Share

Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather
Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather
Penulis: Anne Lars

Chapter 001

Penulis: Anne Lars
last update Tanggal publikasi: 2026-10-25 01:12:24

“Sinong mas masarap sa amin ng fiancé mo, Cassandra?” seryoso at hingal na tanong ni Roman sa kaniya sa gitna ng madilim at tahimik na silid.

Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Cassandra.

How could she compare him with her fiancé kung si Roman ang nakauna sa kaniya? Cassandra and Sebastian had been in a relationship for over three years, pero walang nangyayari sa kanila.

“I-Ikaw...” nauutal niyang sagot sa gitna ng kapusukang bumabalot sa kanila.

Mabilis siyang hinablot ng lalaki upang muling magdikit ang kanilang mga katawan. “Tell me you are mine. Only mine, Cassandra.”

“Y-Yes... I am y-yours ahh…”

Marahas at puno ng pagnanasa siyang muling inangkin nito. Panay na lamang ang ungol at daing ni Cassandra sa tainga nito. Hindi niya alam kung saan ikakapit ang kaniyang mga kamay dahil sa nakapagdudulot ng matinding sarap na paraan ng pag-angkin ng lalaki sa kaniya.

»»»

Isang malakas na ringtone ng cellphone ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Cassandra. Inaantok niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa ilalim ng unan.

“H-Hello?”

“Cassandra, nasaan ka na ba?!” Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang marinig ang iritadong boses ng kanyang fiancé na si Sebastian. “Kanina pa ako naghihintay rito sa labas ng apartment mo! Hindi mo ba talaga ako bababain o kakausapin?” galit na asik nito.

Babangon na sana si Cassandra mula sa kama, ngunit natigilan siya nang mapansing hindi lamang siya ang naroon sa malaking kama. May kasama siyang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya. Wala itong suot na saplot at tanging mamahaling kumot lamang ang nakatabon sa kahubd*n nito.

At ang kuwartong kinalalagyan niya ngayon ay hindi ang kanyang kwarto.

Mas lalo pa siyang napasinghap at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig nang mapagtantong hindi lang basta estranghero ang nakasiping niya kagabi, kundi ang stepfather ni Prescilla.

Hindi siya makapaniwala. After she got drunk last night dahil sa pagtataksil ng dalawang taong malapit sa kanya, nagtagpo ang landas nila ni Roman Crosswood.

Akala niya ay panaginip lamang ang nangyari kagabi, pero hindi!

She had been bedded by her traitorous best friend’s hot, billionaire stepfather.

---

CHAPTER 1

“Malapit na ang birthday ko, Cass. Invited ka sa birthday party ko,” ani Prescilla habang inaayos ni Cassandra ang ilang gamit sa apartment na tinutuluyan niya sa Northern Coast. “Please, huwag kang tatanggi. Sa Crosswood Mansion gaganapin ang celebration.”

Iniabot ni Prescilla ang birthday invitation kay Cassandra, na agad naman iyong tinanggap. Napaupo siya sa kama at sinilip ang invitation card bago muling tumingin sa best friend. Samantala, komportable namang nakaupo si Prescilla sa leather sofa habang hawak ang tasa ng tsaa.

“Prescilla, alam mo namang hindi ako sanay sa mga grand party. Isa pa, paniguradong maraming kilala at influential na tao ang dadalo dahil sa mansion ng daddy mo gaganapin ang celebration,” alanganing sabi ni Cassandra. Napatingin siya sa sarili niyang suot na simpleng lumang T-shirt at maong na pantalon bago muling tumingin sa invitation. “I’d be so out of place there. Baka makasira pa ako sa party mo.”

Hindi naman maitatangging malaki ang impluwensiya at kayamanan ng pamilyang Crosswood. Kilala ang mga ito sa matataas na antas ng lipunan, kaya hindi maiwasang isipin ni Cassandra na hindi siya nababagay sa mundong ginagalawan ng mga ito. Hindi rin siya sanay makihalubilo sa mga taong nakasanayan na ang magagarang party at mamahaling pamumuhay.

Napatuwid ng upo si Prescilla at agad na inilapag ang tasa ng tsaa sa mesa. Lumapit ito kay Cassandra at hinawakan ang magkabilang kamay niya, bakas sa mukha ang pagsusumamo.

“Ano ka ba naman, Cass! Mag-best friend tayo simula pagkabata, 'di ba? Sino pa ba ang gusto kong makasama sa pinaka-espesyal na araw ng buhay ko kundi ikaw?” tanong ni Prescilla. “Araw-araw na nga kitang hindi nakakasama dahil sobrang busy mo sa trabaho, pati ba naman sa birthday ko, tatanggihan mo pa ako? Isipin mo na lang na regalo mo na sa akin ang pagpunta mo. Please?”

Napabuntong-hininga si Cassandra. Mahirap ding tanggihan ang best friend na matagal na niyang kasama, lalo na't alam niyang mahalaga rito ang birthday nito. Ayaw niyang masira ang espesyal na araw ni Prescilla dahil lamang sa pag-aalinlangan niya.

“Sige na nga... pupunta na ako,” napilitang sagot ni Cassandra.

Agad na napasigaw sa tuwa si Prescilla bago siya niyakap. “I knew it! You're really the best, Cass! Huwag kang mag-alala, nakalagay na sa invitation ang dress code para hindi ka na mahirapang mag-isip kung ano ang isusuot mo.”

Gusto pa sanang tanungin ni Cassandra kung anong klaseng kasuotan ang hinihingi sa invitation, pero bago pa siya makapagtanong, biglang bumukas ang p***o ng apartment. Pumasok si Sebastian, ang nobyo niyang halos tatlong taon na niyang karelasyon.

Agad napansin ni Cassandra ang bahagyang gulat sa mga mata nito nang makita kung sino ang kasama niya.

“Sebby!” masayang bati ni Prescilla.

Mabilis itong tumayo at patakbong lumapit sa p***o para salubungin ang binata. Hindi na nakalapit si Cassandra nang maunahan siya ni Prescilla na yumakap kay Sebastian.

Nang magtagpo ang mga mata nila ni Sebastian sa ibabaw ng balikat ni Prescilla, bahagyang ngumiti si Cassandra. Maya-maya, marahang kumalas ang binata sa yakap ni Prescilla, ngunit hindi man lang ito nagpakita ng pagkailang sa nangyari.

May dala itong dalawang paper bag mula sa isang mamahaling café. Gusto sanang tanungin ni Cassandra kung ano ang laman ng mga iyon dahil medyo nagugutom na rin siya, pero naunahan na naman siya ni Prescilla.

“OMG, Sebby! Don't tell me you bought these from an expensive store?” excited na tanong ni Prescilla habang kinukuha ang mga bag mula sa kamay ng binata. Nang silipin niya ang laman ng mga ito, agad siyang napangiti. “You got their truffle croissant and pistachio cream pastry! At may signature iced matcha latte pa! Aww, Sebby, naalala mo talaga ang mga paborito ko. You're so sweet!”

Bahagyang napatingin si Sebastian kay Cassandra bago muling binaling ang atensyon kay Prescilla. “Bumili rin ako ng chicken sandwich at fruit tea para kay Cassandra. Alam kong iyon ang gusto niya.”

Kahit papaano, natuwa si Cassandra nang marinig iyon. Ibig sabihin, naaalala pa rin ni Sebastian ang mga gusto niya. Ngunit bago pa siya makapagsalita, nauna na naman si Prescilla.

“I see! Pero paano mo nalaman na magkasama kami ngayon ni Cass?” tanong nito habang inilalabas ang mga pagkain mula sa paper bag.

“Napansin kong nakaparada sa ibaba ang kotse mo, kaya bumili na rin ako ng pagkain para sa 'yo,” simpleng sagot ni Sebastian.

Hindi nagtagal, naupo silang tatlo sa maliit na dining table ng apartment. Inilatag ni Prescilla ang mga pagkaing dala ni Sebastian at agad na pumili ng isa sa mga pastry. Habang kumakain, panay naman ang alok niya sa binata na tikman ang mga paborito niyang pagkain.

“Sebby, tikman mo nga 'to. Sobrang sarap ng pistachio filling nito! Mas gusto ko 'to kaysa sa binili natin last time,” nakangiting sabi ni Prescilla bago inilapit ang isang piraso ng pastry sa bibig ng binata.

Hindi naman tumanggi si Sebastian. Bahagya itong yumuko at tinanggap ang subo mula sa kamay ni Prescilla, may maliit na ngiting sumilay sa mga labi nito.

Napatingin si Cassandra sa sandwich na hawak niya. Tatlong taon na silang magkarelasyon ni Sebastian, pero sa tuwing kasama nila si Prescilla, pakiramdam niya ay siya pa ang third wheel sa sarili niyang relasyon.

Kilala si Sebastian bilang isang seryoso at malamig na lalaki. Hindi ito madaling ngumiti o makipagkulitan, at sa tuwing magkasama sila, madalas ay tahimik lang ito at matipid magsalita. Minsan, kailangan pang mag-isip ni Cassandra ng mapag-uusapan para lang humaba ang usapan nila. Kahit gusto niyang mas makilala ang nobyo, parang palagi siyang nakikipag-usap sa isang taong may pader sa pagitan nila.

Pero kay Prescilla, ibang-iba si Sebastian.

Sa simpleng biro lang nito, napapangiti na ang binata. Kapag nagkukuwento ito, nakikinig siya at paminsan-minsan ay sumasagot pa ng mga pabirong komento. Hindi rin ito nag-aatubiling makipagkulitan, samantalang kay Cassandra, kahit simpleng tanong ay madalas na maikling sagot lang ang natatanggap niya.

Hindi naman hinihingi ni Cassandra na baguhin ni Sebastian ang sarili nito para lang mapasaya siya. Gusto lang niyang maranasan ang ganoong klaseng atensyon mula sa lalaking mahal niya, nang hindi niya kailangang pilitin ang bawat pag-uusap nilang dalawa.

Kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang nag-uusap sa harap niya. Sa pagkakataong iyon, hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit tila mas natural kay Sebastian ang maging malapit kay Prescilla kaysa sa sarili niyang nobya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather   Chapter 005

    “Let me go!” asik ni Cassandra kay Desiree. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang init na nararamdaman niya sa buong katawan. “Kaya ko nang magpunta roon.”“Okay! Bahala ka sa buhay mo!” asik naman ni Dess bago nagmadaling lumapit kay Paul.“Sundan mo siya. Siguraduhin mong may mangyari sa inyo. Tapos, i-video mo para tuluyan nang masira ang manang na ’yan,” pabulong ngunit masamang utos ni Mia sa lalaki, na ikinangisi naman ni Paul.“Ako na ang bahala. Sa akin na ang babaeng iyan ngayong gabi,” nakangising saad ni Paul habang dinidilaan pa ang labi bago lumapit kay Cassandra, na pasuray-suray nang naglalakad sa hallway.“Cassandra, mukhang lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto kung saan puwede kang magpahinga,” sabi ni Paul habang hinahawakan ang braso ng dalaga.“H-Huwag na, kaya ko—Wait, bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Cassandra nang hilahin na siya ng lalaki. Ngunit dahil sa epekto ng alak at gamot, wala siyang sapat na lakas para alisin ang kamay nito.“Huwa

  • Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather   Chapter 004

    "S-Sir..." mahina niyang usal.Bahagyang yumuko si Roman at marahang inilayo ang basang buhok na nakadikit sa mukha ni Cassandra upang hindi na ito humarang sa paningin nito.Pagkatapos, dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaling ang tingin sa mga taong nakapaligid sa pool."Anong klaseng party ito, Ella? Hindi kita pinayagan na rito gawin ang birthday party mo para mambully ng bisita."“Pero, Dad. I am not bullying her. Si Calex. He is the one who is bullying my best friend!” agad na turo ni Prescilla sa lalaki.Mabilis namang napaatras si Calex dahil sa takot. Namumutla na ito sa seryosong titig ni Roman.“Best friend?”“Yes! She’s my best friend!”“Is it true? You are Ella’s best friend?” tanong ni Roman kay Cassandra.“Yes,” maikling sagot niya bago napatingin kay Prescilla, na halatang nakahinga nang maluwag sa sagot niya.“Follow me,” aya ni Roman sa kanya.Walang imik namang sumunod si Cassandra, pero agad din siyang natigilan nang humarap si Roman sa kanyang security head

  • Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather   Chapter 003

    Hindi aksidenteng lumang invitation ang naibigay sa kanya. Sinadya iyon ni Prescilla para mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito at ng iba pang bisita. Ang babaeng itinuring niyang matalik na kaibigan mula pa noong bata sila ay siya palang unang matutuwa kapag ginawa siyang katatawanan."Tingnan mo 'yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka man lang nagtanong," kalmado pero halatang inis na wika ni Sebastian.Hindi na nakasagot si Cassandra.Halos hindi pa niya maproseso ang mga salitang binitiwan ng fiancé niya nang may isang lalaki ang biglang lumapit–si Calex, one of her high school bully."Masyadong mainit ang suot mo, Cassandra! Malamig sa pool, magpalamig ka muna!" sigaw nito.Bago pa man makaiwas si Cassandra, marahas siya nitong itinulak.SPLASH!Bumagsak siya sa malalim na swimming pool.Agad na nabasa ang kanyang gown, at dahil sa bigat ng tela, nahirapan siyang igalaw ang mga binti. Natanggal ang kanyang nerdy glasses at lumubog sa tubig. Pilit siyang umahon habang naghaha

  • Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather   Chapter 002

    Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang gabi ng kaarawan ni Prescilla.Sa loob ng maliit niyang silid, nakatayo si Cassandra sa harap ng lumang salamin habang inaayos ang suot niyang itim na gown. Binili niya iyon sa isang murang boutique dahil iyon lang ang pasok sa budget niya sa mga damit na puwede sa isang pormal na okasyon. Isinuot niya ang kanyang nerdy glasses at itinali ang buhok sa isang simpleng bun, umaasang kahit papaano ay maayos siyang tingnan para sa party.Muli niyang binuksan ang hawak na invitation at binasa ang nakasulat doon sa gintong letra: Theme: Elegance & High-Society Evening Gowns.“Sana hindi ako masyadong magmukhang baduy,” bulong niya habang inaayos ang bahagyang gusot sa laylayan ng damit.Ayaw niyang mapahiya si Sebastian sa harap ng mga kilalang tao, kaya kahit hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon, sinikap pa rin niyang maghanda nang maayos.Paglabas niya ng apartment building, agad siyang pumara ng taxi. May sarili kasing laka

  • Claimed by My Ex-Bestfriend's Stepfather   Chapter 001

    “Sinong mas masarap sa amin ng fiancé mo, Cassandra?” seryoso at hingal na tanong ni Roman sa kaniya sa gitna ng madilim at tahimik na silid.Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Cassandra.How could she compare him with her fiancé kung si Roman ang nakauna sa kaniya? Cassandra and Sebastian had been in a relationship for over three years, pero walang nangyayari sa kanila.“I-Ikaw...” nauutal niyang sagot sa gitna ng kapusukang bumabalot sa kanila.Mabilis siyang hinablot ng lalaki upang muling magdikit ang kanilang mga katawan. “Tell me you are mine. Only mine, Cassandra.”“Y-Yes... I am y-yours ahh…”Marahas at puno ng pagnanasa siyang muling inangkin nito. Panay na lamang ang ungol at daing ni Cassandra sa tainga nito. Hindi niya alam kung saan ikakapit ang kaniyang mga kamay dahil sa nakapagdudulot ng matinding sarap na paraan ng pag-angkin ng lalaki sa kaniya.»»»Isang malakas na ringtone ng cellphone ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Cassandra. Inaantok niyang kinapa ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status