Home / Romance / Ang Misis Kong Astig / Chapter 1 : She's Alive

Share

Chapter 1 : She's Alive

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-10-26 04:46:54

May mga sugat na kayang tahiin ng doktor.

May mga butong kayang ibalik ng panahon.

Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.

Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters.

Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.

Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.

Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.

Magkaibang insidente.

Magkaibang panahon.

Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.

Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.

Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsidong nagkataon lang ang lahat. Ang alam lang niya, may bahagi ng kuwento na hindi pa niya nakikita.

At iyon ang balak niyang hanapin.

_______

"Sir... may tumawag po mula sa Cebu City Police Office. Natagpuan na raw po si Mrs. Margaux Montemayor."

Isang linyang babaligtad sa buong buhay ni Rayver Montemayor.

Kasalukuyan siyang nasa boardroom ng Montemayor Group Headquarters sa Cebu Business Park. Nakaharap niya ang sampung board members na naghihintay sa desisyon niya tungkol sa bagong project sa Mactan. Naka- itim na suit at nakaupo sa wheelchair sa dulo ng lamesa.

"Anong sabi mo?" tanong ni Rayver kay Christopher Ford na nakatayo sa may p***o at hawak ang phone.

"Hindi na po missing ang asawa ninyo, Mr. Montemayor. Nasa Mactan Medical Recovery Center daw po siya ngayon. Gusto na raw po niyang umuwi," ulit ni Christopher. Halatang kinakabahan pa rin.

Tumayo ang isang board member.

"Rayver, tapusin muna natin ang meeting. Pwede namang—"

"Kung mali ang impormasyon ninyo, sisiguraduhin kong mananagot kayong lahat!," babala ni Rayver sa kausap.

"DNA at fingerprint verification po ang basehan namin, Mr. Montemayor. Si Mrs. Margaux po talaga," sagot ng police sa kabilang linya.

Tinitigan ni Rayver ang buong boardroom.

"Prepare the car, I-cancel ninyo lahat ng schedule ko ngayong araw," utos ni Rayver kay Christopher.

Mabilis na lumabas ang lahat ng board members. Naiwan si Christopher na tinutulak na ang wheelchair ni Rayver palabas ng boardroom.

Pagkalipas ng isang oras, nasa loob na sila ng Private Medical Recovery Center sa Mactan. Kulay puti ang pintura , amoy gamot, at maraming nurse ang naglalakad sa hallway. Itinulak ni Christopher si Rayver papunta sa Room 3 kung saan naghihintay ang doktor.

"Mr. Montemayor, ako po si Dr. Sarmiento. Dalawang buwan ko pong inalagaan ang asawa ninyo. May retrograde amnesia po siya dahil sa aksidente. Hindi pa bumabalik lahat ng alaala niya," sabi ng doktor.

"Ano ang dapat kong gawin?" tanong ni Rayver.

"Treat her like she's meeting everyone for the first time. Huwag ninyo siyang piliting alalahanin ang nakaraan. Hayaan ninyong kusa niyang maalala," sagot ng doktor.

Binuksan ng doktor ang p***o.

Pumasok si Rayver sa loob, nakaupo sa kama ang isang babae na nakasuot ng simpleng white dress. Mahaba ang buhok na nakatali at payat. Si Margaux Villaverde-Montemayor. Ang asawa niyang dalawang buwan niyang hinanap.

Lingid sa kanyang kaalaman, Si Harriet na ito at nagpapanggap bilang si Margaux.

Nagkatinginan silang dalawa, ilang segundo na nakatingin lang si Rayver sa asawang akala niya ay wala na.

Si Harriet unang bumasag ng katahimikan.

"Pakiramdam ko, may mahalagang bahagi ng buhay ko ang nawala. Pero hindi ko alam kung ano," sabi ni Margaux habang nakatingin kay Rayver at may naguguluhang eskpresyon sa mukha.

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo. Uuwi na muna tayo," sagot ni Rayver.

Tumango si Margaux at ngumiti nang bahagya.

"Gusto ko nang umuwi," sabi niya.

Lumabas sila ng kwarto na magkasama. Paglabas nila sa hallway, may batang babae na tumatakbo galing sa waiting area. Naka-pink dress at may dalang teddy bear.

Si Madeline Montemayor, limang taong gulang.

Huminto si Madeline sa harap ni Margaux. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa. Parang hindi sigurado kung lalapit ba o hindi.

"Mommy... ikaw ba talaga?" tanong ni Madeline. Maliit ang boses at may luha na sa mata.

Lumuhod si Margaux para magpantay ang mata nila. Hinawakan niya ang kamay ni Madeline.

"Hindi ko maalala kung anong klaseng mommy ako sayo, pero pwede ba kitang simulan ulit kilalanin at mahalin?" tanong ni Margaux.

Hindi sumagot agad si Madeline, pagkatapos ng ilang segundo, yumakap ito nang mahigpit kay Margaux.

"Basta huwag ka na ulit mawala mommy," bulong ni Madeline sa basag na boses, habang nakayakap

Niyakap pabalik ni Margaux si Madeline. Sa likod nila, nakatingin si Rayver sa mag-ina. Gumaan ang pakiramdam niya pagkakita sa asawa.

Sumakay silang tatlo sa itim na van papuntang Busay. Si Christopher ang nag-drive., paakyat na ang daan pa-Busay, maraming pine trees sa gilid at lumalamig ang hangin. Kita na sa baba ang ilaw ng buong Cebu City.

Habang nasa biyahe, inaantok na si Madeline.

"Mommy... carry," sabi ni Madeline habang inaabot ang kamay.

Walang pag-aalinlangan na binuhat agad siya ni Margaux at pinaupo sa kandungan niya. Niyakap niya at hinaplos ang buhok ni Madeline.

Napatingin si Christopher sa salamin at napansin ang ginawa ni Margaux.

"Parang mas sweet si Ma'am ngayon, Sir," bulong ni Christopher kay Rayver.

Tumingin si Rayver sa mag-ina sa likod sa pamamagitan ng side mirror. Di pa din siya makapaniwalang andito ang asawa niya— BUHAY.

"Dalawang buwan siyang nawala, at muntik mamatay. Kung may nagbago man... hindi iyon nakakagulat," sagot ni Rayver.

Normal lang siguro ang magbago pagkatapos ng isang aksidente. Para sa kanya, natural lang na magbago ang tao pagkatapos dumaan sa malaking trauma.

Dumating sila sa Montemayor Mansion. Pagbukas ng malaking wrought-iron gate, bumungad ang malaking villa na gawa sa bato at may maraming bintana. Malaki ang hardin na puno ng pine trees at may ilaw sa bawat sulok.

Nakahilera sa harap ang buong household. Nandoon si Manang Rosing, ang matagal nang kasambahay ng pamilya Montemayor, kasama ang iba pang kasambahay at drivers.

Pagbaba ng van, lumapit si Manang Rosing na umiiyak.

"Welcome home, Ma'am," sabi ni Manang Rosing.

Tumingin si Margaux sa matanda at hinawakan ang kamay nito.

"Pasensya na kayo, kung hindi ko kayo maalala... pero sana tulungan ninyo akong makilala kayong muli," sabi ni Margaux.

"Hindi bale po, Ma'am. Ang mahalaga nakauwi kayo," sagot ni Manang Rosing habang pinupunasan ang luha.

Pumasok sila sa loob ng mansyon. Malaki ang loob, may fireplace sa gitna, may malaking hagdan na paikot, at may mga larawan ng pamilya sa dingding.

Inihatid ni Rayver si Margaux sa kwarto nila sa ikalawang palapag. Silang dalawa lang ang naiwan sa hallway.

Binuksan ni Rayver ang p***o.

"Dito tayo natutulog?" sabi ni Margaux habang tinitingnan ang malaking kama at ang bintana na kita ang buong city lights.

"Oo, dito tayo simula nung kinasal tayo," sagot ni Rayver.

"Mukhang kailangan kitang magkakilala ulit," sabi ni Margaux habang nakatingin kay Rayver.

"Hindi naman masamang magsimula ulit," sagot ni Rayver. May bahagyang ngiti sa labi.

Ilang minuto pa, may kumatok sa p***o. Pumasok si Madeline na may dalang malaking teddy bear na halos kasing laki niya. Naka-pajama na siya.

"Daddy... dito ka rin matulog," sabi ni Madeline kay Rayver habang hinihila ang kamay ni Rayver.

"May sarili akong kwarto," sagot ni Rayver.

"Hindi, we are family, dapat magkakatabi tayo" sabi ni Madeline na parang nag-uutos.

Natawa si Margaux sa sinabi ni Madeline. Si Rayver naman napailing pero hindi nagalit.

"Family tayo," ulit ni Madeline at tumalon sa gitna ng malaking kama.

Naupo si Margaux sa tabi ni Madeline. Si Rayver nanatili sa may pintuan na nakatingin sa mag-ina.

Maya-maya, umalis muna si Rayver para asikasuhin ang discharge papers kasama si Christopher sa baba. Naiwan si Margaux mag-isa sa kwarto habang tulog na si Madeline sa tabi niya.

Tiningnan ni Margaux si Madeline na mahimbing na natutulog. Pagkatapos, dahan-dahan niyang inilabas mula sa bulsa ng dress niya ang isang maliit na locket. Binuksan niya ito. Sa loob, may dalawang litrato ng batang babae na magkamukha.

Si Harriet at si Margaux noong bata pa sila.

Mahigpit niyang hinawakan ang locket.

"Ate... ipinapangako ko... hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sa'yo" matatag niyang sabi sa sarili. Sobrang hina ng boses na halos hindi marinig.

Iyon lang ang tanging paalala ng tunay niyang misyon. Hindi pa ngayon ang imbestigasyon. Ngayon, kailangan muna niyang maging isang asawa at ina.

Habang nasa itaas si Margaux, nasa ibaba si Rayver sa may sala. Hawak niya ang ilang papeles ng discharge.

Lumapit si Christopher na may dala.

"Sir... may ipinadala po ang Cebu City Police," sabi ni Christopher at iniabot ang isang sealed evidence bag na kulay brown.

Tinitigan ni Rayver ang evidence bag. Hindi pa binubuksan. May tatak pa ng police station at may nakasulat na case number.

"Bukas na natin ito tingnan, pagod na si Margaux ngayon," sabi ni Rayver at nilagay ang evidence bag sa drawer ng study table.

Sa itaas, walang kamalay-malay si Margaux na hawak pa rin ang locket habang nakatingin kay Madeline. Hindi niya alam na ang unang gabi niya bilang asawa ni Rayver Montemayor ..

Ay simula pa lang ng pinakamahirap na papel na gagampanan niya sa buong buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 5 : The Diary

    Marahang itinulak ni Lola Criselda ang puting pinto ng kwarto. Huminto si Margaux sa mismong entrada at hindi agad pumasok. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa loob.Malinis ang bawat sulok ng silid. May malaking puting kama sa gitna na may apat na unan at may kulay beige na kumot. Sa kanan ay may walk-in closet na may salamin na pinto. Sa kaliwa ay may vanity table na punong-puno ng mamahaling pabango, skin care, at make-up na maayos na nakahilera. May bookshelf na maayos ang pagkakaayos ng mga libro ayon sa kulay. May mga framed photographs sa dingding na puro si Margaux lang mag-isa.At sa ibabaw ng kama, nakahiga pa rin ang paboritong stuffed bear ni Margaux na kulay brown. Parang kahapon lang siya umalis at babalik din agad."Dahil..." mahinang sabi ni Lola Criselda habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Umaasa akong isang araw, bubuksan mo ulit ang pintong ito at papasok ka na parang walang nangyari."Napalingon si Margaux kay Lola. Hindi na napigilan

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 4 : Welcome Home Margaux!

    "...Margaux?"Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa."Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin."Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan."Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit."Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux."Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nito

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 3 : Mommy Upgrade

    "Mommy! Bawal lumabas!"Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.Pagkabukas niya ng pinto ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.Parang gumawa ng barricade.Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?""Security checkpoint.""...Ha?" naguguluhan niyang tanong."Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata ."Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa."Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline...""Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito."Pipirma saan?"Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons. Malaki ang nakasulat :MOMMY CONTRACT :Rule #1 Hindi puwedeng mawala.Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.Rule #3 Dapa

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 2 : The First Breakfast

    "Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 1 : She's Alive

    May mga sugat na kayang tahiin ng doktor.May mga butong kayang ibalik ng panahon.Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters. Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.Magkaibang insidente.Magkaibang panahon.Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsido

  • Ang Misis Kong Astig   Prologue :

    "Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..." Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status