“Tagay na, Christine!”Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso.Okay, kaunti lang.“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”“Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.”Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usa
Last Updated : 2026-10-30 Read more