Home / Romance / Ang Misis Kong Astig / Chapter 4 : Welcome Home Margaux!

Share

Chapter 4 : Welcome Home Margaux!

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-10-26 04:47:28

"...Margaux?"

Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa.

"Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.

Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.

Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin.

"Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.

Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan.

"Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.

Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit.

"Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.

Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux.

"Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nitong sabi.

Tumango si Margaux at ngumiti kay Vera.

"Mukhang ikaw ang dapat magkuwento sa akin tungkol sa sarili mo."

Napangiti si Vera. "Ako na bahala doon. Pero huwag kang mag-alala, Ate. Hindi kita hahayaang mag-isa habang inaalala mo ulit ang lahat."

Yumakap si Madeline sa bewang ni Vera.

"Tita Vera, namiss mo rin si Mommy?"

Napangiti si Vera at hinaplos ang ulo ng bata.

"Oo naman. Araw-araw, wala akong kaaway eh!" biro nito. "Akala ko talaga... hindi ko na siya makikita." natawa ng mahina.

Napayuko si Margaux. "Pasensya na..."

Umiling agad si Vera. "Huwag kang humingi ng sorry.Hindi mo naman ginustong mangyari 'to."

Pinagmamasdan ni Rayver ang magkapatid.

Napatingin si Vera kay Rayver na nakaupo sa wheelchair. Tumango lang si Rayver dito, pero hindi kababakasan ng kahit anong emosyon.

Napangiti si Vera at tumayo. Napansin ni Vera ang wheelchair ni Rayver at ang ayos ni Rayver na parang pagod sa biyahe.

"Kuya Rayver... buti nakasama kayo sa mall. Akala ko busy kayo sa Montemayor Group," sabi ni Vera.

"Family comes first," sagot ni Rayver.

Napangiti si Vera at napatingin kay Margaux.

"Hindi iyan ang sinasabi ni Ate Margaux noon ah. Dati sabi ni Ate, work comes first lagi," sabi ni Vera na parang nagbibiro pero may pag-obserba.

Napatingin si Margaux kay Vera at agad siyang ngumiti para makalusot.

"Mukhang marami nga akong kailangang ipag-sorry sa mga nasabi ko noon," sagot ni Margaux.

Valid ang sagot dahil may amnesia siya. Hindi na naituloy ni Vera ang pag-uusisa at tumango na lang.

Habang naglalakad silang lahat papunta sa parking lot ng Ayala, nagsalita si Vera habang nasa tabi ni Margaux.

"Daddy at Lola... araw-araw kang hinihintay nila simula nang mawala ka. Si Lola nga halos ayaw nang kumain nung unang buwan," sabi ni Vera.

Huminto sa paglalakad si Margaux at tumingin kay Vera.

"Galit ba sila sa akin?" tanong ni Margaux nang mahina.

Nagulat si Vera sa tanong. "Bakit mo naman naisip iyan, Ate? Hindi sila galit," sagot ni Vera.

Mahina ang ngiti ni Margaux at tumingin sa sahig.

"Kapag may nakalimutan kang tao... nakakatakot isipin na baka nakalimutan ka na rin niya. Baka galit sila kasi hindi ko sila maalala," sagot ni Margaux.

Natahimik si Vera sa sinabi ni Margaux at hindi agad nakasagot.

"Ate... hindi sila galit. Miss ka lang nila," sagot ni Vera at hinawakan ang kamay ni Margaux.

Sa loob ng itim na van, tahimik ang biyahe papunta sa Maria Luisa. Si Madeline nasa kandungan ni Margaux at unti-unti nang nakatulog dahil sa pagod sa mall. Maingat na inayos ni Margaux ang ulo ni Madeline para hindi ito mangawit. Inayos niya ang buhok at nilagyan ng kumot na maliit.

Walang nagsasalita sa van pero pinagmamasdan iyon ni Rayver mula sa tabi. Nakatingin siya kay Margaux kung paano nito alagaan si Madeline nang maingat.

Pagdating sa Villaverde Mansion, pagbukas pa lang ng malaking gate, napasinghap si Margaux nang makita ang mansyon.

"Ang laki..." mahinang bulong ni Margaux habang nakatingin sa puting mansyon na may malawak na hardin.

Tumawa si Madeline na nagising na.

"Mommy! Bahay mo rin 'yan dati! Mayaman ka pala!" sigaw ni Madeline.

Napakamot sa ulo si Margaux at ngumiti.

"Mukhang kailangan ko talagang magpakilala ulit sa sarili ko para maalala ko na mayaman pala ako," sagot ni Margaux.

Pagbukas ng p***o ng mansyon, walang nagsalita agad. Isang matandang babae na naka-puting bestida ang mabilis na lumapit kay Margaux. Hindi ito nagtanong, hindi ito nagsalita. Yumakap agad nang mahigpit.

Si Lola Criselda Villaverde.

Naramdaman ni Margaux ang panginginig ng katawan ng matanda. Napayakap din si Margaux kahit hindi niya kilala ang matanda. Ramdam niyang totoong mahal siya ng matandang ito.

Hinaplos ni Lola ang buhok ni Margaux.

"Apo ko... nandito ka na," bulong ni Lola.

Ilang segundo pa, dumating si Oliver Villaverde mula sa ikalawang palapag. Naka-polo shirt at mukhang kakagaling lang sa opisina. Tahimik lang siyang tumingin sa anak niya na si Margaux.

Pagkatapos ng ilang segundo, lumapit siya at mahigpit na niyakap si Margaux.

"Welcome home," sabi ni Oliver. Dalawang salita lang pero basag ang boses at ramdam ang bigat.

Naluha si Margaux sa yakap ni Oliver. Hindi dahil may naalala siya sa nakaraan, kundi dahil sa pakiramdam na may isang ama na matagal nang naghihintay at nag-aalala sa kanya.

Sa likod ng sala, umiinom ng tsaa si Lucy Tan na stepmother ni Margaux, katabi niya si Vera. Hindi siya lumapit kay Margaux, hindi siya yumakap, at hindi siya nagsalita para bumati.

Isang beses lang niyang tiningnan si Margaux mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa tasa ng tsaa niya na parang walang nangyari.

Napansin iyon ni Margaux habang yakap pa rin ni Lola Criselda. Pero wala siyang sinabi at ngumiti lang.

Walang makapagsalita sa Villaverde Mansion. Lahat nakatingin kay Margaux na nasa gitna.

Unang bumasag sa katahimikan ay si Lola Criselda at hinawakan ang kamay ni Margaux.

"Halika, apo. May gusto akong ipakita sa'yo," sabi ni Lola.

Hinila ni Lola si Margaux papunta sa ikalawang palapag. Sumunod si Oliver at si Vera. Naiwan sa sala si Lucy.

Huminto sila sa harap ng isang lumang puting p***o na may gintong door knob.

Dahan-dahang binuksan ni Lola Criselda ang p***o.

Nasa loob ang isang silid na eksaktong-eksakto pa rin ang ayos. May malaking kama, may vanity table, may mga larawan sa dingding, at may mga damit na nakahangga. Walang alikabok, malinis, at parang kahapon lang may natulog doon.

Silid ito ni Margaux Villaverde.

Mahinang ngumiti ang matanda kay Margaux habang hawak pa rin ang kamay niya.

"Tingnan natin... kung may maaalala ka apo ko"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 5 : The Diary

    Marahang itinulak ni Lola Criselda ang puting pinto ng kwarto. Huminto si Margaux sa mismong entrada at hindi agad pumasok. Parang may kung anong bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa loob.Malinis ang bawat sulok ng silid. May malaking puting kama sa gitna na may apat na unan at may kulay beige na kumot. Sa kanan ay may walk-in closet na may salamin na pinto. Sa kaliwa ay may vanity table na punong-puno ng mamahaling pabango, skin care, at make-up na maayos na nakahilera. May bookshelf na maayos ang pagkakaayos ng mga libro ayon sa kulay. May mga framed photographs sa dingding na puro si Margaux lang mag-isa.At sa ibabaw ng kama, nakahiga pa rin ang paboritong stuffed bear ni Margaux na kulay brown. Parang kahapon lang siya umalis at babalik din agad."Dahil..." mahinang sabi ni Lola Criselda habang nakatingin sa loob ng kwarto. "Umaasa akong isang araw, bubuksan mo ulit ang pintong ito at papasok ka na parang walang nangyari."Napalingon si Margaux kay Lola. Hindi na napigilan

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 4 : Welcome Home Margaux!

    "...Margaux?"Humakbang pa ang babae nang isang hakbang palapit kay Margaux sa gitna ng Ayala Center Cebu. Naka-red dress, may mamahaling handbag, at halatang nagulat nang makita siya. Tinitigan niya si Margaux mula ulo hanggang paa."Ikaw nga? Buhay ka?" tanong ng babae na nangingilid ang luha.Hindi agad nakasagot si Margaux. Saglit niyang tiningnan ang mukha ng babae. May pakiramdam siya na dapat kilala niya ito. Pamilyar ang mata, pamilyar ang ngiti, pero blangko ang isip niya.Ngumiti siya nang bahagya at may paghingi ng paumanhin."Pasensya na... pakiramdam ko kilala kita... pero hindi kita maalala," sabi ni Margaux.Nawala ang ngiti sa labi ng babae. Parang nasaktan."Ako si Vera, kapatid mong bunso.," sabi ni Vera.Walang nagsalita nang ilang segundo sa harap ng boutique. Tumango lang si Margaux at ngumiti ulit."Mukhang marami pa akong kailangang bawiin sa inyo," sabi ni Margaux.Lumapit si Madeline at hinawakan ang kamay ni Margaux."Mommy... si Tita Vera 'yan." magiliw nito

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 3 : Mommy Upgrade

    "Mommy! Bawal lumabas!"Napalingon si Margaux nang marinig ang sigaw ni Madeline mula sa hallway.Pagkabukas niya ng pinto ng master's bedroom, nadatnan niyang nakatayo ang limang taong gulang sa harap ng pintuan habang naka-ekis ang dalawang kamay.Sa paanan nito ay may tatlong teddy bear, dalawang unan, at isang maliit na pink na upuan.Parang gumawa ng barricade.Napakunot-noo si Margaux. "Anong ginagawa mo,baby?""Security checkpoint.""...Ha?" naguguluhan niyang tanong."Hindi ka puwedeng lumabas mommy." seryosong mukha ng bata ."Bakit naman?" ginulo nito ang buhok niya at natawa."Kasi baka mawala ka na naman." may lungkot sa maliit nitang tinig.Parang may kumirot sa dibdib ni Margaux "Madeline...""Hindi kita palalabasin mommy hangga't hindi ka pumipirma." nakausli nag nguso nito."Pipirma saan?"Inilabas ni Madeline ang isang bond paper na puno ng crayons. Malaki ang nakasulat :MOMMY CONTRACT :Rule #1 Hindi puwedeng mawala.Rule #2 Dapat yayakap bago umalis.Rule #3 Dapa

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 2 : The First Breakfast

    "Mommy... gising na. Sabi ni Daddy, eight o'clock daw ang breakfast."Nagising si Margaux dahil sa maliit na kamay na humihila sa kumot niya. Maliwanag na sa labas ng malaking bintana ng master's bedroom sa Montemayor Mansion. Kita ang buong Cebu City at ang linya ng CCLEX sa malayo.Nakaupo si Madeline Montemayor sa gilid ng kama. Naka-pink pajama pa at hawak ang maliit na teddy bear niya. Nakatingin kay Margaux na parang natatakot na mawala ulit."Mommy... akala ko aalis ka na naman," sabi ni Madeline, ang cute at maliit ang boses.Umupo si Margaux at hinaplos ang buhok ni Madeline."Hindi nuh, nangako ako sa'yo kagabi, hindi ba?" sagot ni Margaux.Ngumiti si Madeline nang bahagya."Promise?" tanong ni Madeline."Promise, hindi ako aalis," sagot ni Margaux at niyakap si Madeline.Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Rosing na may dalang ilang damit na nakahangga."Ma'am, magandang umaga po. Alin po ang gusto ninyong isuot para sa almusal?" tanong ni Manang Rosing.Napatulala si Ma

  • Ang Misis Kong Astig   Chapter 1 : She's Alive

    May mga sugat na kayang tahiin ng doktor.May mga butong kayang ibalik ng panahon.Pero may mga tanong na kahit ilang ulit mong balikan, wala pa ding makuhang tamang sagot.Nakatanaw ang nakaupo sa wheelchair na si Rayver Montemayor sa malawak na salaming bintana ng executive boardroom ng Montemayor Group Headquarters. Sa ibaba, tuloy ang ikot ng Cebu Business Park—may mga negosyanteng nagmamadali sa meeting, empleyadong bitbit ang kape, at mga sasakyang walang pakialam sa problemang pasan ng ibang tao.Isang taon na ang nakalipas mula nang magising siyang hindi na muling makakatayo sa sarili niyang mga paa dahil sa isang aksidente.Dalawang buwan na rin mula nang maaksidente ang asawa niya.Magkaibang insidente.Magkaibang panahon.Habang mas binubuo niya ang bawat detalye sa isip, mas lalo niyang naiisip kung sapat bang tawaging pagkakataon ang dalawang trahedyang dumaan sa iisang pamilya.Hindi pa siya naniniwalang may taong may kagagawan.Pero mas lalong hindi rin siya kumbinsido

  • Ang Misis Kong Astig   Prologue :

    "Harriet... tulungan mo ako... papatayin nila ako..." Nanginginig ang kamay ni Harriet Villaverde habang hawak niya ang cellphone. Basang-basa pa ng pawis ang itim niyang tactical suit galing sa labing-anim na oras na operasyon kontra gun-running syndicate. May mantsa pa ng dugo sa manggas niya. "Margaux? Ano nangyayari sayo? Nasaan ka ngayon?" Mabilis siyang lumabas ng briefing room ng safehouse nila, hindi na pinansin ang mga operatiba na nakatingin sa kanya. "May sumusunod sa akin... Harriet... hindi ko na alam gagawin ko..." Umiiyak ang boses ni Margaux sa kabilang linya, halos hindi na makahinga. Alam ni Harriet na hindi ganito ang kambal niya. Oo maarte si Margaux, pero hindi siya yung tipong nagpapanic nang walang dahilan. "Makinig ka sa akin. I-send mo sa akin ang location mo. I-share mo ngayon din," utos ni Harriet, pilit pinapakalma ang boses. Walang sagot, mabilis lang ang hinga ni Margaux na rinig na rinig niya. Tapos biglang may malakas na busina ng truck. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status