"Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma
Última atualização : 2026-10-26 Ler mais