LOGIN
"Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..."
Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. Sunod-sunod na tunog ng preno. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa linya. "Margaux!" "Harri—!" Naputol ang tawag. "Margaux, sumagot ka! Margaux!" Tinawagan niya ulit. Unreachable na ang numero. Tinawagan niya ulit nang paulit-ulit, pero wala na. "Chief, may problema?" Lumapit ang isa niyang operative. Hindi na sumagot si Harriet. Hinablot niya ang susi ng sasakyan sa lamesa at tumakbo palabas ng safehouse. Kinabukasan, isang patrol ang nakakita ng sasakyang wasak sa ilalim ng tulay, kulay puti na Range Rover. Registered under Margaux Villaverde-Montemayor. Wasak ang unahan, nakalubog ang kalahati sa ilog. Walang bangkay na nakuha, wala ding survivor. Nasa opisina ng NBI si Harriet nang dumating ang initial police report. Binasa niya ang tatlong salita na paulit-ulit na nakalagay sa huling pahina. Body not recovered. "Hindi pwede ito," sabi ni Harriet at ibinagsak ang folder sa lamesa. "Chief, may mali ba?" tanong ng deputy director niya. "Kayo na mismo tumingin sa report na ito. Sobrang linis, sobrang bilis ng conclusion. Parang may nagmamadali na isara agad ang kaso," sagot ni Harriet. Pinatawag niya ang buong team sa conference room. Inilatag sa malaking screen ang lahat ng nakalap na ebidensya. "Chief, na-review na namin CCTV sa highway. May nawawalang labing-isang minuto sa footage. Parang nabura," sabi ng analyst nila. "Impossible na mabura yun nang kusa," sagot ni Harriet at mas humigpit ang hawak niya sa folder. "May nagbura, at hindi lang yun. Manipulated din ang traffic camera sa may tulay. Nawawala ang dashcam footage ng sasakyan. Pati oras ng pagresponde ng emergency team, binago," dagdag pa ng isa. Nagtinginan silang lahat at walang nakapagsalita ng ilang sandali. "May naglinis," sabi ni Harriet. "Hindi ito ordinaryong aksidente, may taong may koneksyon, at may kapangyarihan na gustong palabasin na aksidente ang lahat." "Chief, may isa pa," sabi ng deputy at naglapag ng litrato sa lamesa. Family picture iyon. Nasa gitna si Margaux, katabi si Rayver Montemayor, at karga si Madeline na limang taon. "Ano koneksyon ng pamilya Montemayor dito?" tanong ni Harriet. "Wala pa kaming hawak na matibay. Pero hindi namin pwedeng i-disregard. Si Rayver ang asawa ni Margaux," sagot ng deputy. "Then find one, hanapin niyo lahat ng koneksyon," utos ni Harriet. Tumayo siya at naglakad papunta sa malaking salamin ng conference room. Tanaw mula doon ang buong syudad. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi siya Chief ng Black Operations ngayon. Kapatid siya na hindi nasagot ang huling tawag ng kambal niya. Tatlong araw ang lumipas na walang linaw ang kaso. Ipinatawag siya sa emergency meeting ng Director. "Harriet, may proposal kami," sabi ng Director. Naupo si Harriet at nakinig. "Alam ng taong nasa likod ng pagkawala ni Margaux na buhay siya bago nangyari yung sa tulay. Pero wala sa public record na may kambal siya," paliwanag ng Director. Napatingin si Harriet sa kanya. Iyon ang sikreto na matagal nilang tinago ni Margaux. Kahit ang pamilya Villaverde hindi alam na may kakambal siya. Kahilingan mismo ni Margaux iyon noon. Ayaw niyang may kahati sa atensyon ng bago niyang pamilya. At pumayag si Harriet dahil mahal niya ang kapatid niya. "Kung idedeklara nating patay si Margaux ngayon, magtatago ang pumatay. Alam niyang tapos na ang ginawa niya," patuloy ng Director. Nagkatinginan ang mga nasa loob ng silid. "Pero kung palalabasin natin na buhay pa si Margaux... lalabas din siya para tapusin ang hindi niya natapos. Mapipilitan siyang gumalaw ulit," dagdag ng Director. Napatingin ang lahat kay Harriet. Hindi na kailangan pang ipaliwanag. "Chief... ikaw lang ang pwede pumalit sa buhay niya," mahinang sabi ng deputy. "Kamukha mo siya. Boses mo kapareho niya. Wala nang ibang pwede." Napapikit si Harriet nang mariin. Kapag tinanggap niya ito, hindi lang pangalan ni Margaux ang kukunin niya. Pati asawa nito, anak nito, at buong buhay nito kailangan niyang angkinin. Kapag nagkamali siya, hindi lang misyon ang mawawala kundi pati sarili niyang pagkatao. Pagkalipas ng ilang segundo, iminulat niya ang mata. Buo na ang desisyon niya. "Prepare the operation." Huminto siya sandali bago idinugtong ang mga salitang magsisimula ng pinakamapanganib na misyon sa kanyang buhay. "Simula ngayon ako na si Margaux Villaverde-Montemayor"Marahang itinulak ni Lola Criselda ang puting pinto ng kwarto. Huminto si Margaux sa mismong entrada at hindi agad pumasok. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa loob.Malinis ang bawat sulok ng silid. May malaking puting kama sa gitna na may apat na unan at may kulay beige na kumot. Sa kanan ay may walk-in closet na may salamin na pinto. Sa kaliwa ay may vanity table na punong-puno ng mamahaling pabango, skin care, at make-up na maayos na nakahilera. May bookshelf na maayos ang pagkakaayos ng mga libro ayon sa kulay. May mga framed photographs sa dingding na puro si Margaux lang mag-isa.At sa ibabaw ng kama, nakahiga pa rin ang paboritong stuffed bear ni Margaux na kulay brown. Parang kahapon lang siya umalis at babalik din agad."Dahil..." mahinang sabi ni Lola Criselda habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Umaasa akong isang araw, bubuksan mo ulit ang pintong ito at papasok ka na parang walang nangyari."Napalingon si Margaux kay Lola. Hindi na napigilan
"...Margaux?"Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa."Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin."Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan."Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit."Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux."Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nito
"Mommy! Bawal lumabas!"Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.Pagkabukas niya ng pinto ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.Parang gumawa ng barricade.Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?""Security checkpoint.""...Ha?" naguguluhan niyang tanong."Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata ."Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa."Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline...""Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito."Pipirma saan?"Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons. Malaki ang nakasulat :MOMMY CONTRACT :Rule #1 Hindi puwedeng mawala.Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.Rule #3 Dapa
"Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma
May mga sugat na kayang tahiin ng doktor.May mga butong kayang ibalik ng panahon.Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters. Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.Magkaibang insidente.Magkaibang panahon.Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsido
"Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..." Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. S







