“Let me go!” asik ni Cassandra kay Desiree. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang init na nararamdaman niya sa buong katawan. “Kaya ko nang magpunta roon.”“Okay! Bahala ka sa buhay mo!” asik naman ni Dess bago nagmadaling lumapit kay Paul.“Sundan mo siya. Siguraduhin mong may mangyari sa inyo. Tapos, i-video mo para tuluyan nang masira ang manang na ’yan,” pabulong ngunit masamang utos ni Mia sa lalaki, na ikinangisi naman ni Paul.“Ako na ang bahala. Sa akin na ang babaeng iyan ngayong gabi,” nakangising saad ni Paul habang dinidilaan pa ang labi bago lumapit kay Cassandra, na pasuray-suray nang naglalakad sa hallway.“Cassandra, mukhang lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto kung saan puwede kang magpahinga,” sabi ni Paul habang hinahawakan ang braso ng dalaga.“H-Huwag na, kaya ko—Wait, bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Cassandra nang hilahin na siya ng lalaki. Ngunit dahil sa epekto ng alak at gamot, wala siyang sapat na lakas para alisin ang kamay nito.“Huwa
Last Updated : 2026-10-25 Read more