Hinawakan ni Gretchen ang baba ni Olive at bumaon sa balat niya ang mahahabang kuko ng ginang. Napangiwi si Olive sa sakit, pakiramdam niya ay anumang oras ay tatagos ang mga iyon sa kanyang balat. Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Gretchen, na para bang isa lamang siyang peste na gumugulo sa marangyang buhay nito.“Bakit tahimik ka? Ibig sabihin, totoo ang hinala ko, ‘di ba?” mariing singhal ni Gretchen.Bigla nitong binitiwan si Olive nang napakalakas, dahilan para mapaling ang ulo ng dalaga sa gilid.“Kunin ninyo ang bag ng katulong na ito! Now!”Napapitlag si Olive at sinubukang protektahan ang kanyang bag, pero agad itong inagaw ng isang security guard. Halos mapigtas ang strap sa lakas ng paghila nito. Napunta ang bag sa mga kamay ng ina ni Matthew, na agad ibinuhos ang laman nito sa ibabaw ng marble table.Kumalat sa mesa ang isang lumang wallet, plastic bottle ng tubig, at ilang pills.Dinaanan ni Gretchen ng tingin ang mga gamit nang may matinding pagkasuklam. Gamit ang dulo
Read more