Home / Romance / Ang Misis Kong Astig / Chapter 3 : Mommy Upgrade

Share

Chapter 3 : Mommy Upgrade

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-10-26 04:47:19

"Mommy! Bawal lumabas!"

Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.

Pagkabukas niya ng p***o ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.

Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.

Parang gumawa ng barricade.

Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?"

"Security checkpoint."

"...Ha?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata .

"Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa.

"Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.

Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline..."

"Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito.

"Pipirma saan?"

Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons.

Malaki ang nakasulat :

MOMMY CONTRACT :

Rule #1 Hindi puwedeng mawala.

Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.

Rule #3 Dapat kakain ng breakfast kasama kami.

Rule #4 Bawal umiyak nang hindi ako kasama.

Napatawa si Margaux. "Ikaw gumawa nito?"

"Ako... saka si Manang Rosing, pero idea ko mommy" proud na sabi nito.

Eksaktong sandaling iyon, bumukas ang kabilang p***o. Lumabas si Rayver gamit ang wheelchair.

Huminto siya nang makita ang "checkpoint."

"Ano na naman 'yan anak?" tanong nito. Hindi man lang lumingon si Madeline.

"Teka lang Daddy. May inspection pa."

"Inspection?"

Napabuntong-hininga si Rayver "Madeline..."

"Hindi! May rules tayo." humalukipkip na sabi ng bata na akala mo malaking tao.

Napailing si Rayver pero halatang pinipigilan ang ngiti.

"Pipirma na ako ng contract mo, pero bago yun magbreakfast muna tayo, okay?" malambing na sabi ni Margaux at binuhat ang anak.

"Yes mommy! tara na daddy, let's have a breakfast together" masayang sabi nito.

_____

"Daddy, pwedeng wag na ulit mawala si mommy?" inosenting tanong ni Madeline habang nasa kalagitnaan ng breakfast.

Nasa gitna ng lamesa ang sinangag, itlog, tuyo, at mainit na hot chocolate. Si Margaux naman ay natigilan sa pagsubo ng itlog dahil sa tanong ni Madeline. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang batang walang alam na ang tunay niyang ina ay wala na.

Ngumiti siya nang bahagya kay Madeline at hinaplos ang buhok ng bata.

"Hindi ko maipapangakong hindi ako mawawala... pero ipapangako kong hindi kita iiwan nang hindi nagpapaalam," sabi ni Margaux

Mas lalong yumakap si Madeline sa braso ni Margaux.

"Promise?" nangnining ang matang tanong niya

"Promise anak," sagot ni Margaux.

Si Rayver nanatiling nakatingin lang sa mag-ina habang umiinom ng kape.

Nilagyan ni Margaux ng broccoli ang plato ni Madeline na ayaw na ayaw niya. Habang kumakain si Rayver at nakatingin sa phone, palihim na inilipat ni Madeline ang lahat ng broccoli sa plato ni Rayver.

Nahuli ni Rayver ang ginagawa ng anak.

"Madeline," tawag ni Rayver.

"Ha?" sagot ni Madeline na parang walang ginawa.

"Bakit nasa plato ko lahat ng gulay mo?" tanong ni Rayver habang tinitingnan ang broccoli.

"Daddy... sabi ni Teacher sharing is caring. Kaya shinare ko sa'yo," sagot ni Madeline na seryosong-seryoso.

"Teacher mo ba nagsabing sa Daddy lang mag-share ng gulay?" tanong ni Rayver.

Natawa si Margaux nang malakas dahil sa sagot ni Madeline. Kahit si Christopher na seryoso lagi ay napangiti.

"Sige na nga, kainin mo na lang kahit dalawa. Tapos libre ka na," sabi ni Margaux kay Madeline.

Tumango si Madeline at kumain ng dalawang piraso ng broccoli.

"Thank you, Mommy," sabi ni Madeline.

"Walang anuman anak!" pinunasan niya ang bibig ni Madeline dahil may kumalat na ketchup.

Hindi napansin ni Margaux ang tinginanam ng mga kasama niya. Natural lang para sa kanya ang magpunas ng bibig ng bata.

Mahinang bumulong si Manang Rosing kay Aling Nena na nasa kusina.

"Ngayon ko lang nakita si Ma'am Margaux na gumawa ng ganyan sa bata. Dati si yaya lagi," bulong ni Manang Rosing.

Hindi narinig ni Margaux ang bulong.

Pagkatapos kumain, naglakad si Margaux sa hallway at nakita ang malaking family picture na nakasabit. Nandoon si Rayver, si Margaux na nakaputing dress at seryoso ang mukha, at si Madeline na maliit pa.

Tinitigan ni Margaux ang larawan.

"Ang seryoso pala natin dito sa picture," sabi ni Margaux kay Rayver na nasa likod niya.

"Hindi lahat ng litrato nagsasabi ng totoo," sagot ni Rayver.

Napatingin si Margaux kay Rayver.

"Hindi rin lahat ng ngiti nagsasabing masaya ang tao," sagot ni Margaux.

Nagkatinginan silang dalawa. Ilang segundo silang nakatingin sa isa't isa. Unang beses na nagkaroon ng ganitong pag-uusap na hindi tungkol sa trabaho o kay Madeline.

Biglang tumayo si Madeline sa gitna ng sala at nag-announce na parang teacher.

"Family day ngayon!" sigaw ni Madeline.

Napatingin si Christopher kay Madeline.

"Anong family day, Madeline?" tanong ni Christopher.

"Kapag kumpleto tayo. Daddy, Mommy, at ako. Hindi pwedeng may absent. Kaya family day ngayon," paliwanag ni Madeline na may kamay pa sa bewang.

Napangiti si Manang Rosing sa sinabi ng bata.

Tumingin si Madeline kay Rayver na nakaupo sa wheelchair.

"May meeting ako ngayong umaga," sabi ni Rayver na seryoso.

Nakasimangot agad si Madeline at lumapit kay Rayver.

"Daddy... mas importante ba ang meeting kaysa kay Mommy? Ngayon lang bumalik si Mommy tapos iiwan mo agad?" tanong ni Madeline na may lungkot sa boses.

Napamaang sila sa sinabi ng bata. Si Christopher napatingin sa sahig at umubo nang mahina. Si Manang Rosing napangiti na parang nanonood ng drama.

Tumingin si Margaux kay Madeline at hinawakan ang kamay ng bata.

"Madeline, huwag mong pagpilitin si Daddy. Trabaho niya iyon at importante iyon," sabi ni Margaux na mahinahon.

Ilang segundong nag-isip si Rayver habang nakatingin kay Madeline at kay Margaux. Pagkatapos ay tumingin siya kay Christopher.

"Christopher," tawag ni Rayver.

"Opo, Sir?" sagot ni Christopher.

"Move all my morning meetings sa hapon. I-cancel mo lahat ng nasa umaga," utos ni Rayver.

Napatingin ang lahat kay Rayver.

"Sir?" gulat na tanong ni Christopher.

"Family day daw ngayon, kaya family day," sagot ni Rayver na walang ngiti pero kalmado.

Napatalon si Madeline sa tuwa. "Yehey! Family day! Kasama si Daddy!" sigaw ni Madeline at yumakap kay Rayver.

Sumakay silang tatlo sa itim na van papuntang Ayala Center Cebu. Si Christopher ang nag-drive. Sa likod, nakaupo si Madeline sa gitna nina Rayver at Margaux.

Habang nasa biyahe, excited si Madeline.

"Daddy," tawag niya

"Hmm?" sagot ni Rayver.

"Holding hands dapat. Family dapat mag-holding hands," sabi ni Madeline.

Nagkatinginan sina Rayver at Margaux. Parehong awkward at hindi alam kung paano hahawakan ang kamay ng isa't isa.

Si Madeline na mismo ang kumuha ng kamay ni Rayver at kamay ni Margaux at pinagdikit ang dalawa sa ibabaw ng tuhod niya.

"Ayan! Mukha na tayong pamilya," sabi ni Madeline at ngumiti nang malaki.

Napangiti si Christopher na nakatingin sa salamin. Napailing si Rayver pero hindi binawi ang kamay. Si Margaux naman napatawa nang bahagya at hinayaan lang ang kamay niya na hawak ni Rayver.

Pagdating nila sa Ayala Center Cebu, pagpasok pa lang sa entrance, nakilala agad si Rayver ng mga tao.

"Good morning, Mr. Montemayor! Welcome back, Ma'am Margaux!" bati ng guard at ng manager ng mall na lumapit agad.

Tumango lang si Rayver at ngumiti si Margaux.

.Habang si Madeline ay masayang hinihila si Margaux papasok sa isang boutique ng mga damit pambata at pang-babae.

Papasok na sana sila sa boutique nang may isang eleganteng babae ang papalabas ng boutique. Naka-red dress, naka-high heels, at may dalang designer bag. Ka-edad lang ni Margaux at mukhang kilalang-kilala si Margaux.

Bigla itong natigilan nang makita si Margaux na hawak ang kamay ni Madeline.

Nanlaki ang mata niya at nabitawan ang designer bag niya sa sahig. Hindi makapaniwala ang tingin niya kay Margaux. Nanginginig pa ang kamay.

Mahinang bumuka ang labi nito at nagsalita.

"...Margaux?"

Humakbang pa ito nang isang hakbang palapit at tinitigan si Margaux mula ulo hanggang paa.

"Ikaw nga? Buhay ka!????"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 5 : The Diary

    Marahang itinulak ni Lola Criselda ang puting pinto ng kwarto. Huminto si Margaux sa mismong entrada at hindi agad pumasok. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa loob.Malinis ang bawat sulok ng silid. May malaking puting kama sa gitna na may apat na unan at may kulay beige na kumot. Sa kanan ay may walk-in closet na may salamin na pinto. Sa kaliwa ay may vanity table na punong-puno ng mamahaling pabango, skin care, at make-up na maayos na nakahilera. May bookshelf na maayos ang pagkakaayos ng mga libro ayon sa kulay. May mga framed photographs sa dingding na puro si Margaux lang mag-isa.At sa ibabaw ng kama, nakahiga pa rin ang paboritong stuffed bear ni Margaux na kulay brown. Parang kahapon lang siya umalis at babalik din agad."Dahil..." mahinang sabi ni Lola Criselda habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Umaasa akong isang araw, bubuksan mo ulit ang pintong ito at papasok ka na parang walang nangyari."Napalingon si Margaux kay Lola. Hindi na napigilan

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 4 : Welcome Home Margaux!

    "...Margaux?"Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa."Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin."Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan."Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit."Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux."Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nito

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 3 : Mommy Upgrade

    "Mommy! Bawal lumabas!"Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.Pagkabukas niya ng pinto ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.Parang gumawa ng barricade.Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?""Security checkpoint.""...Ha?" naguguluhan niyang tanong."Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata ."Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa."Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline...""Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito."Pipirma saan?"Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons. Malaki ang nakasulat :MOMMY CONTRACT :Rule #1 Hindi puwedeng mawala.Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.Rule #3 Dapa

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 2 : The First Breakfast

    "Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 1 : She's Alive

    May mga sugat na kayang tahiin ng doktor.May mga butong kayang ibalik ng panahon.Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters. Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.Magkaibang insidente.Magkaibang panahon.Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsido

  • Ang Misis Kong Astig   Prologue :

    "Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..." Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status