LOGINMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang gabi ng kaarawan ni Prescilla.
Sa loob ng maliit niyang silid, nakatayo si Cassandra sa harap ng lumang salamin habang inaayos ang suot niyang itim na gown. Binili niya iyon sa isang murang boutique dahil iyon lang ang pasok sa budget niya sa mga damit na puwede sa isang pormal na okasyon. Isinuot niya ang kanyang nerdy glasses at itinali ang buhok sa isang simpleng bun, umaasang kahit papaano ay maayos siyang tingnan para sa party. Muli niyang binuksan ang hawak na invitation at binasa ang nakasulat doon sa gintong letra: Theme: Elegance & High-Society Evening Gowns. “Sana hindi ako masyadong magmukhang baduy,” bulong niya habang inaayos ang bahagyang gusot sa laylayan ng damit. Ayaw niyang mapahiya si Sebastian sa harap ng mga kilalang tao, kaya kahit hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon, sinikap pa rin niyang maghanda nang maayos. Paglabas niya ng apartment building, agad siyang pumara ng taxi. May sarili kasing lakad si Sebastian bago ang party, kaya nagkasundo silang sa Crosswood Mansion na lamang magkita. Dahil dito, mag-isa siyang bumiyahe papunta sa mansiyon. Habang nakasakay sa taxi, nakatanaw lamang si Cassandra sa mga ilaw ng kalsadang mabilis na dumaraan sa labas ng bintana. Hindi niya maiwasang kabahan habang papalapit sila sa destinasyon. Hindi naman bago sa kanya ang makaramdam ng ilang kapag napapalibutan ng mga taong hindi niya kilala, pero iba ang pakiramdam niya ngayong gabi. Alam niyang dadalo sa party ang anak ng mga mayayaman na kaibigan ni Prescilla, at hindi siya sigurado kung paano makikibagay sa mga ito. Nang huminto ang taxi sa tapat ng napakalaking wrought-iron gate ng Crosswood Mansion, napasinghap si Cassandra sa laki ng lugar. May nagtataasang fountain sa harapan, mga mamahaling sports car na nakaparada sa malawak na driveway, at mga ilaw na nagbibigay-liwanag sa malawak na bakuran ng mansiyon. Maging ang entrance pa lamang ay sapat na para ipaalala sa kanya kung gaano kalayo ang mundong ito sa nakasanayan niyang pamumuhay. Pagkatapos magbayad sa driver, marahang bumaba si Cassandra. Hawak ang maliit niyang sling bag, naglakad siya patungo sa main entrance habang bahagyang itinataas ang laylayan ng gown para hindi ito matapakan. Sinikap niyang maglakad nang maayos kahit hindi siya komportable sa suot niya, umaasang walang masyadong makakapansin sa kanya pagdating sa loob. Hindi niya alam na may isang lalaking nakatayo doon sa grand balcony ng ikalawang palapag ng mansiyon, tahimik na pinagmamasdan ang pagdating niya. Hawak ang isang baso ng vintage whiskey, malamig na nakatingin si Roman Crosswood sa baba. Napunta ang matalas at awtoritatibong tingin niya sa babaeng kararating lamang sa estate. Sa gitna ng karangyaan ng mansiyon at ng mga mamahaling sasakyang nakaparada sa paligid, kapansin-pansin ang simpleng gown at salamin nito. Para itong isang ligaw na kalapating napadpad sa lugar na puno ng mga lobo at mandaragit. Bahagyang kumunot ang noo ni Roman. “Bakit ganyan ang suot niya? Hindi ba siya na-inform?” Samantala, matapos makapasok sa mansiyon, sinundan ni Cassandra ang mga palatandaan patungo sa garden kung saan gaganapin ang birthday party ni Prescilla. Habang papalapit siya, unti-unting lumalakas ang tugtog ng musika at ang ingay ng mga nagkukwentuhan. Nang marating niya ang pool area, doon niya napagtantong hindi pala pangkaraniwang birthday party ang dinaluhan niya. Sa paligid ng malaking swimming pool, nagkalat ang mga bisitang nakasuot ng bikini, designer swimwear, at mamahaling resort outfits. May mga nagkukwentuhan habang may hawak na mga cocktail, samantalang ang iba ay nakatambay sa mga lounge chair sa gilid ng pool. Matingkad ang mga ilaw, malakas ang tugtog, at halatang mas nakatuon ang party sa kasiyahan sa tabi ng pool kaysa sa pormal na pagtitipong inaasahan niya mula sa invitation. Biglang tumigil ang mundo ni Cassandra. Natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Ang malakas na tugtog ng party music at ang ingay ng tawanan ay parang biglang lumayo sa kanyang tainga. Walang ni isang taong nakasuot ng gown. Siya lang ang nakasuot ng mahabang murang gown, na sinamahan pa ng nerdy glasses at simpleng bun. Agad siya napansin ng mga bisita. Sunod-sunod na napalingon sa kanya ang mga ito, at ilang segundo lang ang lumipas bago umalingawngaw ang malalakas na tawanan sa buong paligid. "OMG! Look at her!" natatawang sabi ng isang babaeng nakabikini, si Desiree, isa sa high school barkada ni Prescilla. "Sino 'yang manang na 'yan? Bakit parang katulong na napadpad sa party na ‘to?" "Hala! Napagkamalan ba niyang punerarya 'to at hindi pool party? Look at those cheap glasses!" panunuya naman ng isa pang babae–si Mia. Nagdulot ng matinding hiya kay Cassandra ang mga narinig. Uminit ang kanyang mga pisngi, at hindi niya alam kung saan ibabaling ang tingin. Nanginginig ang mga kamay niyang nakakapit sa laylayan ng gown, habang pilit niyang pinipigilan ang sarili na huwag lumuha sa harap ng lahat. Gusto na lang niyang maglaho sa kinatatayuan. Sa gitna ng pangungutya, hinanap niya ang nag-iisang taong inaasahan niyang kakampi niya—si Sebastian. At nakita niya ito sa gilid ng pool, nakasuot ng swimming trunks at walang pang-itaas. Ngunit sa halip na ipagtanggol siya, agad niyang napansin ang inis at pandidiri sa mukha ng kanyang fiancé. Lumapit si Sebastian, pero hindi para alamin kung ayos lang siya. Sa halip, mariin nitong hinawakan ang kanyang braso at yumuko upang kausapin siya sa galit na boses. "Ano bang kabobohan 'to, Cassandra?! Tanga ka ba?!" singhal nito. Kahit pabulong ang ilan sa mga salita, sapat ang lakas ng boses nito para marinig ng mga taong nasa paligid nila. "Hindi ka ba marunong magbasa?! Swimming party 'to! Bakit ka nagsuot ng ganyang basahan?! Ipinapahiya mo ako sa harap ng mga kaibigan ko!" Sumikip ang dibdib ni Cassandra. Bawat salitang binitiwan ni Sebastian ay parang unti-unting dumudurog sa puso niya. "S-Sebastian... g-galing kay Prescilla ang invitation..." nanginginig niyang paliwanag habang nagmamadaling inilabas ang papel mula sa kanyang bag. "Ito... ito ang nakasulat doon. Sabi rito, evening gown ang dress code..." "Aww, Cass! OMG, I'm so, so sorry!" Biglang sumingit si Prescilla bago pa makasagot si Sebastian. Suot nito ang isang mamahaling designer bikini na lalong nagbigay-diin sa kumpiyansa nitong ipakita ang sarili sa harap ng mga bisita. Lumapit ito kay Cassandra habang may hawak na baso ng alak, at bakas sa mukha nito ang kunwaring pag-aalala. "Naku, naibigay ko pala sa 'yo 'yong lumang draft ng invitation last week! Nakalimutan kong sabihin na binago namin ang theme!" malambing na paliwanag ni Prescilla. Pagkatapos, kumapit ito sa braso ni Sebastian. "Sorry talaga, Cass! Hindi ko sinasadya! Akala ko alam mo!" Maamo ang tono ng boses ni Prescilla, pero hindi nakaligtas kay Cassandra ang mabilis na ngiting sumilay sa mga labi nito habang palihim na sinusuri ang kanyang itsura.“Let me go!” asik ni Cassandra kay Desiree. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang init na nararamdaman niya sa buong katawan. “Kaya ko nang magpunta roon.”“Okay! Bahala ka sa buhay mo!” asik naman ni Dess bago nagmadaling lumapit kay Paul.“Sundan mo siya. Siguraduhin mong may mangyari sa inyo. Tapos, i-video mo para tuluyan nang masira ang manang na ’yan,” pabulong ngunit masamang utos ni Mia sa lalaki, na ikinangisi naman ni Paul.“Ako na ang bahala. Sa akin na ang babaeng iyan ngayong gabi,” nakangising saad ni Paul habang dinidilaan pa ang labi bago lumapit kay Cassandra, na pasuray-suray nang naglalakad sa hallway.“Cassandra, mukhang lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto kung saan puwede kang magpahinga,” sabi ni Paul habang hinahawakan ang braso ng dalaga.“H-Huwag na, kaya ko—Wait, bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Cassandra nang hilahin na siya ng lalaki. Ngunit dahil sa epekto ng alak at gamot, wala siyang sapat na lakas para alisin ang kamay nito.“Huwa
"S-Sir..." mahina niyang usal.Bahagyang yumuko si Roman at marahang inilayo ang basang buhok na nakadikit sa mukha ni Cassandra upang hindi na ito humarang sa paningin nito.Pagkatapos, dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaling ang tingin sa mga taong nakapaligid sa pool."Anong klaseng party ito, Ella? Hindi kita pinayagan na rito gawin ang birthday party mo para mambully ng bisita."“Pero, Dad. I am not bullying her. Si Calex. He is the one who is bullying my best friend!” agad na turo ni Prescilla sa lalaki.Mabilis namang napaatras si Calex dahil sa takot. Namumutla na ito sa seryosong titig ni Roman.“Best friend?”“Yes! She’s my best friend!”“Is it true? You are Ella’s best friend?” tanong ni Roman kay Cassandra.“Yes,” maikling sagot niya bago napatingin kay Prescilla, na halatang nakahinga nang maluwag sa sagot niya.“Follow me,” aya ni Roman sa kanya.Walang imik namang sumunod si Cassandra, pero agad din siyang natigilan nang humarap si Roman sa kanyang security head
Hindi aksidenteng lumang invitation ang naibigay sa kanya. Sinadya iyon ni Prescilla para mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito at ng iba pang bisita. Ang babaeng itinuring niyang matalik na kaibigan mula pa noong bata sila ay siya palang unang matutuwa kapag ginawa siyang katatawanan."Tingnan mo 'yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka man lang nagtanong," kalmado pero halatang inis na wika ni Sebastian.Hindi na nakasagot si Cassandra.Halos hindi pa niya maproseso ang mga salitang binitiwan ng fiancé niya nang may isang lalaki ang biglang lumapit–si Calex, one of her high school bully."Masyadong mainit ang suot mo, Cassandra! Malamig sa pool, magpalamig ka muna!" sigaw nito.Bago pa man makaiwas si Cassandra, marahas siya nitong itinulak.SPLASH!Bumagsak siya sa malalim na swimming pool.Agad na nabasa ang kanyang gown, at dahil sa bigat ng tela, nahirapan siyang igalaw ang mga binti. Natanggal ang kanyang nerdy glasses at lumubog sa tubig. Pilit siyang umahon habang naghaha
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang gabi ng kaarawan ni Prescilla.Sa loob ng maliit niyang silid, nakatayo si Cassandra sa harap ng lumang salamin habang inaayos ang suot niyang itim na gown. Binili niya iyon sa isang murang boutique dahil iyon lang ang pasok sa budget niya sa mga damit na puwede sa isang pormal na okasyon. Isinuot niya ang kanyang nerdy glasses at itinali ang buhok sa isang simpleng bun, umaasang kahit papaano ay maayos siyang tingnan para sa party.Muli niyang binuksan ang hawak na invitation at binasa ang nakasulat doon sa gintong letra: Theme: Elegance & High-Society Evening Gowns.“Sana hindi ako masyadong magmukhang baduy,” bulong niya habang inaayos ang bahagyang gusot sa laylayan ng damit.Ayaw niyang mapahiya si Sebastian sa harap ng mga kilalang tao, kaya kahit hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon, sinikap pa rin niyang maghanda nang maayos.Paglabas niya ng apartment building, agad siyang pumara ng taxi. May sarili kasing laka
“Sinong mas masarap sa amin ng fiancé mo, Cassandra?” seryoso at hingal na tanong ni Roman sa kaniya sa gitna ng madilim at tahimik na silid.Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Cassandra.How could she compare him with her fiancé kung si Roman ang nakauna sa kaniya? Cassandra and Sebastian had been in a relationship for over three years, pero walang nangyayari sa kanila.“I-Ikaw...” nauutal niyang sagot sa gitna ng kapusukang bumabalot sa kanila.Mabilis siyang hinablot ng lalaki upang muling magdikit ang kanilang mga katawan. “Tell me you are mine. Only mine, Cassandra.”“Y-Yes... I am y-yours ahh…”Marahas at puno ng pagnanasa siyang muling inangkin nito. Panay na lamang ang ungol at daing ni Cassandra sa tainga nito. Hindi niya alam kung saan ikakapit ang kaniyang mga kamay dahil sa nakapagdudulot ng matinding sarap na paraan ng pag-angkin ng lalaki sa kaniya.»»»Isang malakas na ringtone ng cellphone ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Cassandra. Inaantok niyang kinapa ang







