LOGINChapter Three
Maaga akong gumising. Tama lang dahil dahil aalis kami ni Tiya para raw mag-shopping. Ito pa ang pumili ng suot ko. Para akong manikang binihisan at inayusan. Kaya ko namang gawin pero ayaw ng tiyahin ko. "Atika," nasa sasakyan na kami. May driver at bodyguard kaming kasama. Hindi rin iniwan ang apat na angels daw ni tiya. Angels ang tawag niya sa mga alalay niya. Buti naman at maayos na ang tawag niya sa mga ito. "Po?" ani ko sa ginang. "Alam kong sobrang poor ng taste mo. Pangmahirap lang. Dahil nasa poder na kita ay babaguhin natin iyan. Sobrang rich ng tiya mo. Maraming mayayamang tao na nakakasalamuha. Kailangan kaya mo ring humarap sa kanila. Ayaw kong mapahiya kaya plano kong ikuha ka ng mga taong makakatulong sa 'yo para magmukha ka namang mayaman." "Okay po," tugon ko. Mula pa kaninang nasa mansion kami ay pansin ko na ang ganda ng mood nito. Mukhang may kinalaman sa nangyari sa kanila kagabi ng asawa niya. "Orla," tawag nito sa bading na assistant. Nakaupo ang assistant nito sa passenger seat. "Ma'am?" baling agad ni Orla. "Make sure na mabili mo iyong watch na gusto ni Sullivan. Tiyak kong matutuwa iyon kapag mabili iyon." Ilang milyon naman kaya ang relong iyon? "Are you sure, ma'am?" may pag-aalinlangan sa tinig ni Orla. "Yes! Yes!" napahagikhik pa ang ginang. "Barya lang iyan kung tutuusin. Kahit ano pa ang hingin ng asawa ko ay walang problema sa akin," tinignan ako nito. "I'm so mayaman and maraming pera, Atika. I'll make sure na matitikman mo rin ang tamang iyon," kumindat pa ito sa akin. Pagdating namin sa mall ay pinagtitinginan kami ng mga talo lalo na sa pustura ng tiyahin ko. Halatang pinagyayabang ang kayamanan. With bodyguards pa and angels. Nakarating kami sa isang boutique kung saan ay halatang kilala na ng mga staff rito ang tiyahin ko. "She's my niece," ipinakilala ako ni tiya sa mga staff na naroon. "Show her your finest collection. Choose dresses that would suit her figure and complexion. I want her to try on something elegant." Hindi ako sanay sa atensyon na pinaglagyan ni tiya sa akin. Pero handa akong yakapin ang atensyon na iyon. Sinukatan muna ako bago sila naglabas ng mga damit. Nalaman ko na lang na ipinasara pala ni tiya ang shop para kami lang ang customer. Si tiya ang nag-yes and no sa mga damit. Tahimik lang ako dahil sabi ni tiya, "Lumaking mahirap ang pamangkin ko, wala siyang alam sa fashion." Okay. Ayos lang. Siya naman ang magwawaldas ng pera sa store na ito. Pagkatapos sa store na iyon ay lumipat naman kami sa isa pa. Halos maghapon kami sa lugar na iyon. Pagod na pagod na ako dahil sa pagsusukat. Pero hindi ako makaangal. Damit, sapatos, bag, and jewelry. Hilong-hilo na ako pero tiis lang. Kailangan kong tiisin dahil may tiyahin akong ayaw kong ma-disappoint. "Let's eat na," parang musika sa pandinig ko iyon. Finally! Nahihilo na ako sa gutom. Buti naman at naalala pa niyang kumain. Sa isang restaurant kami rito sa loob ng mall nagtungo. Pa-vip pa rin ang tiyahin ko sa restaurant. "Ma'am," tawag ni Orla. "Yes?" agad na baling ni tiya rito. "Narito po si Sir Sullivan sa mall. Tinatanong po niya kung nasaan tayo." "Really? Go, tell him kung nasaan tayo. Tapos magdagdag ka pa ng food." Kung kanina ay nasa akin ang buong atensyon ng Ginang, nang dumating si tiyo ay napunta ang lahat ng atensyon nito rito. -- "Atika," gabi na kaming nakauwi. Gusto ko nang dumeretso sa kwarto at matulog. Pero tinawag pa ng Ginang. "Po?" bumaba akong muli dahil nasa hagdan na ako. Paglapit ko ay may iniabot ito sa akin. Nang tanggapin ko at titigan ay natigilan ako. Card kasi iyon. "If rich ang tiya dapat hindi dukha ang pamangkin. Kung may kailangan kang bilhin ay gamitin mo ang card na ito," kumindat pa ito sa akin. "Thank you po." "Sige na. Magpahinga ka na." Nakaakyat na ako sa kwarto. Nakapag-shower na rin at ngayon ay nakahiga na sa kama habang hawak ang card. Ngayon ibinibigay nito ang mga ganitong bagay sa akin... pero noong nagmamakaawa si mama sa kanya ay talagang nagmatigas siya. "Ma, sobrang naging malupit talaga ang babaeng iyon sa 'yo. Sorry, mama. Hindi mo ako masisisi kung magiging malupit din ako sa kanya," malamya ang naging ngiti saka napabuntong-hininga. "Naghirap ka dahil sa kanya... hindi mo sana naranasan iyon kung naging mabuting kapatid lang siya sa 'yo. Lintik lang ang walang ganti... sisirain ko siya. Wawasakin ko siya." Hindi ko na napigilan ang luha ko. Sunod-sunod na iyong tumulo at nauwi na sa pag-iyak. "Miss na miss na kita, ma. Ang daya-daya mo talaga. Ang aga mo akong iniwan." Niyakap ko ang unan ko at isinubsob ko roon ang mukha ko. Isang taon... isang taon na ang lumipas noong namatay si mama at tuluyan akong naging ulila. Isang taon ko ng dala-dala ang bigat sa dibdib ko. Ang galit na habang lumilipas ang panahon ay mas lalong lumalalim. "Hindi ako masamang tao, mama. Pero kailangan kong maging masama para maiparanas ko sa kapatid mo ang lahat ng hirap na ipinaranas niya sa 'yo." Habang luhaan ako sa silid ko ay rinig na rinig ko naman ang masayang tawa ni tiya. Tiyak na nasa balcony ng kwarto nila ang dalawa. Masaya sila, pero iritang-irita ako sa sayang mayroon sila. Tinakpan ko ang tenga ko. Ayaw kong marinig iyon. Mas lalong nabubuhay ang galit ko. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko dahil kung sasabog agad ako... masisira ang lahat ng plano ko. Wala akong planong kamkamin ang yamang ipinagkait sa mama ko. Higit pa roon ang gusto ko... ang pabagsakin ang emperyong mayroon si Tiya Violeta.Chapter FourIlang linggo na ako sa bahay ng tiyahin ko. Nagsimula na rin itong magpapunta ng ilang tao na nais magturo sa akin kung paano kumilos nang naaayon sa isang babaeng nagmula sa mayamang pamilya.May nagtuturo sa akin ng tamang postura, tamang paglalakad, at maging ang paraan ng paghawak ng kubyertos kapag kumakain. Mayroon ding nagtuturo kung paano makipag-usap nang maayos sa mga taong hindi ko naman kilala at kung paano ngumiti nang hindi nagmumukhang pilit.Napakaraming kailangang matutuhan para lamang magmukhang isang babaeng ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.Kung alam lang nila.Hindi naman ako ignorante sa mga bagay na ito. Sadyang hindi ko lamang nagagamit ang mga ito sa pang-araw-araw kong buhay. Lumaki akong malayo sa karangyaan, kaya mas sanay akong kumilos ayon sa kung ano ang komportable para sa akin.Pero ngayong nasa poder na ako ni Tiya Violeta, kailangan kong matutuhang makibagay.At higit sa lahat, kailangan kong magmukhang karapat-dapat na 'tagap
Chapter ThreeMaaga akong gumising. Tama lang dahil dahil aalis kami ni Tiya para raw mag-shopping.Ito pa ang pumili ng suot ko. Para akong manikang binihisan at inayusan. Kaya ko namang gawin pero ayaw ng tiyahin ko."Atika," nasa sasakyan na kami. May driver at bodyguard kaming kasama. Hindi rin iniwan ang apat na angels daw ni tiya. Angels ang tawag niya sa mga alalay niya. Buti naman at maayos na ang tawag niya sa mga ito."Po?" ani ko sa ginang."Alam kong sobrang poor ng taste mo. Pangmahirap lang. Dahil nasa poder na kita ay babaguhin natin iyan. Sobrang rich ng tiya mo. Maraming mayayamang tao na nakakasalamuha. Kailangan kaya mo ring humarap sa kanila. Ayaw kong mapahiya kaya plano kong ikuha ka ng mga taong makakatulong sa 'yo para magmukha ka namang mayaman.""Okay po," tugon ko.Mula pa kaninang nasa mansion kami ay pansin ko na ang ganda ng mood nito. Mukhang may kinalaman sa nangyari sa kanila kagabi ng asawa niya."Orla," tawag nito sa bading na assistant. Nakaupo ang
Chapter TwoKatatapos kong maligo. Pakiramdam ko ay sobrang bango ko pagkatapos ng matagal kong pananatili sa banyo.Sinubukan ko na ang lahat ng mga bago sa paningin ko. Ang resulta... pakiramdam ko'y ang linis-linis ko."Ma'am Atika," sunod-sunod na katok ang pumukaw sa akin at ang pagtawag sa pangalan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa pinto."Ma'am, handa na po ang dinner. Nasa baba na po si Ma'am Violeta at si Sir Sullivan. Baba ka na raw po," agad kong hinila pababa ang suot kong bestida.Medyo maiksi ang bestidang pambahay na kasama sa ibinigay ni Tiya.Inayos ko rin ang buhok ko bago ako sumunod sa kasambahay.Pababa pa lang kami'y nakita ko na si Tiya at ang asawa nito sa sala. Magkaharap ang mga ito at nag-uusap.Nang naramdaman yata nilang pababa na ako ay pareho silang napatingin sa akin.Agad yumakap sa bewang ng lalaki ang tiyahin ko."Atika, halika!" excited na tawag ni Tiya. Pagkababa ko'y lumapit ako sa kanila.“Atika, meet your Tiyo Sullivan, my husband.”Husband. N
Chapter One"Atika, tuloy ka!" excited na yaya ni Tiya Violeta sa akin. Agad gumawi sa makinis na sahig ang tingin ko. Parang isang malaking kasalanan kung tatapak ako roon.Sunod na tingin ko ay sa lumang sapatos ko na. Napansin iyon ng tiyahin ko at agad na nagsalita."That's fine, Atika. Come here. Pasok ka. Ipapalinis ko na lang sa mga alipin ko ang magiging kalat mo."Alipin. Gano'n ang tawag nito sa mga kasambahay nito?Nang humakbang ako papasok ay nag-iwan nga ng marka ang sapatos ko. Nagulat pa ako nang dali-daling punasan ng mga kasambahay iyon. Kahit ang dumi na nilikha ng luma kong maleta. Pinunasan nito. Para bang takot na takot na magtagal ang dumi sa sahig."Don't mind my alipin, Atika. Kita mo ba ang mansion ko? Sobrang laki 'di ba?" iginala ko ang tingin. Sala pa lang ay sobrang laki na.Halatang pinag-isipang mabuti ang ayos ng mga upuan, vase, pati mga paintings."O-po," tugon ko sa tiyahin."Kung naging matalino lang sana ang mama mo ay ganito rin siguro ang buhay
"Tulog na si Tiya Violeta. Pwede mo na akong angkinin, Sullivan."Nang-aakit ang tinig ko. Ang palad ko'y marahang humaplos pababa sa dibdib nito hanggang sa natumbok ko ang malaking hinaharap nito.ProlongueTahimik na ang buong mansion. Tiyak na tulog na ang lahat pwera na lang sa mga guard na panggabi na nagbabantay sa labas.Maingat akong lumakad patungo sa isang silid. Nakayapak lang ako para mas kontrolado ko ang bawat hakbang ko.Hindi ako pwedeng gumawa ng ingay, hindi pwedeng madiskubre ng mga tao sa mansion na ito na gising pa ako ng ganitong oras.Nang narating ko ang silid na target ko ngayong gabi ay maingat kong hinawakan ang doorknob no'n, luminga-linga rin muna.Nang nakumpirmang walang ibang tao ay maingat kong pinilit ang doorknob at saka maingat iyong itinulak.Nang sumilip ako sa silid ay una kong makita ang napakalaking kama ni Tiya Violeta.Himbing na himbing na ito sa pagtulog. Sa bedside table ay nakapatong ang baso ng gatas na kalahati lang ang bawas.Ako ang







