LOGIN“Kung gano’n, kilala mo ako?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Nakangiting lumapit siya sa akin. “Of course, Ms. Gomez. You’re my employee. Kilala ko ang lahat ng empleyado ko.”
“At hindi mo man lang ako sinabihan?”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, fine. I admit that I was wrong for not telling you na kilala kita... at ako ang boss mo.” Bahagya siyang yumuko habang nakatingin sa akin. “But it isn’t my fault na nangyari ang nangyari, right?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ba naman kasi ang may kasalanan na ilagay mo ’yung chocolate na ’yon sa tabi ng pagkain na inihanda mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang kakainin ko lang ay ’yung nasa plato at hindi lahat ng nasa table.”
“At hindi ko rin kasalanan na nagtulog-tulugan ka, kaya hindi mo nakita kung ano ang tinutukoy ko.”
“Mas hindi ko kasalanan na matakot dahil nagising na lang ako na nasa kwarto ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung inabuso ba ang kalasingan ko o hindi.”
“Well, hindi ko kasalanan na nalasing ka.”
“Mas hindi ko kasalanan na nagkaroon ka ng manager sa kumpanya mo na kasing gago ni Mr. Lopez.”
Doon siya tuluyang natigilan. Napakunot ang noo niya at nagbago ang ekspresyon ng mukha.
“What did you just say?” seryoso niyang tanong. “Manager?”
“I’m talking about Mr. Lopez.”
“Alam mo ba na pinsan ko ang tinutukoy mo?”
Ini-cross ko ang mga braso ko at diretso ko siyang tiningnan. “I know. Kaya nga inaabuso ng magaling mong pinsan ’yang koneksiyon niya sa’yo. Ginagamit niya ’yon para manindak at manakit ng mga taong mas mahina kaysa sa kanya. Taong tulad ko.”
Bahagyang bumuka ang labi niya. “What? Can you... enlighten me?”
Halata sa mukha niyang hindi siya makapaniwala. Siguro sa paningin niya, mabait at maaasahan ang pinsan niya. Hindi ko alam kung ano ang ipinapakita ni Lopez sa pamilya niya, pero ibang-iba ang taong nakikita namin sa kumpanya.
“Siya lang naman ang nag-utos sa mga katrabaho ko na pilit ipainom sa akin ang alak,” diretso kong sagot. “Kahit na sinabi ko nang ayaw kong uminom. Pinagtulungan nila ako hanggang sa malasing ako. At ang magaling mong pinsan ang may pakana. Okay na?”
Hindi agad siya nakasagot. Ilang segundo siyang tahimik bago muling nagsalita. “And what about Ace?”
“Ah, si Ace?” Napairap ako nang maalala ko ang mukha niya. “’Yung manyakis na ’yon? Lasing na ako kagabi at hilong-hilo dahil ilang shots ang pilit nilang ipinainom sa akin. Nag-spin the bottle sila at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang, hinila na ako ni Ace papunta sa isang kwarto.”
“I-I’m so... sorry. I didn’t know that.”
“At ano naman ang gagawin mo kung nalaman mo nang mas maaga?” sarkastiko kong tanong. “Sigurado namang magpapalason ka rin sa pinsan mo. Pamilya mo pa rin ’yon.”
“No, that’s not true, okay?”
“Talaga?”
“Ayaw mo maniwala?”
Nagkibit-balikat ako habang nakakrus pa rin ang mga braso ko. Sa halip na sagutin siya, naupo ako sa sofa at komportableng sumandal. “Prove it.”
Napatingin siya sa akin. “What?”
“Prove it.” Ibinigay ko sa kanya ang pinakamalamig kong tingin. “Kung hindi mo talaga alam at hindi mo kinukunsinti ang ginawa ng pinsan mo, patunayan mo.”
Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya napabuntong-hininga. “Okay, fine. I’ll prove it.”
Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at naglakad papunta sa malaking bintana.
Habang nakatalikod siya sa akin, nag-dial siya ng isang numero. Ilang segundo lamang ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya.
“Fire my cousin. And do not let him set foot in my company again.”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inasahan na ganoon kabilis ang magiging desisyon niya. Akala ko kailangan ko pa siyang kumbinsihin o ipaliwanag nang paulit-ulit ang nangyari, pero isang sabi ko lang at agad niyang pinutol ang koneksiyon ng pinsan niya sa kumpanya.
Akala ko tapos na, pero muli siyang nagsalita.
“And Ace. Fire him.”
Halos mapanganga ako.
Ilang segundo pa siyang nakinig sa kausap niya bago niya tuluyang ibaba ang tawag.
Pagkatapos ay humarap siya sa akin at ibinalik ang cellphone sa bulsa niya. Naglakad siya palapit sa akin at bahagyang yumuko para pumantay ang mukha niya sa akin. Tinitigan ko siya, sinusubukan pa ring intindihin kung bakit parang normal lang sa kanya ang lahat ng nangyari. Ako mismo, hindi ko pa rin ma-process na ang lalaking kasama ko kagabi ay siya ang boss ko.
“Can we eat now?” tanong niya.
Napakunot ang noo ko. “E-eat? Iyan lang ba ang dahilan kung bakit mo ako ipinatawag?”
“What else for?” Bahagya siyang ngumiti. “Nilayasan mo ako bigla pagkatapos ng lahat. Hindi mo rin kinain yung pagkain na inihanda ko. So I thought baka hindi mo nagustuhan.”
Inabot niya ang kamay niya sa akin. “Let’s go?”
Hindi ko mapigilang mapakagat ang labi para pigilan ang ngiti.
“Don’t bite those lips of yours.”
Mabilis kong tinanggal ang pagkakakagat ko sa labi. Naalala ko na ito nga pala ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpigil.
Pagkatapos naming kumain, inanyayahan niya ako sa veranda. May nakahanda na namang pagkain doon, pero this time, panghimagas na lang. May tea at chocolates na nakalagay sa maliit na mesa.
Napatingin ako sa chocolates bago ako napatingin sa kanya. “Hindi naman ito…”
“Don’t worry,” agad niyang sabi. “Wala na iyang epektong tulad ng Maca Chocolate.”
“Good.”
Umupo ako at kumuha ng tsaa. Hindi pa siya nakakahigop nang maayos nang mauna na akong magsalita. “So, ano ba talaga ang sasabihin mo?”
Napahinto siya at sandaling nag-isip. “I don’t know how to say it properly. Pero susubukan ko in a way na hindi awkward pero malinaw.”
“Tama. Kasi kung paikot-ikot ka pa, baka mainip ako at layasan ka.”
Tumikhim siya bago muling magsalita. “Dumating ang parents ko kasama ng lola ko galing sa States and…”
“And?”
“They saw your… umh… your…”
“My what?”
“Your…”
Napakunot ang noo ko. “Feeling ko magsalita ka na. Dahil kung hindi, ihuhulog kita dito sa veranda ng penthouse mo.”
Napatingin siya sa akin. “Okay. Okay. Can you calm down?”
“Hindi ko kasi alam kung kinakabahan ka lang o sadyang nalunok mo na nang buo yung dila mo, eh.”
“Okay.” Bumuntong-hininga siya bago tuluyang magsalita. “They saw your underwear in my room. And yes, they saw the name on it.”
“Sus, pinasosyal mo pa na underwear. Pwede namang panty—” Napahinto ako nang maproseso ko ang sinabi niya. “Wait. Panty ko?!”
“Can you lower your voice?”
“Aba, kasalanan ko ba na tinanggalan mo ako ng underwear?”
“Kasalanan ko ba na hindi mo isinuot?”
Napairap ako. “Dinaganan mo kasi kanina kaya hindi ko na kinuha, okay?”
“Bakit naman hindi ko tatanggalin ang panty mo? Saan ko ipapasok? Sa bibig mo?”
Napabuga ako ng tsaa at mabilis na napatingin sa kanya. “Ano naman kung nakita nila? Ano ka dalagang na-virginan?”
“They want to see the owner of that panty at the ball tomorrow. In short, you.”
Napatingin ako sa kanya. “Ayoko. Labas na ito sa business matter. Kaya kung hindi valid ang reason mo, hindi ako pupunta sa party na 'yan.”
“Kailangan mong pumunta dahil ipinakilala na kitang girlfriend ko sa kanila.”
Napatingin ako sa kanya nang matagal. “What?!”
“Girlfriend.”
“Alam ko kung ano ang girlfriend!” Napailing ako. “Ang tanong ko, bakit mo ako ipinakilala bilang girlfriend mo?”
“Because that's what they think you are. Kaya sa ayaw mo at sa hindi, kailangan mong pumunta. Kung hindi, sigurado ako na kahit nasaan ka pa, sila mismo ang hahanap sa iyo.”
Hindi ko napigilang matawa. Pero mukhang seryoso talaga siya.
“I’m serious,” dagdag niya. “At bakit ba ayaw mo pa? Ako na nga ito, o.”
Inirapan ko siya. “May pinagmanahan nga ang pinsan mo ng pagiging mahangin.”
“Alam mo, kung tungkol sa panty ko lang pala ang sasabihin mo, aalis na ako.”
Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo.
“I will fire you.”
Huminto ako saglit, pero hindi ako lumingon. “Okay lang.”
“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng pinto.“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sina
“Kung gano’n, kilala mo ako?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Nakangiting lumapit siya sa akin. “Of course, Ms. Gomez. You’re my employee. Kilala ko ang lahat ng empleyado ko.”“At hindi mo man lang ako sinabihan?”Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, fine. I admit that I was wrong for not telling you na kilala kita... at ako ang boss mo.” Bahagya siyang yumuko habang nakatingin sa akin. “But it isn’t my fault na nangyari ang nangyari, right?”Tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ba naman kasi ang may kasalanan na ilagay mo ’yung chocolate na ’yon sa tabi ng pagkain na inihanda mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang kakainin ko lang ay ’yung nasa plato at hindi lahat ng nasa table.”“At hindi ko rin kasalanan na nagtulog-tulugan ka, kaya hindi mo nakita kung ano ang tinutukoy ko.”“Mas hindi ko kasalanan na matakot dahil nagising na lang ako na nasa kwarto ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung inabuso ba ang kalasingan ko o hindi.”“Well,
Nagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Nang tuluyan akong magmulat, agad kong napansin ang isang estrangherong lalaki na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako nang mariin habang pinipigilan ang sarili kong mapamura nang malakas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, iiyak, o magpapanggap na hindi nangyari ang lahat.Mabilis akong kumilos, pero maingat akong bumangon para hindi magising ang lalaking natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis nang tahimik bago ko isa-isang kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa. Nang makasiguro akong mahimbing pa rin ang tulog niya, agad akong lumabas ng silid at tuluyang umalis sa hotel nang hindi niya namamalayan.Sumakay agad ako ng taxi at nagpasya akong umuwi sa apartment. Siguro mas mabuting mag-absent muna ako sa trabaho ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang utak ko bago humarap sa mga katrabaho kong siguradong
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi. Habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko, saka ko napansin na hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama.Agad akong kinabahan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis akong humiga ulit at pumikit, nagpapanggap na tulog habang pinipilit kong huwag gumalaw.Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Ilang sandali akong hindi gumalaw hanggang sa naamoy ko ang pabangong suot niya. Mas lalo akong kinabahan nang mapagtanto kong lalaki ang kasama ko.Teka... did I sleep in a man's bed? Shit. Ano bang nangyari sa akin kagabi?“I know you're awake. Eat the food on the table.”Iyon lamang ang sinabi niya bago tumayo.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Sinigurado ko munang wala na siya bago ako tuluyang bumangon. Napahawak ako sa noo ko habang pilit na inaalala ang lahat.Sino nga ba iyon? Si Ace? Kaya ayaw kong uminom, e. Shit talaga.Pero hindi ganoon ang pabango ng manyakis na iyon, gayu
“Tagay na, Christine!”Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso.Okay, kaunti lang.“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”“Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.”Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usa







