LOGIN
“Wala ka na talaga ibang ginawa kung hindi tumambay, ‘no?"
“Ma naman.”
Gusto kong magreklamo. Hindi naman kase ako nakatambay lang. Ako ang may ari ng lugar na ‘to. Nirerentahan ng maayos, rehistrado at maayos na nagtatrabaho. Botika ‘to, hindi bakasyunan.
“Mabuti iyong si Heather, sekretarya na sa Guevara Industrial, mayaman pa. Ikaw patambay-tambay pa rin dito.”
Si Heather nanaman. Anak ng mga Buencamino, at dati kong kaklase no’ng college. Siya nalang palagi ang magaling sa piningin ni Mama, eh hindi naman niya kaano-ano.
“Bakit po ba kayo nandito?” paglilihis ko ng usapan.
“Naputulan ako ng kuryente sa bahay, pahingi ng pangbayad.”
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga stocks sa shelf, at nagpigil ng nangingilid kong luha.
“Hoy. Bilis na.”
Kumuha siya ng isang box ng gamot sa rack at binato sa akin. Tinamaan ako nito sa balikat, kaya napabuntong hininga ako at napilitang harapin siya ng maayos.
“Hindi ba kakabigay ko lang sa inyo ng para sa ngayong buwan, last week?”
“‘Wag kang sagot ng sagot, Michaella ah. Magbibigay ka nalang, ang dami mo pang sinasabi. Hindi mo alam ang hirap ko sa’yo para mapag-aral ka lang ng college ah.”
Suminghot lang ako at nagmadaling humarap sa kaha, para tignan ang kita.
“Magkano po ba?”
“5 thousand.”
Makita ko palang ang mga barya at iilang bente pesos sa kaha ay alam ko nang hindi sasapat ‘yon sa hinihingi n’yang halaga.
Malakas ang pakiramdam kong hindi naman talaga para sa kuryente ang perang hinihingi niya. Alam ko namang kay Heather dumederetso ang kalahati sa mga binibigay kong pera.
“Ma, pasensya na, wala akong maibibigay.”
Agad nag-iba ang timpla ng mukha ni Mama. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig ang kamao.
“Wala kaseng customer ‘tong sari-sari store mo! Ito na nga lang ang gagawin mo, pinapa-iral mo pa rin ‘yang katanganhan mo?”
Gaano man karami ang gusto kong sabihin, wala talagang lumalabas ng salita sa bibig ko kapag ganitong minamaliit ang ginagawa ko. Tambay ako, at sari-sari store ang tingin niya rito sa botika ko.
Napapikit nalang ako nang maramdaman kong mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko.
“Ah, ma’am si Sir Luthner po nandit—Ay, madam!”
Nang imulat ko ang mata ay nadatnan ko na bagong dating si Celine, ang pharmacy assistant ko kasama si Kuya Luthner.
“Mich!” Tumabi sa akin si Kuya at mabilis na tinanggal ang kamay ni mama sa buhok ko. “Ma, sinasaktan mo ba si Mich?” May kataliman ang pagpaling niya kay Mama. Questions seemed to reflect on his eyes.
“Ah, Luthner! H-Hindi ah. Ano lang…”
Napalunok nalang ako. “W-Wala ‘to, Kuya. Humihingi lang ng pambayad ng kuryente si Mama. Nakalimutan ko kase siyang bigyan, last week.”
“O-Oo, tama.”
Nahuli ko ang sikretong pagbuntong-hininga ni Mama.
Sa ganitong pagkakataon, hindi ko rin kaya na magsumbong kay Kuya Luthner. Pamilya pa rin naman kami. Pinakamahalaga sa akin na panatilihing buo kaming tatlo. Ayaw kong nag-aaway kami ng ganito at mas pipiliin kong masaktan nalang ng tahimik, kaysa sirain ang pamilyang ‘to. Gagawin ko ang lahat para protektahan ang pamilyang ‘to. Magkamatayan man.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Kuya sa aming dalawa.
Mas naging matipuno ang katawan niya kumpara no’ng college. Siguro ay napapadalas na siya sa gym, dahil kumikita naman na siya ngayon ng malaki sa Guevara Industrial at afford na afford ang monthly membership f*e sa gym. Grabe nga kung gastosan niya si Heather, eh hindi pa naman sila! Manliligaw pa lang naman siya.
“Magkano ba, Ma? Ako na ang magbabayad.”
Agad nilabas ni Kuya ang wallet sa bulsa ng kanyang plantsadong plantsadong Lestrange trousers.
Sakto naman na may nagtuktok ng barya sa grills ng tindahan ko, kaya agad ko iyong pinuntahan.
Nadinig ko naman na inaya ni Kuya sa labas si Mama. Buti nalang, dahil nadinig kong kay Heather nanaman napunta ang usapan nila.
Pakiramdam ko ang presesnya ko ang mali sa mga oras na ‘yun.
“Ano ho ‘yun?”
Isang matanda na marami nang kulubot ang nasa tapat. Sumisilip ang puting buhok nito sa manipis na pulang balabal na nakapatong sa kanyang ulo. Hawak niya ang tungkod na yari sa ratan sa kanang kamay, at isang maalikabok na libro sa kaliwa.
Nagtayuan ang balahibo ko nang hindi siya sumagot, at sa halip ay tumitig lang sa akin.
May lalim.
“M-May masakit po ba sa inyo? Maintenance po ba?”
“Anong pangalan mo, hija?” sa wakas ay tugon ng matanda.
Nakangiwi akong napataas ng kilay.
Ang alam ko, gamot ang madalas na tinatanong dito, hindi pangalan ng pharmacist.
“Michaella Soriano, ho. Pharmacist.” Napadapo ang tingin ko sa librong hawak niya. “Nandyan po ba sa libro ang reseta n’yo. Akin na po, para matignan ko na kung may stock.”
Walang salita niya namang iniabot sa akin ang libro.
Humalo sa amoy kulob na kemikal ng botika ang amoy ng alikabok at lumang papel na galing sa librong iyon.
Pag buklat ko no’n ay hindi reseta ang bumungad sa akin kun’di isang pangalan.
Luthner Soriano
“Ikaw pala ang kapatid ng lalaking itinakdang magdusa sa kanyang asawa.”
Napaigtad ako at nanindig ang balahibo.
“Wala pong girlfriend ang kuya ko.”
Isinara at tinulak ko ang libro pabalik sa matanda, pero tinulak niya lang iyon pabalik at umiling.
“Heather Buencamino ang pangalan ng asawa niya, hindi ba?”
Agad nagsalubong ang kilay ko at sarkastikong napatawa.
“Nanang, sumosobra naman kayo ah. ‘Wag na ‘wag n’yo pong babanggitin ang babaeng ‘yon.”
Sa hindi ko malamang dahilan, ngumiti lang siya sa akin. “Ganyan nga!”
“Nanang, hindi ako nagbibiro.”
“At ano ang gagawin mo kung si Heather nga ang magiging dahilan ng miserableng buhay ni Luthner?”
Napahigpit ang hawak ko sa cover ng libro. Gumapang ang isang mainit at kumukulong pakiramdam sa aking dugo.
“Magkakamatayan.”
“No.”Fred just said it flatly, and then led me to the passenger seat of his car without a single word.Deretso ang labi, at mahigpit ang panga niya habang nasa driver’s seat hanggang sa makarating kami sa isang restaurant na walang man lang katao-tao.The receptionist greeted us with smiles, pero pareho naming hindi nagawang ibalik iyon sa kanya. I heard the whole place was reserved by Fred, base sa pag-uusap nila.Hinayaan lang ako ni Fred na maunang maupo na sa isang table set for two.“I’ll order for us,” he said, then didn’t bother to stay and wait for my confirmation.I felt so heavy that my lips just won’t move to say anything at all. I have to. Allergic ako sa seafood. Ang dami ko pa namang nakikitang seafood dish sa menu na nasa ibabaw ng table.Fred came back after a few minutes just staring at me probably feeling the tensed air around me.“Mich, while waiting for the food, is it okay if we talk about what happened?”“Wait, Fred ano munang in-order mo?”“Well-done steak, fis
Watching Fred sleep beside me had me mesmerized. Fred had quite the perfectly carved sharp jaw and clean cut curly hair. His nose was tall enough to crease the pillow a bit.I can’t believe I need to use this handsome man for my own gain.Kinakagat ang puso ko ng konsensya.Sabi niya gusto niya ako, and I know na hindi naman imposible ‘yon. Nakatakda nang magustohan niya ako.Pero…“Magiging okay ka ng wala ako, Fred. Si kuya hindi.”Mabilis akong nagbihis at pumunta ng CR dala damit ni Fred. I saw a laundry basket there, so I just tossed everything there and then faced the mirror to fix myself.Nag-retouch ako ng make up ko lumabas na.Naabutan ko si Fred na naka-T-shirt. Tulala sa sahig habang nakangiti.The faint sound of my footsteps made him turn in my direction. Agad siyang lumapit sa harap ko.“When will I see you again?”I narrowed my eyes, weirded out by his question. “Duh, ang lapit-lapit ng pharmacy ko sa unit mo.”He let out a short chuckle. “So payag kang puntahan kita ar
Fred really took it as a go signal, and started kissing my lips gently. His one hand holding me by my nape and the other unbuttonging his polo.He was half naked, when my head fell on his shoulder, kaya napahinto siya sa pagtanggal ng sintoron niya.“Hey don’t sleep—”My gentle kisses on the side of his neck quickly cut him off and instead just chuckled.His body is so warm, that I gave into the temptation of hugging him like a child.“Silly. You’re such a baby,” he commented.Sunod lang ako ng sunod sa galaw niya hanggang sa namalayan ko nalang na habang patuloy ako sa paghalik sa leeg niya ay wala na siyang saplot.He gently pushed me to face him.“Stay still.”Pero hindi ako sumunod at sinunggaban siya ng halik sa labi.I crave his warmth so badly. Parang ayaw kong humiwalay.He followed my kiss and was the first to deepen it gradually, then pushed me to finally lie down. He started to pull my loose scrub suit pants and touched my legs. His hands slowly get up to my knees then to
Sa wakas, alam ko na kung paano gagantihan ang Heather na ‘yan.Hindi ko alam kung anong ginawa ni Heather kay Kuya, pero ang tunog ng text na ‘yon sa akin ay malungkot. Tapos mamamatay lang siya sa kamay ng bruha. I can’t let that happen! Kung ako ang pamilya para kay Kuya, then why don’t we just be together? That way, hindi nila kailangang ikasal.But first, he has to be safe with the baby.Nagtipa ako ng reply.Mich: Then be safe! ‘Wag mo nang i-entertain si Heather. Sa dalas niyo, baka bigla kayong makabuo.Kuya: What do you mean be safe? We do it protected. Ano pang gusto mong gawin ko? I even told her to buy my condoms from you, para may kita ka.I rolled my eyes.Hirap ah. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil concern siya sa negosyo ko o maiinis dahil aminado talaga siyang bigay na bigay siya mamamatay taong ‘yon.Mich: Break up with her. Kuya: The f*ck, Mich? You’re being insensitive here. I love Heather. Saan ba ‘to nanggagaling? Ah, nai-inggit ka kase gusto siya ni Mama
Nang imulat ko ang mata ko ay agad akong nasilaw sa sinag ng araw na pumapasok mula sa siwang ng kurtina.Agad akong napabalikwas ng bangon.“Ma’am!” nabulalas naman ni Celine na nakaupo sa upuan sa coffee table ng… botika ko?Nagpalinga-linga ako at nakitang nakahiga pala ako sa sofa. Ito ang nagsisilbing rest area namin kapag wala masyadong customer.“Binangungot ka ba, ma’am?”Napakapa ako ng ulo ko, pati katawan, at takang takang napatingin kay Celine. Parehong pagtataka rin ang nasa maya niya nang masalubong ko ang tingin niya.Walang sugat ang ulo ko. Wala rin akong saksak sa likod?Tsaka wala ako sa ospital.“G*go, akala ko namatay ako,” bulong ko sa sarili ko, habang nakatitig sa sofa.“Ah, binangungot nga. Ma’am, pa’no ka naman mamamatay, eh wala pa ngang isang oras kang natutulog?”Pinanliitan ko siya ng mata.“Teka, si Kuya Luthner? Kumusta si Kuya Luthner?”Unti-unting lumawak ang ngisi sa labi ni Celine. “Ma’am ah, ano ‘yan?”Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Tumayo at i
Naiwan sa akin ang libro dahil umalis nalang ng patawa-tawa ang matanda.Hindi pa rin ako makakalma, dahil sa narinig, kung hindi lang dumagsa ang mga customer pagpatak ng alas-cynco ng gabi.Si Kuya, sumama na sa bahay kasama si Mama, kaya ako nalang at si Celine ang naiwan dito.“Ma’am, ngiti naman dyan,” sabay lapag ni Celine ng isang tasa ng kape sa harapan ko.Siya na muna ang tumatao sa harapan ng botika, habang ako ay kakatapos lang na mag-ayos ng mga stocks, at ka-uupo lang para asikasuhin na ang mga kailangang order-in para sa mga gamot na kailangang i-restock.Sinamaan ko lang siya ng tingin habang ginagalaw ang mouse na nakakonekta sa laptop ko. Ginawa ko nalang na mouse pad ang librong bigay ng matanda.Hindi na rin naman siya nagtagal an kausapin ako dahil may bumibili na ulit.“Ang hirap, eh ‘di si Heather na ang maganda, mayaman, at ideyal na anak,” pakantang asar ni Celine habang paalis.Nagpipindot ako sa laptop nang biglang nakarinig ako ng isa nanamang tukso mula ka







