Huminga nang mabagal si Olive, tinitipon ang lakas ng loob na natitira sa kaniya."Sir Matthew, ano po sana..."Pero sa sandaling itinaas ni Matthew ang kaniyang tingin at binaling iyon sa kaniya, ang mga salita ay biglang nawala sa isip ni Olive. Nag-atubili siya nang ilang segundo, tsaka mahinang umiling."Wala po pala, Sir," mabilis niyang wika, halos pabulong na ang boses.Ibinaba ni Matthew ang tasa ng kape, nakatitig pa rin ang mga mata sa dalaga. "Sabihin mo na. You’ve already started speaking. Besides, may gusto rin akong sabihin sa 'yo."Lalo pang kinabahan si Olive. ‘Ano kaya ang gustong pag-usapan ni Sir Matthew? May mali na naman ba ako?’Ibinaba niya ang kaniyang ulo, mas mahigpit na humawak ang kaniyang mga kamay sa laylayan ng kaniyang uniform. "Wala po talaga, Sir. Kayo na po muna ang magsalita."Natahimik saglit si Matthew, sumandal sa kaniyang upuan na parang tinitimbang ang mga salita. Pagkatapos ay nagsalita siya sa mababa at kalmadong boses."I need a massage. Ma
อ่านเพิ่มเติม