Naiwan sa akin ang libro dahil umalis nalang ng patawa-tawa ang matanda.Hindi pa rin ako makakalma, dahil sa narinig, kung hindi lang dumagsa ang mga customer pagpatak ng alas-cynco ng gabi.Si Kuya, sumama na sa bahay kasama si Mama, kaya ako nalang at si Celine ang naiwan dito.“Ma’am, ngiti naman dyan,” sabay lapag ni Celine ng isang tasa ng kape sa harapan ko.Siya na muna ang tumatao sa harapan ng botika, habang ako ay kakatapos lang na mag-ayos ng mga stocks, at ka-uupo lang para asikasuhin na ang mga kailangang order-in para sa mga gamot na kailangang i-restock.Sinamaan ko lang siya ng tingin habang ginagalaw ang mouse na nakakonekta sa laptop ko. Ginawa ko nalang na mouse pad ang librong bigay ng matanda.Hindi na rin naman siya nagtagal an kausapin ako dahil may bumibili na ulit.“Ang hirap, eh ‘di si Heather na ang maganda, mayaman, at ideyal na anak,” pakantang asar ni Celine habang paalis.Nagpipindot ako sa laptop nang biglang nakarinig ako ng isa nanamang tukso mula ka
Huling Na-update : 2026-10-21 Magbasa pa