FAZER LOGINHindi aksidenteng lumang invitation ang naibigay sa kanya. Sinadya iyon ni Prescilla para mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito at ng iba pang bisita. Ang babaeng itinuring niyang matalik na kaibigan mula pa noong bata sila ay siya palang unang matutuwa kapag ginawa siyang katatawanan.
"Tingnan mo 'yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka man lang nagtanong," kalmado pero halatang inis na wika ni Sebastian. Hindi na nakasagot si Cassandra. Halos hindi pa niya maproseso ang mga salitang binitiwan ng fiancé niya nang may isang lalaki ang biglang lumapit–si Calex, one of her high school bully. "Masyadong mainit ang suot mo, Cassandra! Malamig sa pool, magpalamig ka muna!" sigaw nito. Bago pa man makaiwas si Cassandra, marahas siya nitong itinulak. SPLASH! Bumagsak siya sa malalim na swimming pool. Agad na nabasa ang kanyang gown, at dahil sa bigat ng tela, nahirapan siyang igalaw ang mga binti. Natanggal ang kanyang nerdy glasses at lumubog sa tubig. Pilit siyang umahon habang naghahabol ng hininga, ngunit ang basang buhok niya ay dumikit sa mukha at ang gown ay sumabit sa kanyang mga binti, lalo siyang pinahirapang makakilos. Sa wakas, naabot din niya ang gilid ng pool. Kumapit siya roon at pilit na iniangat ang ulo sa tubig upang makahinga. Walang sinumang nag-abot ng kamay para tulungan siyang makaahon. Sa halip, pinagtawanan lamang siya ng mga tao, na para bang isa siyang palabas na kinagigiliwang panoorin ng lahat. Nanginginig sa lamig at basang-basa, dahan-dahang iniangat ni Cassandra ang kanyang paningin. Napatitig siya kay Sebastian na nakatayo sa gilid ng pool. Ang lalaking nangakong poprotektahan siya sa harap ng kanyang mga magulang ay wala man lang ginawa upang tulungan siya. Sa halip, umiling lamang ito na para bang siya pa ang may kasalanan sa nangyari, habang kasama si Prescilla na nakahawak pa rin sa braso nito. Sa sandaling iyon, may kung anong nabasag sa loob ni Cassandra. Sa kabilang banda naman, mula sa balkonahe, nasaksihan ni Roman Crosswood ang buong pangyayari. Ibinaba niya ang hawak na baso ng whiskey sa mesa, at mariing kumuyom ang kanyang panga habang pinagmamasdan ang mga taong walang awang pinagtatawanan ang babaeng nasa pool. Lalong dumilim ang kanyang mukha nang makita ang ginawa ng kanyang stepdaughter sa babae. "Dalhan ninyo ako ng malaking tuwalya," malamig na utos ni Roman sa butler na nakatayo sa likuran niya. Muling bumaling ang kanyang paningin kay Cassandra, na patuloy na kumakapit sa gilid ng pool habang basang-basa at nanginginig na sa lamig habang pinuputakte ito ng mga panlalait at pang-uyam. "Kaawa-awang babae. Hindi man lang maipagtanggol ang kanyang sarili." Lalong lumapit si Calex kay Cassandra. May hawak itong baso ng alak at malapad ang pagkakangisi habang nakatingin sa dalaga. "Ano, Cassandra? Masarap ba ang tubig?" pang-aasar nito bago dahan-dahang ibuhos ang natitirang alak sa ulo ni Cassandra. "Bagay sa 'yo 'yan. Para naman magising ka sa katotohanang hindi ka nababagay sa lugar na 'to!" Walang sinuman sa mga bisita ang nagtangkang pigilan ang lalaki. Si Prescilla ay nanatiling nakakapit sa braso ni Sebastian habang nagtatakip ng bibig, kunwari'y nagulat sa ginawa ng kaibigan nito. Pero hindi maitago ang kislap sa mga mata niya, halatang palihim na tuwang-tuwa na pinapanood ang pagpapahiya kay Cassandra. Si Sebastian naman ay nanatiling malamig ang tingin, pero halatang nagpipigil lamang ng inis. "Umahon ka na riyan. Ihahatid na lang kita pauwi," ani Sebastian mula sa gilid ng pool. "Nakakahiya ka." "Ano ka ba, Sebby. Kakarating niya lang. She can change here. May extra akong bikini doon na binili ko kahapon," singit ni Prescilla, kunwari'y nag-aalok ng tulong. Bahagya pa itong ngumiti bago nagpatuloy. "Pero ang tanong, babagay kaya sa kanya 'yon?" "Oh, come on, Prescilla! Mas lalo lang siyang magmumukhang katawa-tawa. Tingnan mo naman ang itsura niya. She's eww!" natatawang sabi ni Mia. Muling umalingawngaw ang tawanan sa paligid. Hindi na napigilan ni Cassandra ang pagluha, pero pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili na humagulgol sa harap ng mga taong tila nag-e-enjoy sa bawat sandali ng kahihiyang dinaranas niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi makaalis sa lugar na iyon, pero nanginginig pa ang buong katawan niya at halos wala siyang lakas matapos ang nangyari. Pinilit niyang umahon mula sa pool habang nanginginig, hindi lamang dahil sa lamig ng tubig kundi dahil na rin sa sakit at kahihiyang nararamdaman niya. Habang dahan-dahan siyang naglalakad palayo, humahagkis sa semento ang basang laylayan ng kanyang gown. Bawat hakbang niya ay sinasabayan ng mga walang katapusang bulungan, pangungutya, at tawanan ng mga bisita. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalayo, biglang tumigil ang musika sa buong estate. Unti-unting napawi ang tawanan. Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa malawak na garden at pool area, dahilan para mapalingon ang lahat sa may entrance. Doon ay may isang lalaking papalapit sa kanila. Tahimik itong naglalakad, ngunit sapat na ang presensiya nito para magbago ang buong atmosphere ng party. Suot nito ang isang mamahaling black suit na walang kurbata, bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Bawat hakbang ng makintab nitong sapatos ay may kasamang bigat na tila hindi kayang balewalain ng sinumang naroroon. Matalas at malamig ang mga mata nito, at hindi na nito kailangang magsalita para maramdaman ng mga bisita ang awtoridad na taglay niya. Si Roman Crosswood. Ang lalaking kilala bilang Cold Billionaire at isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Isa-isang naglaho ang mga ngiti sa mukha ng mga bisita. Agad na napatuwid ng tayo si Sebastian, habang si Prescilla naman ay napabitaw sa braso nito at nagmadaling inayos ang pagkakatayo. Halata sa mukha ng dalaga ang takot at kaba. "D-Dad..." utal na bati ni Prescilla habang pilit na ngumiti. "Kailan pa kayo dumating? Akala ko nasa Texas kayo? Ahm, n-nagkakasiyahan lang naman kami rito—" Hindi man lang siya pinansin ni Roman. Hindi rin nito tinapunan ng tingin ang iba pang bisita. Sa halip, diretso itong naglakad patungo kay Cassandra, na nakatayo pa rin sa may pathway, basang-basa ang katawan at nakayuko habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak. Nasa likuran ni Roman ang kanyang butler, na agad na lumapit nang makitang papunta sila sa dalaga. Iniabot nito ang isang malapad at makapal na tuwalya. Kinuha iyon ni Roman at walang pag-aalinlangang ibinalot sa mga balikat ni Cassandra. Napatingala ang dalaga. Malabo ang kanyang paningin dahil wala na ang kanyang salamin, pero sapat na ang lapit ng lalaki para maaninag niya ang gwapong mukha nito.“Let me go!” asik ni Cassandra kay Desiree. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang init na nararamdaman niya sa buong katawan. “Kaya ko nang magpunta roon.”“Okay! Bahala ka sa buhay mo!” asik naman ni Dess bago nagmadaling lumapit kay Paul.“Sundan mo siya. Siguraduhin mong may mangyari sa inyo. Tapos, i-video mo para tuluyan nang masira ang manang na ’yan,” pabulong ngunit masamang utos ni Mia sa lalaki, na ikinangisi naman ni Paul.“Ako na ang bahala. Sa akin na ang babaeng iyan ngayong gabi,” nakangising saad ni Paul habang dinidilaan pa ang labi bago lumapit kay Cassandra, na pasuray-suray nang naglalakad sa hallway.“Cassandra, mukhang lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto kung saan puwede kang magpahinga,” sabi ni Paul habang hinahawakan ang braso ng dalaga.“H-Huwag na, kaya ko—Wait, bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Cassandra nang hilahin na siya ng lalaki. Ngunit dahil sa epekto ng alak at gamot, wala siyang sapat na lakas para alisin ang kamay nito.“Huwa
"S-Sir..." mahina niyang usal.Bahagyang yumuko si Roman at marahang inilayo ang basang buhok na nakadikit sa mukha ni Cassandra upang hindi na ito humarang sa paningin nito.Pagkatapos, dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaling ang tingin sa mga taong nakapaligid sa pool."Anong klaseng party ito, Ella? Hindi kita pinayagan na rito gawin ang birthday party mo para mambully ng bisita."“Pero, Dad. I am not bullying her. Si Calex. He is the one who is bullying my best friend!” agad na turo ni Prescilla sa lalaki.Mabilis namang napaatras si Calex dahil sa takot. Namumutla na ito sa seryosong titig ni Roman.“Best friend?”“Yes! She’s my best friend!”“Is it true? You are Ella’s best friend?” tanong ni Roman kay Cassandra.“Yes,” maikling sagot niya bago napatingin kay Prescilla, na halatang nakahinga nang maluwag sa sagot niya.“Follow me,” aya ni Roman sa kanya.Walang imik namang sumunod si Cassandra, pero agad din siyang natigilan nang humarap si Roman sa kanyang security head
Hindi aksidenteng lumang invitation ang naibigay sa kanya. Sinadya iyon ni Prescilla para mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito at ng iba pang bisita. Ang babaeng itinuring niyang matalik na kaibigan mula pa noong bata sila ay siya palang unang matutuwa kapag ginawa siyang katatawanan."Tingnan mo 'yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka man lang nagtanong," kalmado pero halatang inis na wika ni Sebastian.Hindi na nakasagot si Cassandra.Halos hindi pa niya maproseso ang mga salitang binitiwan ng fiancé niya nang may isang lalaki ang biglang lumapit–si Calex, one of her high school bully."Masyadong mainit ang suot mo, Cassandra! Malamig sa pool, magpalamig ka muna!" sigaw nito.Bago pa man makaiwas si Cassandra, marahas siya nitong itinulak.SPLASH!Bumagsak siya sa malalim na swimming pool.Agad na nabasa ang kanyang gown, at dahil sa bigat ng tela, nahirapan siyang igalaw ang mga binti. Natanggal ang kanyang nerdy glasses at lumubog sa tubig. Pilit siyang umahon habang naghaha
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang gabi ng kaarawan ni Prescilla.Sa loob ng maliit niyang silid, nakatayo si Cassandra sa harap ng lumang salamin habang inaayos ang suot niyang itim na gown. Binili niya iyon sa isang murang boutique dahil iyon lang ang pasok sa budget niya sa mga damit na puwede sa isang pormal na okasyon. Isinuot niya ang kanyang nerdy glasses at itinali ang buhok sa isang simpleng bun, umaasang kahit papaano ay maayos siyang tingnan para sa party.Muli niyang binuksan ang hawak na invitation at binasa ang nakasulat doon sa gintong letra: Theme: Elegance & High-Society Evening Gowns.“Sana hindi ako masyadong magmukhang baduy,” bulong niya habang inaayos ang bahagyang gusot sa laylayan ng damit.Ayaw niyang mapahiya si Sebastian sa harap ng mga kilalang tao, kaya kahit hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon, sinikap pa rin niyang maghanda nang maayos.Paglabas niya ng apartment building, agad siyang pumara ng taxi. May sarili kasing laka
“Sinong mas masarap sa amin ng fiancé mo, Cassandra?” seryoso at hingal na tanong ni Roman sa kaniya sa gitna ng madilim at tahimik na silid.Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Cassandra.How could she compare him with her fiancé kung si Roman ang nakauna sa kaniya? Cassandra and Sebastian had been in a relationship for over three years, pero walang nangyayari sa kanila.“I-Ikaw...” nauutal niyang sagot sa gitna ng kapusukang bumabalot sa kanila.Mabilis siyang hinablot ng lalaki upang muling magdikit ang kanilang mga katawan. “Tell me you are mine. Only mine, Cassandra.”“Y-Yes... I am y-yours ahh…”Marahas at puno ng pagnanasa siyang muling inangkin nito. Panay na lamang ang ungol at daing ni Cassandra sa tainga nito. Hindi niya alam kung saan ikakapit ang kaniyang mga kamay dahil sa nakapagdudulot ng matinding sarap na paraan ng pag-angkin ng lalaki sa kaniya.»»»Isang malakas na ringtone ng cellphone ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Cassandra. Inaantok niyang kinapa ang







