Mag-log in"S-Sir..." mahina niyang usal.
Bahagyang yumuko si Roman at marahang inilayo ang basang buhok na nakadikit sa mukha ni Cassandra upang hindi na ito humarang sa paningin nito.
Pagkatapos, dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaling ang tingin sa mga taong nakapaligid sa pool. "Anong klaseng party ito, Ella? Hindi kita pinayagan na rito gawin ang birthday party mo para mambully ng bisita." “Pero, Dad. I am not bullying her. Si Calex. He is the one who is bullying my best friend!” agad na turo ni Prescilla sa lalaki. Mabilis namang napaatras si Calex dahil sa takot. Namumutla na ito sa seryosong titig ni Roman. “Best friend?” “Yes! She’s my best friend!” “Is it true? You are Ella’s best friend?” tanong ni Roman kay Cassandra. “Yes,” maikling sagot niya bago napatingin kay Prescilla, na halatang nakahinga nang maluwag sa sagot niya. “Follow me,” aya ni Roman sa kanya. Walang imik namang sumunod si Cassandra, pero agad din siyang natigilan nang humarap si Roman sa kanyang security head at malamig na nag-utos, "Yung nagtulak sa best friend ng anak ko, pakitulak din sa pool at pagkatapos ay kaladkarin palabas ng mansiyon. At siguraduhin ninyong hindi na siya makatutuntong sa anumang pagtitipon ng mga Crosswood kailanman." Napasinghap ang lahat sa anunsiyo niya. "Opo, Boss!" Agad na lumapit ang dalawang security personnel at hinawakan si Calex sa magkabilang braso. Kahit pa nagsimula itong magmakaawa at magpaliwanag, hindi na nagbago ang pasiya ni Roman. Kinaladkad nila ito at itinulak sa pool. Lalong tumindi ang katahimikan. Wala nang nangahas na tumawa o magbitiw ng kahit anong komento. Muling ibinaling ni Roman ang kanyang atensiyon kina Prescilla at Sebastian. "Ikaw, Prescilla," malamig niyang tawag sa kanyang stepdaughter. "Hindi ko pinahihintulutan ang ganitong klaseng pambubully at kabastusan sa teritoryo ko. Mukhang kailangan nating pag-usapan ang asal mo bukas na bukas din." "D-Dad, it was just a joke..." nanginginig na sagot ni Prescilla. Pilit nitong pinanatili ang maamong ekspresyon sa mukha. Hindi na ito sinagot ni Roman. Sa halip, bumaling siya kay Sebastian, na kanina pa hindi mapakali sa kinatatayuan. "At ikaw..." panimula niya, malamig na sinusuri ang binata. "Mukhang ikaw ang nobyo ng babaeng ito. Kung hindi mo kayang ipagtanggol ang kasintahan mo, makipaghiwalay ka na lang. She deserves someone better, not a coward like you." Hindi makapagsalita si Sebastian. Napalunok ito at umiwas ng tingin, hindi makayang salubungin ang matalim na mga mata ni Roman. Hindi na naghintay si Roman ng sagot mula sa dalawa. Sa halip, muli niyang ibinaling ang atensiyon kay Cassandra at marahang inilagay ang isang kamay sa likod nito upang alalayan itong makalakad. "Tara na. Malamig dito sa labas," mahinahong bulong ni Roman sa dalaga. Malayo ang tonong iyon sa malamig at matigas na boses na ginamit nito sa mga taong nang-alipusta kay Cassandra kanina. Napatango na lamang ang dalaga. Mahigpit niyang hinawakan ang tuwalyang nakabalot sa kanyang mga balikat at tahimik na sumabay kay Roman --- Sa loob ng isang tahimik na silid sa ikalawang palapag ng mansiyon, nakaupo si Cassandra habang nakabalot pa rin sa kanya ang makapal na tuwalya. Hawak ng kanyang dalawang kamay ang isang tasa ng mainit na tsaa upang maibsan ang matinding lamig at panginginig ng kanyang katawan. Nakatayo naman sa di-kalayuan si Roman, nakasandal sa gilid ng malaking bintana habang tahimik na pinagmamasdan ang dalaga. Ilang na ilang si Cassandra sa presensya ng lalaki, ngunit sa kabila niyon ay may malaking pasasalamat sa kanyang puso dahil ito lang ang tanging nagtanggol sa kanya laban sa mga bully kanina. Ilang sandali pa, bumukas ang p***o at mabilis na pumasok si Prescilla. “Cass, I am sorry talaga. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Calex kanina. At sa mga sinabi nina Mia at Dess, sa lahat ng pang-aalipusta nila... I am very sorry. Hindi ko akalain na magagawa nila iyon sa 'yo,” umiiyak na usal ni Prescilla sabay lapit kay Cassandra. Tumingin si Cassandra sa kaibigan. Kahit sira na ang tiwala niya rito, pilit pa rin niyang pinanatiling kalmado ang kanyang boses. “Ayos lang, Ella. Hindi ko naman kasi mapipilit ang mga kaibigan mo na magustuhan ako.” Yumakap si Prescilla sa kanya. Saktong bumukas din ang p***o at pumasok si Sebastian. Nang makita ni Roman na naroon na ang dalawa, tahimik siyang umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa bintana. “I’ll leave you three here,” malamig na saad ni Roman bago tuluyang lumabas ng silid. Nang makalabas si Roman, agad na lumapit si Sebastian sa nobya. Umupo ito sa tabi ng dalaga sa sofa at marahang hinawakan ang magkabilang kamay nito, nakatitig nang may malalim na pag-aalala sa kanyang mga mata. “Cassandra, baby, wala ako sa sarili kanina dahil siguro sa alak na nainom ko... I'm so sorry,” malambing na saad ni Sebastian. “Hindi ko intensyon na pabayaan ka.” Bumuntong-hininga si Sebastian at ipinakita ang bahagyang pagsisisi. “Huwag ka nang magalit sa akin, please? Kung gusto mong umalis na tayo rito, aalis ako kasama ka kahit ngayon na.” Dahil sa kagustuhan ni Cassandra na maging maayos ang gabing ito, marahan na lamang siyang tumango. “Naintindihan ko, Sebastian. Huwag kang mag-alala. I will stay here.” “Cass, para makabawi ako, sumama ka sa amin sa ibaba. Uminom tayo kahit kaunti para makalimutan mo ang nangyari,” singit naman ni Prescilla sabay hawak sa braso ng kaibigan. “Parang ayaw ko na munang bumaba, Ella... Masama pa ang pakiramdam ko,” alanganing tugon niya rito. “Ano ka ba, Cass! Narito rin naman si Sebby para bantayan ka,” nakangiting sabi ni Prescilla. “Isang tagay lang para mawala ang lamig mo sa katawan. Promise, ako ang magbabantay sa 'yo roon para walang mang-insulto sa 'yo uli! Please, Cass? Last na 'to, para naman hindi masira ang birthday ko.”Pumayag na lamang si Cassandra dahil sa pakiusap nito.
“Bilisan n'yo, guys! Bababa na sila!” ani Mia sa mga kasamahan nila habang may inilalagay si Dess na gamot sa isang inumin. “Sabi ni Prescilla, dapat si Cassandra ang makainom niyan. Okay? Iyon ang utos ng reyna—ang lasingin ang baduy at tanga-tangang babaeng iyon.” Napangisi ang mga barkada ni Prescilla habang si Desiree naman ay maingat na hinahalo ang alak na may aphrodisiac. Pagkababa nina Cassandra sa hagdan, agad silang sinalubong nina Mia at Dess. “I am sorry, Cassandra, for what we did and said kanina. Pinagsisihan na namin ang mga sinabi at ginawa namin sa 'yo. For our peace offering, take this. Let's have our drinks tonight and enjoy Prescilla’s birthday celebration!” ani Desiree sabay abot ng wine glass kay Cassandra. Nakangiti namang tinanggap iyon ni Cassandra at walang alinlangang ininom ang alak. “Apology accepte—” Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin nang tila umikot ang kanyang paningin. Agad siyang sinalo ni Sebastian nang muntik na siyang mabuwal sa kanyang kinatatayuan. “Are you okay, Cassandra?” may pag-aalalang tanong ni Sebastian bago siya napatingin sa mga kaibigan ni Prescilla. “Did you put something in her drink, Mia?” “Of course not. Maybe she has a low tolerance for alcohol kaya agad siyang nahilo,” palusot nito. “I am f-fine, Sebastian,” sagot niya, kahit ang totoo ay hindi naman talaga siya okay. Nagsisimula nang uminit ang katawan niya. “Ihatid na kita pauwi, Cassandra.” Akmang bubuhatin na sana siya ni Sebastian, pero pinigilan siya ni Prescilla. “Doon mo na lang siya dalhin sa guest room, Sebby. You don’t need to drive her home. Ang laki-laki ng mansiyon na ito. At isa pa, I need you here. Please stay here for me,” may lambing na pakiusap nito sa lalaki. “Oo nga naman, Sebastian. Si Paul na lang ang maghahatid sa kanya sa kwarto,” singit naman ni Desiree. “Yeah, Dess is right. Kaya na ni Paul na ihatid ang fiancée mo doon sa guest room. We need you here dahil marami pang bisita ang aasikasuhin,” wika naman ni Mia. Ayaw pa sanang bumitaw ni Cassandra sa kanyang nobyo, pero hinila na siya ni Desiree palayo rito. Napalingon pa nga siya sa lalaki, at kahit nanlalabo ang kanyang paningin, naaninag niya kung paano yumakap si Prescilla sa kanyang nobyo sabay halik sa pisngi nito.“Let me go!” asik ni Cassandra kay Desiree. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang init na nararamdaman niya sa buong katawan. “Kaya ko nang magpunta roon.”“Okay! Bahala ka sa buhay mo!” asik naman ni Dess bago nagmadaling lumapit kay Paul.“Sundan mo siya. Siguraduhin mong may mangyari sa inyo. Tapos, i-video mo para tuluyan nang masira ang manang na ’yan,” pabulong ngunit masamang utos ni Mia sa lalaki, na ikinangisi naman ni Paul.“Ako na ang bahala. Sa akin na ang babaeng iyan ngayong gabi,” nakangising saad ni Paul habang dinidilaan pa ang labi bago lumapit kay Cassandra, na pasuray-suray nang naglalakad sa hallway.“Cassandra, mukhang lasing ka na. Ihahatid na kita sa kuwarto kung saan puwede kang magpahinga,” sabi ni Paul habang hinahawakan ang braso ng dalaga.“H-Huwag na, kaya ko—Wait, bitawan mo nga ako!” pagpupumiglas ni Cassandra nang hilahin na siya ng lalaki. Ngunit dahil sa epekto ng alak at gamot, wala siyang sapat na lakas para alisin ang kamay nito.“Huwa
"S-Sir..." mahina niyang usal.Bahagyang yumuko si Roman at marahang inilayo ang basang buhok na nakadikit sa mukha ni Cassandra upang hindi na ito humarang sa paningin nito.Pagkatapos, dahan-dahan siyang umayos ng tayo at ibinaling ang tingin sa mga taong nakapaligid sa pool."Anong klaseng party ito, Ella? Hindi kita pinayagan na rito gawin ang birthday party mo para mambully ng bisita."“Pero, Dad. I am not bullying her. Si Calex. He is the one who is bullying my best friend!” agad na turo ni Prescilla sa lalaki.Mabilis namang napaatras si Calex dahil sa takot. Namumutla na ito sa seryosong titig ni Roman.“Best friend?”“Yes! She’s my best friend!”“Is it true? You are Ella’s best friend?” tanong ni Roman kay Cassandra.“Yes,” maikling sagot niya bago napatingin kay Prescilla, na halatang nakahinga nang maluwag sa sagot niya.“Follow me,” aya ni Roman sa kanya.Walang imik namang sumunod si Cassandra, pero agad din siyang natigilan nang humarap si Roman sa kanyang security head
Hindi aksidenteng lumang invitation ang naibigay sa kanya. Sinadya iyon ni Prescilla para mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan nito at ng iba pang bisita. Ang babaeng itinuring niyang matalik na kaibigan mula pa noong bata sila ay siya palang unang matutuwa kapag ginawa siyang katatawanan."Tingnan mo 'yan. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka man lang nagtanong," kalmado pero halatang inis na wika ni Sebastian.Hindi na nakasagot si Cassandra.Halos hindi pa niya maproseso ang mga salitang binitiwan ng fiancé niya nang may isang lalaki ang biglang lumapit–si Calex, one of her high school bully."Masyadong mainit ang suot mo, Cassandra! Malamig sa pool, magpalamig ka muna!" sigaw nito.Bago pa man makaiwas si Cassandra, marahas siya nitong itinulak.SPLASH!Bumagsak siya sa malalim na swimming pool.Agad na nabasa ang kanyang gown, at dahil sa bigat ng tela, nahirapan siyang igalaw ang mga binti. Natanggal ang kanyang nerdy glasses at lumubog sa tubig. Pilit siyang umahon habang naghaha
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang gabi ng kaarawan ni Prescilla.Sa loob ng maliit niyang silid, nakatayo si Cassandra sa harap ng lumang salamin habang inaayos ang suot niyang itim na gown. Binili niya iyon sa isang murang boutique dahil iyon lang ang pasok sa budget niya sa mga damit na puwede sa isang pormal na okasyon. Isinuot niya ang kanyang nerdy glasses at itinali ang buhok sa isang simpleng bun, umaasang kahit papaano ay maayos siyang tingnan para sa party.Muli niyang binuksan ang hawak na invitation at binasa ang nakasulat doon sa gintong letra: Theme: Elegance & High-Society Evening Gowns.“Sana hindi ako masyadong magmukhang baduy,” bulong niya habang inaayos ang bahagyang gusot sa laylayan ng damit.Ayaw niyang mapahiya si Sebastian sa harap ng mga kilalang tao, kaya kahit hindi siya sanay sa ganitong klase ng okasyon, sinikap pa rin niyang maghanda nang maayos.Paglabas niya ng apartment building, agad siyang pumara ng taxi. May sarili kasing laka
“Sinong mas masarap sa amin ng fiancé mo, Cassandra?” seryoso at hingal na tanong ni Roman sa kaniya sa gitna ng madilim at tahimik na silid.Napakagat sa kaniyang ibabang labi si Cassandra.How could she compare him with her fiancé kung si Roman ang nakauna sa kaniya? Cassandra and Sebastian had been in a relationship for over three years, pero walang nangyayari sa kanila.“I-Ikaw...” nauutal niyang sagot sa gitna ng kapusukang bumabalot sa kanila.Mabilis siyang hinablot ng lalaki upang muling magdikit ang kanilang mga katawan. “Tell me you are mine. Only mine, Cassandra.”“Y-Yes... I am y-yours ahh…”Marahas at puno ng pagnanasa siyang muling inangkin nito. Panay na lamang ang ungol at daing ni Cassandra sa tainga nito. Hindi niya alam kung saan ikakapit ang kaniyang mga kamay dahil sa nakapagdudulot ng matinding sarap na paraan ng pag-angkin ng lalaki sa kaniya.»»»Isang malakas na ringtone ng cellphone ang umistorbo sa mahimbing na tulog ni Cassandra. Inaantok niyang kinapa ang


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




