LOGINALLIYAH ROSE
“Tatakas ka?”
“Wala akong kasalanan kaya bakit mo ak–”
“You’re under arrest,” sabi pa niya sa akin kaya gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.
“Wala naman akong ginagawang masama, Sir,” sabi ko sa kanya.
“Paano mo nasabi na wala? Dito ka nagtatrabaho at illegal na pinapatakbo ang bar na ito,” sabi pa niya sa akin na para bang hindi ko alam.
“Sir, naghahanap-buhay lang po ako para sa pamilya ko. Wala po akong ibang mahanap na trabaho.”
“Chief, nahuli na po namin ang lahat.”
“Isakay na sila sa patrol car,” sabi ng nakakainis na lalaking ito.
“Lakad na, sumakay ka na doon,” sabi niya sa akin at may pagka-arogante rin talaga.
“Bitiwan mo na ang kamay ko. Hindi naman ako tatakas,” sabi ko sa kanya dahil kailangan ko na lang na sumunod sa kanya para hindi niya malaman kung sino ba ako.
“Alam ko ang mga katulad mo, tatakas kapag may pagkakataon,” sabi niya sa akin.
“Posasan mo na lang ako,” utos ko sa kanya.
“Wala ng posas,” sagot niya sa akin kaya mas lalo lang akong nainis sa kanya.
Naglakad na ako papunta sa patrol car. Sumakay na ako kasama ang iba pa naming mga ka-trabaho. Nakatingin sila sa akin dahil ako ang bukod tanging walang posas sa kamay.
“Officer, bakit naman wala siyang posas? Tapos kami mayroon,” tanong ng isang magdalena.
“Wala ng available na posas,” masungit pa rin ang lalaking ito.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil may suot siyang black cap. Umupo siya sa tabi ko kaya naman umusod ako ng kaunti para hindi kami magkadikit na dalawa. Mabango naman siya pero ayaw ko lang na magkadikit ang balat naming dalawa.
“Umusod ka nga doon. Ang sikip na nga pero sinisiksik mo pa rin kami,” naiinis na sabi sa akin ng isang babae.
“Palit na lang tayo ng upuan kung gusto mo,” sabi ko sa kanya.
“Talaga ba? Gusto mo na palit tayo?”
“Oo, kung gusto mo na dito ka,” sabi ko sa kanya.
“Malapit na tayo. Bakit kailangan pang magpalit?” masungit na sabi ng katabi ko.
He’s so annoying.. Nakakainis talaga siya. Ito ang unang beses na nainis ako ng sobra sa isang lalaki. At siya ang lalaking ‘yon. Patuloy ang biyahe at nagulat ako nang may lubak na nadaanan ang patrol car. Ang buong akala ko ay mahuhulog ako pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong pinaupo sa kandungan niya.
“A-Ano ang ginagawa mo?”
“I’m just helping you, muntik ka ng mahulog,” sagot niya sa akin at pa-cool pa siya kung magsalita.
“Bakit mo naman ak–”
“Narito na tayo,” sabi niya kaya naman mabilis akong bumaba sa patrol car.
Kaya ko namang maglakad pero bakit kailangan pa niya hawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang at pumasok na lang kami sa loob ng presinto. Hindi ko alam kung paano ba ako makakalabas dito dahil hindi ko naman puwedeng tawagan ang boss ko. Aasa na lang siguro muna ako sa himala ngayon.
“Name?” tanong niya sa akin pero wala akong balak na sumagot.
“Ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Wala kaming choice kung hindi buksan na ang mga gamit mo,” sabi pa niya at hinayaan ko lang siya.
“Maria Manika Lupa,” basa niya sa pangalan ko at alam ko na medyo natatawa siya.
Yeah, I picked it for myself. Medyo nakakatawa siya pero mas gusto ko siyang gamitin ngayon sa misyon ko. Hindi ito ang agent name ko, dahil paiba-iba naman ang ginagamit naming mga code name lalo na sa bawat misyon.
“Maria Manika Lupa, tawagan mo na ang magulang mo para makalabas ka na dito,” sabi niya sa akin.
“Wala akong magulang, ulila na ako.”
“Talaga?”
“Nagtatanong ka pero ayaw mo naman maniwala,” mataray na sabi ko at pumunta na ako sa pinakadulong bahagi ng selda.
Himas selda na muna ako ngayon habang nag-iisip ako ng paraan kung paano ba ako makakalabas dito. Nahihiya naman akong guluhin ang mga kuya ko dahil nasa misyon ako. Kapag dumating sila ay malalaman ng lalaking ito na isa akong Dela Vega. Iyon ang ayaw kong mangyari.
I want to protect my family. Pinasok ko ang mundong ito na hindi tumutol ang parents ko kaya dapat lang na manatili silang safe. Hindi dapat sila madamay sa mga ginagawa ko.
Isa-isa na nilang kinuha ang pangalan ng mga narito. Hanggang sa bigla na lang nagsitilian ang mga babae dito.
“Ang pogi niya!”
“Ang yummy!”
“Officer, single ka ba?”
“Puwede ako ng isang gabi lang!”
“Masarap rin ako, officer!”
“Oh my gosh!”
“Ang sarap mo!”
“Kaya kong manatili dito ng isang taon!”
“Ako rin!” kinikilig na sabi ng mga ito.
Ang ingay nila at ang bulgar nila sa lalaking ‘yon na para bang ngayon pa lang sila nakakita ng gwapo. Baka kapag nakita nila ang lahi ko ay baka sabihin nilang bumaha ng gwapo. Ang mga kapatid at mga pinsan ko ay mga gwapo kaya walang t***n sa pamilya namin. I’m not interested sa mukha ng lalaking ito. Katunayan ay sumasakit na ang tainga ko sa ingay nila.
Pumikit na lang ako at nagkunwari na wala akong naririnig. Ang lalandi ng mga babaeng ito. Hindi nila alam ang sinasabing self respect. Sana naman kahit pa sa bar sila nagtatrabaho ay igalang pa rin nila ang sarili nila. Wala na akong pakialam sa kanila, dahil ang problema ko ngayon ay kung paano ko ba gagawin ang trabaho ko.
Habang nag-iisip ako ng dapat kong gawin ay unti-unti na ring nababawasan ang ingay. Mukhang pinalaya na ang mga nakakarinding mga babae. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong narito.
“Hey, ano na?” masungit na tanong niya at ako itong nagkukunwari na tulog.
“Hey, wala ba talagang maglalabas sa ‘yo dito?”
“Dito ka na ba matutulog?” tanong pa niya sa akin pero tahimik pa rin ako.
“Ano ba ang plano mo?”
“Fvck! Bahala ka nga sa buhay mo! Ikaw lang talaga ang gustong manatili dito.”
Tunog frustrated na siya pero wala akong pakialam sa kanya. Bukas na lang ako lalabas. Sa ngayon ay mananatili na lang muna ako dito. Wala na akong naririnig na kahit ano kaya naman unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at hindi ko inaasahan na….
ALLIYAH ROSE“What are you doing here?” napalingon ako sa taong nagsalita at kaagad na kumunot ang noo ko dahil narito siya.Ang pulis na nakakainis ang mukha. Pero naka-civilian siya ngayon kaya sa tingin ko ay hindi siya kilala ng lalaking nasa tabi namin. “Ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka narito?” tanong niya ulit sa akin.“Boss, nag-aapply siya. Kaya lang GRO na lang ang bakanteng trabaho. Isalba mo siya dahil ang ganda pa naman niya. Magkakilala ba kayo? Sayang lang kapag natipuhan siya ng mga matandang m*nyakis,” ang daldal rin talaga ng isang ito.“She’s my girlfriend,” sabi niya at bigla na lang akong hinila palayo sa lalaki.“Bitiwan mo nga ang kamay ko! Girlfriend mo mukha mo!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Okay ka lang ba? Bakit d’yan ka nag-aapply? Bakit hindi na lang sa matinong trabaho–”“Excuse me?” masungit na sambit ko sa kanya.“Sabi ko, bakit hindi ka na lang pumasok sa matinong trabaho. Bakit d’yan pa?”“Ano ba ang pakialam mo?”“Gusto mo talaga na mahuli na nam
ALLIYAH ROSE“What are you doing here? Bakit ka narito?” nagulat pa ako sa pagbukas ko ng pinto dahil narito ang boss ko.“Bawal na ba kitang puntahan dito? I’m your boss, remember?” tanong niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng bahay na inuupahan ko.“Maghahanap ulit ako ng trabaho. Kaya bakit ka narito?.”“Alam ko, nalaman ko na nahuli ka kagabi tapos hindi ka man lang nagsabi,” sabi pa niya sa akin.“Nakalabas naman ako,” sagot ko sa kanya.“Sino ang nagbayad ng piyansa mo?”“Wala,” sagot ko sa kanya.“So, paano ka nakalabas? ‘Wag mong sabihin sa akin na binugbog mo ang mga pulis.”“Mukha ba akong siraulo?” mataray na tanong ko sa kanya at tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Siguro ay ginamit mo na naman ang ganda mo,” sabi niya sa akin.“Pinalabas ako ng pulis kagabi na ka-apelyido mo at ang kapalit ay community service for one month,” sagot ko sa kanya.“Really?” tanong pa niya sa akin.“Kilala mo ba siya?” tanong ko sa kanya.“Hindi, malay ko. Marami namang A
ALLIYAH ROSENagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako sa kanya pero hindi ko lang pinahalata. Pero siya ang unang umiwas ng tingin sa akin. Kaya ko kasing makipag-eye contact na hindi kumukurap. Like normal lang sa akin na gawin ‘yon. Hindi naman gano’n ka sama ang mukha niya. Naiintindihan ko na kung bakit kilig na kilig sa kanya ang mga babae kanina. Pero para sa akin ay ang daddy ko pa rin ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.Kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil wala pa akong nakikita na katulad ng daddy ko. Kung hindi siya katulad ni Adam Sebastian Dela Vega ay ‘wag na lang.“Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya.“Lumabas ka na at umuwi,” sagot niya sa akin.“Why?” “Dahil ikaw na lang ang naiwan dito. Nakauwi na ang iba mong ka-trabaho,” sabi niya sa akin.“Wala akong pampiyansa,” sabi ko sa kanya.“It’s okay, hindi na kailangan,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“Okay, sabi mo eh,” sabi ko sa kanya.Tumayo na ako para lumabas na. Gusto na niya ak
ALLIYAH ROSE“Tatakas ka?”“Wala akong kasalanan kaya bakit mo ak–”“You’re under arrest,” sabi pa niya sa akin kaya gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.“Wala naman akong ginagawang masama, Sir,” sabi ko sa kanya.“Paano mo nasabi na wala? Dito ka nagtatrabaho at illegal na pinapatakbo ang bar na ito,” sabi pa niya sa akin na para bang hindi ko alam.“Sir, naghahanap-buhay lang po ako para sa pamilya ko. Wala po akong ibang mahanap na trabaho.”“Chief, nahuli na po namin ang lahat.”“Isakay na sila sa patrol car,” sabi ng nakakainis na lalaking ito.“Lakad na, sumakay ka na doon,” sabi niya sa akin at may pagka-arogante rin talaga.“Bitiwan mo na ang kamay ko. Hindi naman ako tatakas,” sabi ko sa kanya dahil kailangan ko na lang na sumunod sa kanya para hindi niya malaman kung sino ba ako.“Alam ko ang mga katulad mo, tatakas kapag may pagkakataon,” sabi niya sa akin.“Posasan mo na lang ako,” utos ko sa kanya.“Wala ng posas,” sagot niya sa akin kaya mas lalo lang akong nainis sa
ALLIYAH ROSE“Rosie, may bago kang misyon,” sabi sa akin ng boss ko.“Bago? Pero hindi pa naman ako tapos sa misyon ko ngayon,” sagot ko sa kanya dahil feeling ng isang ito ay tapos na ako.“I know, pero kasi kailangan ka doon. They need you there.”“Ako, kailangan? Bakit?”“Ikaw lang kasi ang–”“Boss, alam mo na hindi ako nag-iiwan ng trabaho. Hayaan mo akong tapusin ko ang trabaho ko, let finish this one,” putol ko sa sasabihin pa niya.“Hindi na ba kita mapipilit?” tanong niya sa akin at inirapan ko siya dahil ang kulit niya talaga.“Okay, hindi na kita pipilitin,” sabi pa niya at sumuko na rin.“Pag-usapan natin sa susunod once na natapos na ako,” sabi ko kay Boss Vryan.“Tapusin mo na kasi agad,” natatawa na sabi niya.“Gusto mo ba na unahin na kitang tapusin?” tanong ko sa kanya.“Ito naman, nagbibiro lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ka mabiro. Kaya wala kang boyfriend dahil ang sungit mo,” sabi niya sa akin.“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” sabi ko pa sa kanya.







