tao na nais magturo sa akin kung paano kumilos nang naaayon sa isang babaeng nagmula sa mayamang pamilya.May nagtuturo sa akin ng tamang postura, tamang paglalakad, at maging ang paraan ng paghawak ng kubyertos kapag kumakain. Mayroon ding nagtuturo kung paano makipag-usap nang maayos sa mga taong hindi ko naman kilala at kung paano ngumiti nang hindi nagmumukhang pilit.Napakaraming kailangang matutuhan para lamang magmukhang isang babaeng ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.Kung alam lang nila.Hindi naman ako ignorante sa mga bagay na ito. Sadyang hindi ko lamang nagagamit ang mga ito sa pang-araw-araw kong buhay. Lumaki akong malayo sa karangyaan, kaya mas sanay akong kumilos ayon sa kung ano ang komportable para sa akin.Pero ngayong nasa poder na ako ni Tiya Violeta, kailangan kong matutuhang makibagay.At higit sa lahat, kailangan kong magmukhang karapat-dapat na 'tagap
Chapter ThreeMaaga akong gumising. Tama lang dahil dahil aalis kami ni Tiya para raw mag-shopping.Ito pa ang pumili ng suot ko. Para akong manikang binihisan at inayusan. Kaya ko namang gawin pero ayaw ng tiyahin ko."Atika," nasa sasakyan na kami. May driver at bodyguard kaming kasama. Hindi rin iniwan ang apat na angels daw ni tiya. Angels ang tawag niya sa mga alalay niya. Buti naman at maayos na ang tawag niya sa mga ito."Po?" ani ko sa ginang."Alam kong sobrang poor ng taste mo. Pangmahirap lang. Dahil nasa poder na kita ay babaguhin natin iyan. Sobrang rich ng tiya mo. Maraming mayayamang tao na nakakasalamuha. Kailangan kaya mo ring humarap sa kanila. Ayaw kong mapahiya kaya plano kong ikuha ka ng mga taong makakatulong sa 'yo para magmukha ka namang mayaman.""Okay po," tugon ko.Mula pa kaninang nasa mansion kami ay pansin ko na ang ganda ng mood nito. Mukhang may kinalaman sa nangyari sa kanila kagabi ng asawa niya."Orla," tawag nito sa bading na assistant. Nakaupo ang
Chapter TwoKatatapos kong maligo. Pakiramdam ko ay sobrang bango ko pagkatapos ng matagal kong pananatili sa banyo.Sinubukan ko na ang lahat ng mga bago sa paningin ko. Ang resulta... pakiramdam ko'y ang linis-linis ko."Ma'am Atika," sunod-sunod na katok ang pumukaw sa akin at ang pagtawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa pinto."Ma'am, handa na po ang dinner. Nasa baba na po si Ma'am Violeta at si Sir Sullivan. Baba ka na raw po," agad kong hinila pababa ang suot kong bestida.Medyo maiksi ang bestidang pambahay na kasama sa ibinigay ni Tiya.Inayos ko rin ang buhok ko bago ako sumunod sa kasambahay.Pababa pa lang kami'y nakita ko na si Tiya at ang asawa nito sa sala. Magkaharap ang mga ito at nag-uusap.Nang naramdaman yata nilang pababa na ako ay pareho silang napatingin sa akin.Agad yumakap sa bewang ng lalaki ang tiyahin ko."Atika, halika!" excited na tawag ni Tiya. Pagkababa ko'y lumapit ako sa kanila.“Atika, meet your Tiyo Sullivan, my husband.”Husband. N
Chapter One"Atika, tuloy ka!" excited na yaya ni Tiya Violeta sa akin. Agad gumawi sa makinis na sahig ang tingin ko. Parang isang malaking kasalanan kung tatapak ako roon.Sunod na tingin ko ay sa lumang sapatos ko na. Napansin iyon ng tiyahin ko at agad na nagsalita."That's fine, Atika. Come here. Pasok ka. Ipapalinis ko na lang sa mga alipin ko ang magiging kalat mo."Alipin. Gano'n ang tawag nito sa mga kasambahay nito?Nang humakbang ako papasok ay nag-iwan nga ng marka ang sapatos ko. Nagulat pa ako nang dali-daling punasan ng mga kasambahay iyon. Kahit ang dumi na nilikha ng luma kong maleta. Pinunasan nito. Para bang takot na takot na magtagal ang dumi sa sahig."Don't mind my alipin, Atika. Kita mo ba ang mansion ko? Sobrang laki 'di ba?" iginala ko ang tingin. Sala pa lang ay sobrang laki na.Halatang pinag-isipang mabuti ang ayos ng mga upuan, vase, pati mga paintings."O-po," tugon ko sa tiyahin."Kung naging matalino lang sana ang mama mo ay ganito rin siguro ang buhay
"Tulog na si Tiya Violeta. Pwede mo na akong angkinin, Sullivan."Nang-aakit ang tinig ko. Ang palad ko'y marahang humaplos pababa sa dibdib nito hanggang sa natumbok ko ang malaking hinaharap nito.ProlongueTahimik na ang buong mansion. Tiyak na tulog na ang lahat pwera na lang sa mga guard na panggabi na nagbabantay sa labas.Maingat akong lumakad patungo sa isang silid. Nakayapak lang ako para mas kontrolado ko ang bawat hakbang ko.Hindi ako pwedeng gumawa ng ingay, hindi pwedeng madiskubre ng mga tao sa mansion na ito na gising pa ako ng ganitong oras.Nang narating ko ang silid na target ko ngayong gabi ay maingat kong hinawakan ang doorknob no'n, luminga-linga rin muna.Nang nakumpirmang walang ibang tao ay maingat kong pinilit ang doorknob at saka maingat iyong itinulak.Nang sumilip ako sa silid ay una kong makita ang napakalaking kama ni Tiya Violeta.Himbing na himbing na ito sa pagtulog. Sa bedside table ay nakapatong ang baso ng gatas na kalahati lang ang bawas.Ako ang







