LOGIN“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng p***o.
“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”
“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”
“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”
“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”
“Bakit? Ano ba iyon?”
“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”
Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sinabi ko. Pagkatapos, bigla siyang napamura at natawa. “What the fuck?!”
Baliw ba ’to?
“Baliw ka ba? Nai-stress na nga ang tao, natutuwa ka pa diyan.”
“Bro, you just fucked your boss. Tapos ipinakilala ka pa niya bilang girlfriend. And now, gusto ka makita ng parents at lola niya.” Umiling siya habang natatawa pa rin. “Ikaw na mismo ang nagsabi, di ba? He’s an all-in-one man. Ano pa’ng iniinarte mo?”
“E kasi…” Napabuntong-hininga ako. “Sabagay, may point ka naman. Pero hindi ko kasi alam ang gagawin ko. I mean, oo, given na all-in-one type siya. Pero wala naman akong feelings para sa lalaking iyon. Ano’ng gagawin ko? Paniguradong kapag nakita na ako ng parents niya pati ng lola niya, engagement na ang susunod. Tapos kasal. Gets mo naman, di ba?”
Biglang lumumbay ang mukha niya. “Alam mo, ang advance mong mag-isip, pero may point ka naman.”
“Exactly. Kaya nga ako nabu—”
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa p***o. Napatingin kaming dalawa sa isa’t isa.
“May inaasahan ka bang bisita ngayon?” tanong ko.
“Wala naman.”
“Check mo nga.”
Tumayo si Jessica at lumapit sa p***o. “Sino po sila?”
“Narito ba si Christine Jade Gomez?” tanong ng isang matandang babae mula sa labas.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang nasa labas, may kutob na ako kung sino iyon.
“N-narito po siya. Pasok po kayo,” sagot ni Jessica habang binubuksan ang p***o. “Pasensiya na po, medyo magulo.”
“Ayos lang, iha,” sagot ng isang babaeng medyo may edad na.
“Christine,” tawag ng matandang babae.
Hindi ako gumalaw.
“Christine,” ulit niya. “Ikaw ba si Christine? Ang girlfriend ng apo ko?”
Napilitan akong tumayo. Wala na rin naman akong ibang pagpipilian. Lumapit ako sa kanila at pinilit kong ngumiti bago magpakilala. “Christine Jade Gomez po.”
Sandaling natahimik ang dalawang babae. Pagkatapos, ngumiti ang matanda at ang mommy ni Mr. Montevierra.
“Ang ganda mo pala,” sabi ng lola niya.
Mas lalo akong nahiya. “Ay, hindi naman po. Pero thank you po.”
“Bakit ayaw mong pumunta sa ball mamaya?” tanong naman ng mommy niya.
Hindi ko naman puwedeng sabihin ang totoong dahilan. Hindi ko puwedeng sabihin na nagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali at isang gabing hindi ko inasahang mauuwi sa ganitong pangyayari.
Bwisit kasi ’yung panty na ’yon. Bakit ko pa kasi iniwan?
“Kung ang isusuot ang iniisip mo, hindi mo na iyon dapat problemahin,” sabi niya. “Nang malaman naming may girlfriend ang anak ko, inayos na namin agad ang appointment ng mga mag-aayos sa’yo. Hindi naman namin puwedeng pabayaan ang future Mrs. Montevierra, lalo na kung may dapat panagutan ang iho ko.”
Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti.
Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Ang babait nila, at wala naman akong sapat na dahilan para bastusin sila o biguin sa unang pagkikita namin. Ang problema lang, parang masyadong mabilis ang lahat.
“So, pupunta ka ba?” tanong niya. “Ayaw ka naman naming pilitin.”
“Pupunta po siya, hindi ba, Christine?” singit agad ni Jessica habang sinisiko ako.
“O-opo.”
“That’s good!” Masayang ngumiti ang mommy niya. “So, let’s go then.”
“P-po? Akala ko bukas pa.”
“Mas pinaaga namin. Hindi na kasi kami makapaghintay na makilala ka. Ayaw ka sa amin iharap ni Xian, kaya kami na mismo ang pumunta. Pakiramdam namin, pinagdadamutan niya kami ng karapatan na makita ang manugang ko.”
“Manugang?” Napalunok ako.
“Sige na, Christine. For sure mag-e-enjoy ka,” dagdag ni Jessica, na halatang natutuwa sa nangyayari.
“Just her? Oh, no.” Napatingin ang mommy ni Xian kay Jessica. “You will go with her para naman mas maging komportable siya.”
“P-po?”
“The more, the merrier, tama?”
“Tama,” mabilis na sagot ng lola niya. “Kaya tara na.”
Sakay ng isang itim na Rolls-Royce, nagdiretso kami sa isang villa. Sa likurang bahagi kami dumaan dahil ayon sa kanila, hindi raw muna ako puwedeng makita ng mga bisita.
Magkahiwalay kami ng dressing area ni Jessica, kaya naiwan akong mag-isa kasama ang mga naghahanda sa akin.
Nang matapos na ang lahat, saka lang ako pinaharap sa salamin. Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ang sarili ko.
Nakasuot ako ng rose gold na dress na punong-puno ng maliliit na palamuti. Medyo mababa ang neckline nito at hapit sa katawan, habang bagsak naman ang laylayan at may slit sa kanang hita. May ilang tali rin sa likuran na may nakakabit na mga diyamante. Ang buhok ko ay nakakulot at nakataas, pero may ilang hiblang hinayaang nakalaylay sa gilid ng mukha ko.
Ginamit ko rin ang silver handbag na ibinigay sa akin ng mommy ni Xian. Bagay iyon sa damit ko, pati na rin ang stiletto na may mga diyamanteng nakalagay.
Paglabas ko ng dressing area, dumiretso ako sa hagdan. Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may lumapit sa akin. Si Xian iyon.
Kinuha niya ang kamay ko at isinukbit iyon sa braso niya bago ako tuluyang magsalita.
“Hold me tight.” Kumindat siya. “You don’t want to slip, do you?”
“O-okay.”
Napilitan akong kumapit sa braso niya habang sabay kaming naglalakad pababa. Halos lahat ng naroon ay nakatingin sa amin, at hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin.
“You look beautiful,” bulong niya.
Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko. “T-thanks.”
Hindi na siya sumagot. Ngumiti lamang siya habang patuloy kaming bumababa.
Nang tuluyan na kaming makababa, biglang namatay ang lahat ng ilaw. Nanatili lamang ang ilaw na nakatutok sa kinaroroonan naming dalawa.
Doon ko mas naramdaman ang kaba dahil parang may mali.
“Everyone, I want you to witness this moment.” Umalingawngaw ang boses ni Xian sa buong lugar.
“Alam kong biglaan ang lahat ng revelation na ito, but now…” Huminto siya at tumingin sa akin. “The girl standing beside me is my girlfriend.”
Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang maliit na kahon. Nang buksan niya iyon, nakita ko ang singsing na halos kapareho ng disenyo ng kuwintas na ibinigay sa akin kanina ng mommy niya.
“Will you…” Huminga siya nang malalim bago tuluyang magsalita. “Marry me, Christine Jade Gomez?”
“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng pinto.“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sina
“Kung gano’n, kilala mo ako?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Nakangiting lumapit siya sa akin. “Of course, Ms. Gomez. You’re my employee. Kilala ko ang lahat ng empleyado ko.”“At hindi mo man lang ako sinabihan?”Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, fine. I admit that I was wrong for not telling you na kilala kita... at ako ang boss mo.” Bahagya siyang yumuko habang nakatingin sa akin. “But it isn’t my fault na nangyari ang nangyari, right?”Tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ba naman kasi ang may kasalanan na ilagay mo ’yung chocolate na ’yon sa tabi ng pagkain na inihanda mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang kakainin ko lang ay ’yung nasa plato at hindi lahat ng nasa table.”“At hindi ko rin kasalanan na nagtulog-tulugan ka, kaya hindi mo nakita kung ano ang tinutukoy ko.”“Mas hindi ko kasalanan na matakot dahil nagising na lang ako na nasa kwarto ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung inabuso ba ang kalasingan ko o hindi.”“Well,
Nagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Nang tuluyan akong magmulat, agad kong napansin ang isang estrangherong lalaki na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako nang mariin habang pinipigilan ang sarili kong mapamura nang malakas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, iiyak, o magpapanggap na hindi nangyari ang lahat.Mabilis akong kumilos, pero maingat akong bumangon para hindi magising ang lalaking natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis nang tahimik bago ko isa-isang kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa. Nang makasiguro akong mahimbing pa rin ang tulog niya, agad akong lumabas ng silid at tuluyang umalis sa hotel nang hindi niya namamalayan.Sumakay agad ako ng taxi at nagpasya akong umuwi sa apartment. Siguro mas mabuting mag-absent muna ako sa trabaho ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang utak ko bago humarap sa mga katrabaho kong siguradong
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi. Habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko, saka ko napansin na hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama.Agad akong kinabahan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis akong humiga ulit at pumikit, nagpapanggap na tulog habang pinipilit kong huwag gumalaw.Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Ilang sandali akong hindi gumalaw hanggang sa naamoy ko ang pabangong suot niya. Mas lalo akong kinabahan nang mapagtanto kong lalaki ang kasama ko.Teka... did I sleep in a man's bed? Shit. Ano bang nangyari sa akin kagabi?“I know you're awake. Eat the food on the table.”Iyon lamang ang sinabi niya bago tumayo.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Sinigurado ko munang wala na siya bago ako tuluyang bumangon. Napahawak ako sa noo ko habang pilit na inaalala ang lahat.Sino nga ba iyon? Si Ace? Kaya ayaw kong uminom, e. Shit talaga.Pero hindi ganoon ang pabango ng manyakis na iyon, gayu
“Tagay na, Christine!”Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso.Okay, kaunti lang.“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”“Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.”Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usa







