ALLIYAH ROSE“Rosie, may bago kang misyon,” sabi sa akin ng boss ko.“Bago? Pero hindi pa naman ako tapos sa misyon ko ngayon,” sagot ko sa kanya dahil feeling ng isang ito ay tapos na ako.“I know, pero kasi kailangan ka doon. They need you there.”“Ako, kailangan? Bakit?”“Ikaw lang kasi ang–”“Boss, alam mo na hindi ako nag-iiwan ng trabaho. Hayaan mo akong tapusin ko ang trabaho ko, let finish this one,” putol ko sa sasabihin pa niya.“Hindi na ba kita mapipilit?” tanong niya sa akin at inirapan ko siya dahil ang kulit niya talaga.“Okay, hindi na kita pipilitin,” sabi pa niya at sumuko na rin.“Pag-usapan natin sa susunod once na natapos na ako,” sabi ko kay Boss Vryan.“Tapusin mo na kasi agad,” natatawa na sabi niya.“Gusto mo ba na unahin na kitang tapusin?” tanong ko sa kanya.“Ito naman, nagbibiro lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ka mabiro. Kaya wala kang boyfriend dahil ang sungit mo,” sabi niya sa akin.“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” sabi ko pa sa kanya.
Última atualização : 2026-10-22 Ler mais