LOGINALLIYAH ROSE
Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako sa kanya pero hindi ko lang pinahalata. Pero siya ang unang umiwas ng tingin sa akin. Kaya ko kasing makipag-eye contact na hindi kumukurap. Like normal lang sa akin na gawin ‘yon. Hindi naman gano’n ka sama ang mukha niya. Naiintindihan ko na kung bakit kilig na kilig sa kanya ang mga babae kanina. Pero para sa akin ay ang daddy ko pa rin ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.
Kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil wala pa akong nakikita na katulad ng daddy ko. Kung hindi siya katulad ni Adam Sebastian Dela Vega ay ‘wag na lang.
“Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya.
“Lumabas ka na at umuwi,” sagot niya sa akin.
“Why?”
“Dahil ikaw na lang ang naiwan dito. Nakauwi na ang iba mong ka-trabaho,” sabi niya sa akin.
“Wala akong pampiyansa,” sabi ko sa kanya.
“It’s okay, hindi na kailangan,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Okay, sabi mo eh,” sabi ko sa kanya.
Tumayo na ako para lumabas na. Gusto na niya akong umuwi kaya naman lalabas na ako. Tatanggihan ko pa ba ang libre? Syempre hindi, dahil kailangan kong panindigan na ulila lang ako. Nang makalabas na ako sa selda ay hinila niya ako papasok sa isang silid.
“Ano ang ginagawa mo?”
“Kumain ka na ba? Nagugutom ka ba?” tanong niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Bakit mo tinatanong?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot.
May microwave dito at iniinit niya ang pagkain. Ako naman ay tahimik lang at nagmasid sa paligid.
“Alden Rocky Alcantaria?” basa ko sa pangalan na nasa table.
Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Na para bang narinig ko na ito noon pero hindi ko lang maalala kung saan at kung kailan. Hindi rin naman ako interesado na malaman kaya hinayaan ko na lang.
“Kumain ka muna bago ka umuwi?”
“Busog pa ako. Hindi ako nagugutom.”
“Natatakot ka ba sa akin?” tanong niya sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga.
Bakit naman ako matatakot sa kanya? Sino ba siya? Pero may kasabihan nga na ‘wag masyadong magtiwala sa strangers kahit pa sabihin na pulis pa siya. Mukha naman siyang matino pero wala akong time para sa kanya.
“Kumain ka na–”
“Bakit ako lang? Bakit hindi mo pinakain ang iba kanina?” tanong ko sa kanya.
“Masyado kayong marami para pakainin ko.”
“Alis na ako, Mr. Alcantaria. Hindi po talaga ako kakain,” sabi ko sa kanya.
“May utang ka sa paglabas mo,” sabi niya sa akin kaya kumunot na naman ang noo ko sa narinig ko mula sa kanya.
“Akala ko ba ay okay na–”
“Community service. Kailangan mong mag-report dito for that,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Report dito?”
“Yes, for one month,” sabi niya sa akin at pinaasa lang pala ako na walang kapalit ang pagpapalabas niya sa akin.
“Kailangan ko ba talaga na gawin ‘yan? Hindi naman ako minor.”
“Yes,” mabilis na sagot niya sa akin.
“Magkano ba ang piyansa?”
“Ang piyansa mo para makalabas ay–”
“Okay sige, community service na lang,” sabi ko sa kanya para tapos na ang usapan. Kapag binayaran ko siya ay baka magtaka pa siya. Baka mapagbintangan pa akong sindikato kapag nagkataon.
“Magreport ka dito kung kailan ka hindi busy. Kung ano ang maluwag sa time mo basta every day,” sabi pa niya sa akin.,
“Okay,” sabi ko naman at naglakad na ako palabas sa office niya.
“Ingat, ganda.”
“‘Wag ka ng bumalik dito ha! Hindi bagay ang ganda mo dito sa loob.”
“Bye, ganda.. Hanap ka ng trabaho at ‘wag sa illegal ha,” sabi ng ibang pulis at hindi ko naman sila pinansin.
Ano naman kasi ang sasabihin ko sa kanila? Wala rin naman kaya mas mabuti na manahimik na lang ako. Nang makalabas na ako sa presinto ay nakahinga na ako ng maayos. Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep. Malalim na ang gabi kaya madalang na lang ang mga dumadaan na sasakyan. Hindi naman ako natatakot kahit anong oras pa. Agent ako at mas pabor pa nga sa akin ang ganitong oras at pagkakataon.
“Saan ka Miss?” nakangisi na tanong sa akin ng isang lalaki na mukhang hindi nakaranas maligo.
May mga kasama siya at tatlo sila. Lumapit sila sa akin kaya naman umatras ako. Hindi ko naman puwedeng ipakita na hindi ako takot sa kanila. I hate being like this, ang magpanggap na natatakot ako sa kanila.
“A–Ano po ang kailangan niyo?” tanong ko sa kanila na tunog kinakabahan.
“Saan ka ba? Ihahatid ka namin,” sabi niya sa akin.
“Okay lang po ako, hindi na kailangan.”
“Ayaw mo bang samahan ka namin? Masaya kaming kasama,” nakangisi pa na sabi ng isa sa kanila.
“Hindi ko kailangan n–”
“Ano ang ginagawa niyo sa kanya?” tanong ng pamilyar na boses.
“Parak! Takbo na!” sigaw ng isa sa kanila at nag-unahan na silang tumakbo.
“Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin.
“Okay lang naman.”
“Okay lang naman? Alam mo ba kung ano ang mga taong ‘yon?” galit na tanong niya sa akin.
“Alam ko,” sagot ko sa kanya.
“You’re unbelievable. Muntik ka na nilang mabiktima pero ganyan ka pa rin magsalita. Ni hindi ka man lang nagthank you sa akin,” sabi niya sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya at pumara na ako sa jeep paparating. Tumigil ito at naglakad na ako paakyat sa loob ng jeep. Nang makasakay na ako ay hindi na ako lumingon pa sa kanya. Kaunti lang ang pasahero na narito. Nagbayad na ako at ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bahay na inuupahan ko. Dahil wala namang nangyari sa lakad ko ngayon ay magpapahinga na lang muna ako. Bukas ay maghahanap na naman ako ng bagong trabaho.
Maayos naman ang bahay na ito. Hindi nga lang kasing lambot ang kama sa room ko sa bahay pero okay lang naman. Sanay na ako dahil sa trabaho ko. Pumikit na ako para matulog na.
******
“What are you doing here? Bakit ka narito?” nagulat pa ako sa pagbukas ko ng p***o dahil….
ALLIYAH ROSE“What are you doing here?” napalingon ako sa taong nagsalita at kaagad na kumunot ang noo ko dahil narito siya.Ang pulis na nakakainis ang mukha. Pero naka-civilian siya ngayon kaya sa tingin ko ay hindi siya kilala ng lalaking nasa tabi namin. “Ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka narito?” tanong niya ulit sa akin.“Boss, nag-aapply siya. Kaya lang GRO na lang ang bakanteng trabaho. Isalba mo siya dahil ang ganda pa naman niya. Magkakilala ba kayo? Sayang lang kapag natipuhan siya ng mga matandang m*nyakis,” ang daldal rin talaga ng isang ito.“She’s my girlfriend,” sabi niya at bigla na lang akong hinila palayo sa lalaki.“Bitiwan mo nga ang kamay ko! Girlfriend mo mukha mo!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Okay ka lang ba? Bakit d’yan ka nag-aapply? Bakit hindi na lang sa matinong trabaho–”“Excuse me?” masungit na sambit ko sa kanya.“Sabi ko, bakit hindi ka na lang pumasok sa matinong trabaho. Bakit d’yan pa?”“Ano ba ang pakialam mo?”“Gusto mo talaga na mahuli na nam
ALLIYAH ROSE“What are you doing here? Bakit ka narito?” nagulat pa ako sa pagbukas ko ng pinto dahil narito ang boss ko.“Bawal na ba kitang puntahan dito? I’m your boss, remember?” tanong niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng bahay na inuupahan ko.“Maghahanap ulit ako ng trabaho. Kaya bakit ka narito?.”“Alam ko, nalaman ko na nahuli ka kagabi tapos hindi ka man lang nagsabi,” sabi pa niya sa akin.“Nakalabas naman ako,” sagot ko sa kanya.“Sino ang nagbayad ng piyansa mo?”“Wala,” sagot ko sa kanya.“So, paano ka nakalabas? ‘Wag mong sabihin sa akin na binugbog mo ang mga pulis.”“Mukha ba akong siraulo?” mataray na tanong ko sa kanya at tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Siguro ay ginamit mo na naman ang ganda mo,” sabi niya sa akin.“Pinalabas ako ng pulis kagabi na ka-apelyido mo at ang kapalit ay community service for one month,” sagot ko sa kanya.“Really?” tanong pa niya sa akin.“Kilala mo ba siya?” tanong ko sa kanya.“Hindi, malay ko. Marami namang A
ALLIYAH ROSENagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako sa kanya pero hindi ko lang pinahalata. Pero siya ang unang umiwas ng tingin sa akin. Kaya ko kasing makipag-eye contact na hindi kumukurap. Like normal lang sa akin na gawin ‘yon. Hindi naman gano’n ka sama ang mukha niya. Naiintindihan ko na kung bakit kilig na kilig sa kanya ang mga babae kanina. Pero para sa akin ay ang daddy ko pa rin ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.Kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil wala pa akong nakikita na katulad ng daddy ko. Kung hindi siya katulad ni Adam Sebastian Dela Vega ay ‘wag na lang.“Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya.“Lumabas ka na at umuwi,” sagot niya sa akin.“Why?” “Dahil ikaw na lang ang naiwan dito. Nakauwi na ang iba mong ka-trabaho,” sabi niya sa akin.“Wala akong pampiyansa,” sabi ko sa kanya.“It’s okay, hindi na kailangan,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“Okay, sabi mo eh,” sabi ko sa kanya.Tumayo na ako para lumabas na. Gusto na niya ak
ALLIYAH ROSE“Tatakas ka?”“Wala akong kasalanan kaya bakit mo ak–”“You’re under arrest,” sabi pa niya sa akin kaya gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.“Wala naman akong ginagawang masama, Sir,” sabi ko sa kanya.“Paano mo nasabi na wala? Dito ka nagtatrabaho at illegal na pinapatakbo ang bar na ito,” sabi pa niya sa akin na para bang hindi ko alam.“Sir, naghahanap-buhay lang po ako para sa pamilya ko. Wala po akong ibang mahanap na trabaho.”“Chief, nahuli na po namin ang lahat.”“Isakay na sila sa patrol car,” sabi ng nakakainis na lalaking ito.“Lakad na, sumakay ka na doon,” sabi niya sa akin at may pagka-arogante rin talaga.“Bitiwan mo na ang kamay ko. Hindi naman ako tatakas,” sabi ko sa kanya dahil kailangan ko na lang na sumunod sa kanya para hindi niya malaman kung sino ba ako.“Alam ko ang mga katulad mo, tatakas kapag may pagkakataon,” sabi niya sa akin.“Posasan mo na lang ako,” utos ko sa kanya.“Wala ng posas,” sagot niya sa akin kaya mas lalo lang akong nainis sa
ALLIYAH ROSE“Rosie, may bago kang misyon,” sabi sa akin ng boss ko.“Bago? Pero hindi pa naman ako tapos sa misyon ko ngayon,” sagot ko sa kanya dahil feeling ng isang ito ay tapos na ako.“I know, pero kasi kailangan ka doon. They need you there.”“Ako, kailangan? Bakit?”“Ikaw lang kasi ang–”“Boss, alam mo na hindi ako nag-iiwan ng trabaho. Hayaan mo akong tapusin ko ang trabaho ko, let finish this one,” putol ko sa sasabihin pa niya.“Hindi na ba kita mapipilit?” tanong niya sa akin at inirapan ko siya dahil ang kulit niya talaga.“Okay, hindi na kita pipilitin,” sabi pa niya at sumuko na rin.“Pag-usapan natin sa susunod once na natapos na ako,” sabi ko kay Boss Vryan.“Tapusin mo na kasi agad,” natatawa na sabi niya.“Gusto mo ba na unahin na kitang tapusin?” tanong ko sa kanya.“Ito naman, nagbibiro lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ka mabiro. Kaya wala kang boyfriend dahil ang sungit mo,” sabi niya sa akin.“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” sabi ko pa sa kanya.







