LOGINALLIYAH ROSE
“What are you doing here?” napalingon ako sa taong nagsalita at kaagad na kumunot ang noo ko dahil narito siya.
Ang pulis na nakakainis ang mukha. Pero naka-civilian siya ngayon kaya sa tingin ko ay hindi siya kilala ng lalaking nasa tabi namin.
“Ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka narito?” tanong niya ulit sa akin.
“Boss, nag-aapply siya. Kaya lang GRO na lang ang bakanteng trabaho. Isalba mo siya dahil ang ganda pa naman niya. Magkakilala ba kayo? Sayang lang kapag natipuhan siya ng mga matandang m*nyakis,” ang daldal rin talaga ng isang ito.
“She’s my girlfriend,” sabi niya at bigla na lang akong hinila palayo sa lalaki.
“Bitiwan mo nga ang kamay ko! Girlfriend mo mukha mo!” naiinis na sabi ko sa kanya.
“Okay ka lang ba? Bakit d’yan ka nag-aapply? Bakit hindi na lang sa matinong trabaho–”
“Excuse me?” masungit na sambit ko sa kanya.
“Sabi ko, bakit hindi ka na lang pumasok sa matinong trabaho. Bakit d’yan pa?”
“Ano ba ang pakialam mo?”
“Gusto mo talaga na mahuli na naman. Hindi mo ba alam na–”
“Na ano?”
“Maghanap ka na lang ng ibang trabaho. ‘Wag na sa ganyan, hindi bagay sa ‘yo.”
“At ano naman ang bagay sa akin?” tanong ko sa kanya at nakatingin lang siya sa akin.
Inirapan ko na lang siya at tumalikod na ako para umalis pero bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko.
“May kailangan ka pa ba?” tanong ko sa kanya.
“Sa akin ka na lang magtrabaho. Kailangan ko ng kasambahay,” sabi niya sa akin.
“Ayaw ko,” malamig na sabi ko sa kanya.
“Thirty thousand a month,” sabi niya sa akin.
“Ayaw ko pa rin.”
“Bakit? Ikaw na nga ang tinutulungan ko,” sabi niya sa akin.
“Hindi puwede,” sagot ko sa kanya.
“Ikaw na nga ang tinutulungan tapos ikaw pa ang may ayaw. Ano ba ang gusto mo?” tanong niya sa akin.
Kung puwede ko lang sabihin na may iba akong dapat gawin. Isa pa, hindi ako magaling sa gawaing bahay lalo na sa paglalaba.
“Maghanap ka na lang po ng iba. Ayaw kong maging kasambahay mo.”
“Forty thousand,” sabi niya at tinataasan pa talaga niya ang offer.
Kaysa naman magsalita ay mas pinili ko na maglakad na palayo sa kanya. Kahit pa gawin niyang one hundred thousand a month ay hindi pa rin ako papayag. Wala akong balak na tanggapin ang trabaho na inaalok niya.
“Aalis ka na lang ng hindi man lang sumasagot.”
“Hindi ang sagot, Sir,” may diin na sabi ko dahil talagang hinabol pa niya ako.
“Wag mong kalimutan ang–”
“Pupunta ako mamaya, kaya ‘wag mo na akong sundan ng sundan.”
Wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya. Napagod na ako sa kalalakad kaya naman naghanap na ako ng makakainan ko. May nakita akong karinderya kaya naman pinili ko na dito na lang kumain. Umorder ako ng pagkain ko at naghintay na lang ako sa may mesa.
Nang ibigay na sa akin ang pagkain ko ay nagsimula na akong kumain. Hanggang sa may umupo sa tapat ko. Amoy pa lang niya ay alam ko na agad na siya.
“Sinusundan mo ba ako?” masungit na tanong ko sa kanya.
“Hindi, dito ako kumakain lagi,” sagot niya sa akin.
“May iba namang mesa per–”
“May galit ka ba sa akin?” tanong niya sa akin at hindi na naman ako sumagot dahil ayaw ko siyang bigyan ng pagkakataon na mas sirain pa ang araw ko.
Sinira na niya kanina tapos ngayon ay balak na niyang sirain pa lalo. Kumain na lang ako at inisip ko na lang na wala siya sa tabi ko. Alam ko na nakatitig siya sa akin pero wala akong balak na sulyapan siya. Nang matapos na ako ay tumayo na ako para magbayad. Pero naunahan niya ako dahil siya na ang nagbayad. Gusto niya talaga na magkaroon ako ng utang na loob sa kanya.
Nauna siyang lumabas kaya naman sumunod ako pero hindi sa direksyon niya. Hindi na ako nagpasalamat sa kanya, bahala siya. Sa totoo lang ay mas nakakainis pa siya sa boss ko dahil siya ang sisira sa trabaho ko. Bigla ko tuloy naisip na nakakainis talaga siguro ang mga Alcantaria.
“Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang offer ko? Ano ba ang trabaho na gusto mo? Alam ko na masyado kang maganda para maging kasambahay ko pero mas okay naman ‘yon kaysa naman sa bar ka pumasok,” sabi niya sa akin kaya kumunot ang noo ko dahil siya na naman at talagang pinuri niya ako.
“Bakit ba sunod ng sunod ka sa akin? Kung ano man ang gusto ko ay wala kang pakialam kaya tigilan mo na ako sa kakasunod mo sa akin dahil hindi ka nakakatuwa,” sabi ko sa kanya.
“Ayaw mo ba na tulungan kita? Gusto lang naman kitang tulungan para hindi masira ang buhay mo,” sabi pa niya sa akin.
“Tatay ba kita? Kung sabagay mukha ka naman ng matanda. Baka nga ikaw ang nawawala kung tatay,” sabi ko sa kanya na naging dahilan para magsalubong ang mga kilay niya.
“What did you say? Matanda? Ako?”
“Bakit, ilang taon ka na ba?”
“37,” sagot niya sa akin.
“See, matanda ka na nga,” sabi ko sa kanya.
“Yeah, pero hindi para maging tatay mo.”
“Hindi ako interesado sa mga katulad mo. At higit sa lahat ay wala akong interes na maging kabit. Kaya tigilan mo na ang kakasunod sa akin dahil baka mapagkamalan pa akong kabit mo.”
“I–”
“‘Wag ka ng magsalita,” sabi ko sa kanya dahil hindi naman kailangan.
Sa edad niya ay imposible na wala pa siyang asawa. Wala rin naman akong balak na alamin dahil hindi talaga ako interesado na malaman. Wala akong time para alamin kung sino at kung ano siyang tao. Mas mahalaga sa akin na magawa ko ang trabaho ko, matapos ko ito at makapagbakasyon ako sa amin. Miss ko na ang luto ng mommy ko. Miss ko na rin ang art studio naming dalawa. Marami akong gustong gawin kasama ang mommy ko.
“Mukha pa naman siyang babaero.. Hindi pang m*stress ang beauty ko..”
ALLIYAH ROSE“What are you doing here?” napalingon ako sa taong nagsalita at kaagad na kumunot ang noo ko dahil narito siya.Ang pulis na nakakainis ang mukha. Pero naka-civilian siya ngayon kaya sa tingin ko ay hindi siya kilala ng lalaking nasa tabi namin. “Ano ang ginagawa mo dito? Bakit ka narito?” tanong niya ulit sa akin.“Boss, nag-aapply siya. Kaya lang GRO na lang ang bakanteng trabaho. Isalba mo siya dahil ang ganda pa naman niya. Magkakilala ba kayo? Sayang lang kapag natipuhan siya ng mga matandang m*nyakis,” ang daldal rin talaga ng isang ito.“She’s my girlfriend,” sabi niya at bigla na lang akong hinila palayo sa lalaki.“Bitiwan mo nga ang kamay ko! Girlfriend mo mukha mo!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Okay ka lang ba? Bakit d’yan ka nag-aapply? Bakit hindi na lang sa matinong trabaho–”“Excuse me?” masungit na sambit ko sa kanya.“Sabi ko, bakit hindi ka na lang pumasok sa matinong trabaho. Bakit d’yan pa?”“Ano ba ang pakialam mo?”“Gusto mo talaga na mahuli na nam
ALLIYAH ROSE“What are you doing here? Bakit ka narito?” nagulat pa ako sa pagbukas ko ng pinto dahil narito ang boss ko.“Bawal na ba kitang puntahan dito? I’m your boss, remember?” tanong niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng bahay na inuupahan ko.“Maghahanap ulit ako ng trabaho. Kaya bakit ka narito?.”“Alam ko, nalaman ko na nahuli ka kagabi tapos hindi ka man lang nagsabi,” sabi pa niya sa akin.“Nakalabas naman ako,” sagot ko sa kanya.“Sino ang nagbayad ng piyansa mo?”“Wala,” sagot ko sa kanya.“So, paano ka nakalabas? ‘Wag mong sabihin sa akin na binugbog mo ang mga pulis.”“Mukha ba akong siraulo?” mataray na tanong ko sa kanya at tumawa naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.“Siguro ay ginamit mo na naman ang ganda mo,” sabi niya sa akin.“Pinalabas ako ng pulis kagabi na ka-apelyido mo at ang kapalit ay community service for one month,” sagot ko sa kanya.“Really?” tanong pa niya sa akin.“Kilala mo ba siya?” tanong ko sa kanya.“Hindi, malay ko. Marami namang A
ALLIYAH ROSENagtagpo ang mga mata naming dalawa. Nagulat ako sa kanya pero hindi ko lang pinahalata. Pero siya ang unang umiwas ng tingin sa akin. Kaya ko kasing makipag-eye contact na hindi kumukurap. Like normal lang sa akin na gawin ‘yon. Hindi naman gano’n ka sama ang mukha niya. Naiintindihan ko na kung bakit kilig na kilig sa kanya ang mga babae kanina. Pero para sa akin ay ang daddy ko pa rin ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.Kaya ayaw kong pumasok sa isang relasyon dahil wala pa akong nakikita na katulad ng daddy ko. Kung hindi siya katulad ni Adam Sebastian Dela Vega ay ‘wag na lang.“Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa kanya.“Lumabas ka na at umuwi,” sagot niya sa akin.“Why?” “Dahil ikaw na lang ang naiwan dito. Nakauwi na ang iba mong ka-trabaho,” sabi niya sa akin.“Wala akong pampiyansa,” sabi ko sa kanya.“It’s okay, hindi na kailangan,” sagot niya sa akin kaya kumunot ang noo ko.“Okay, sabi mo eh,” sabi ko sa kanya.Tumayo na ako para lumabas na. Gusto na niya ak
ALLIYAH ROSE“Tatakas ka?”“Wala akong kasalanan kaya bakit mo ak–”“You’re under arrest,” sabi pa niya sa akin kaya gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.“Wala naman akong ginagawang masama, Sir,” sabi ko sa kanya.“Paano mo nasabi na wala? Dito ka nagtatrabaho at illegal na pinapatakbo ang bar na ito,” sabi pa niya sa akin na para bang hindi ko alam.“Sir, naghahanap-buhay lang po ako para sa pamilya ko. Wala po akong ibang mahanap na trabaho.”“Chief, nahuli na po namin ang lahat.”“Isakay na sila sa patrol car,” sabi ng nakakainis na lalaking ito.“Lakad na, sumakay ka na doon,” sabi niya sa akin at may pagka-arogante rin talaga.“Bitiwan mo na ang kamay ko. Hindi naman ako tatakas,” sabi ko sa kanya dahil kailangan ko na lang na sumunod sa kanya para hindi niya malaman kung sino ba ako.“Alam ko ang mga katulad mo, tatakas kapag may pagkakataon,” sabi niya sa akin.“Posasan mo na lang ako,” utos ko sa kanya.“Wala ng posas,” sagot niya sa akin kaya mas lalo lang akong nainis sa
ALLIYAH ROSE“Rosie, may bago kang misyon,” sabi sa akin ng boss ko.“Bago? Pero hindi pa naman ako tapos sa misyon ko ngayon,” sagot ko sa kanya dahil feeling ng isang ito ay tapos na ako.“I know, pero kasi kailangan ka doon. They need you there.”“Ako, kailangan? Bakit?”“Ikaw lang kasi ang–”“Boss, alam mo na hindi ako nag-iiwan ng trabaho. Hayaan mo akong tapusin ko ang trabaho ko, let finish this one,” putol ko sa sasabihin pa niya.“Hindi na ba kita mapipilit?” tanong niya sa akin at inirapan ko siya dahil ang kulit niya talaga.“Okay, hindi na kita pipilitin,” sabi pa niya at sumuko na rin.“Pag-usapan natin sa susunod once na natapos na ako,” sabi ko kay Boss Vryan.“Tapusin mo na kasi agad,” natatawa na sabi niya.“Gusto mo ba na unahin na kitang tapusin?” tanong ko sa kanya.“Ito naman, nagbibiro lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ka mabiro. Kaya wala kang boyfriend dahil ang sungit mo,” sabi niya sa akin.“Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,” sabi ko pa sa kanya.







