LOGINNagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Nang tuluyan akong magmulat, agad kong napansin ang isang estrangherong lalaki na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako nang mariin habang pinipigilan ang sarili kong mapamura nang malakas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, iiyak, o magpapanggap na hindi nangyari ang lahat.
Mabilis akong kumilos, pero maingat akong bumangon para hindi magising ang lalaking natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis nang tahimik bago ko isa-isang kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa. Nang makasiguro akong mahimbing pa rin ang tulog niya, agad akong lumabas ng silid at tuluyang umalis sa hotel nang hindi niya namamalayan.
Sumakay agad ako ng taxi at nagpasya akong umuwi sa apartment. Siguro mas mabuting mag-absent muna ako sa trabaho ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang utak ko bago humarap sa mga katrabaho kong siguradong walang ibang gagawin kundi usisain kung saan ako napunta.
Pagdating ko sa apartment, halos hindi pa ako nakakahakbang nang maayos sa loob nang agad akong salubungin ni Jessica.
“Christine? Saan ka nanggaling?” bungad niya. “Sabi ng mga katrabaho mo, nawala ka na lang daw bigla kagabi.”
“Puwede bang bigyan mo muna ako ng makakain?” tanong ko habang ibinabagsak ang bag ko sa sofa. “Gutom na kasi ako.”
“Okay, wait. Sakto, gagawa ako ng egg sandwich.”
Habang abala siya sa kusina, naupo ako sa mesa at tahimik na pinilit kong huwag nang isipin ang nangyari kagabi. Maya-maya lamang ay inilapag niya sa harap ko ang isang egg sandwich at isang tasa ng mainit na kape. Umupo siya sa tabi ko at ilang segundo akong tinitigan mula ulo hanggang paa.
“What?” tanong ko.
“Wala lang.” Bahagya siyang napangiwi habang tinitingnan ang buhok ko. “Para ka kasing nakipagbuno sa sampung kabayo dahil sa buhok mo. Saan ka ba galing?”
Napahawak ako sa ulo ko at napangiwi. “Masakit pa nga ulo ko, e. Para akong binalbal.”
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “Ms. Gomez, huwag mo nga baguhin ang topic. Yung totoo? Saan ka galing?”
Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot. “Gusto mo talagang malaman?”
“Oo naman. Kaya nga nagtatanong ako sa'yo, di ba?” Pilyong itinaas niya ang magkabilang kilay. “Dali. Ikuwento mo sa akin kung anong misteryo ang naganap sa buhay mo buong gabi.”
Hindi ko napigilang matawa sa hitsura niya.
“Nalasing ako kagabi.”
Agad siyang napatingin sa akin. “Nalasing? Di ba hindi ka naman umiinom?”
“Hindi nga. Pinilit nila ako. Wala na akong nagawa kasi ang manager namin ang may pakana.”
“MGA SIRAULO talaga ang mga 'yon.” Halata ang inis sa mukha niya habang inilapag niya ang hawak niyang tasa. “Huwag ko lang talaga silang makikita.”
“So, ayon nga. Nalasing ako. Dadalhin na sana ako ni Ace sa isang kwarto para, alam mo na...” Huminto ako sandali bago ako nagpatuloy. “But I refused. Hilong-hilo na talaga ako noong time na iyon kaya wala na rin akong laban.”
“Yung manyakis na iyon?” Nanlaki ang mga mata niya. “Aba, loko 'yon ah. Libog na libog, a****a.”
“But luckily, may lalaking dumating.” Kumuha ako ng kagat sa sandwich bago ako nagpatuloy. “Nawalan na ako ng malay noon. Tapos madaling-araw, naalimpungatan ako. I woke up in a stranger's bed.”
Biglang nanlaki ang mga mata niya. “Teka...” Unti-unting lumawak ang ngiti niya. “Don't tell me... yung Bataan?”
Napayuko ako at napabuntong-hininga. “Okay naman.”
“GOOD!” Halos mapalakpak siya. “Tapos? Pogi ba? Mayaman?”
“I guess he's all that.” Nag-isip ako sandali. “Pogi, mayaman, maganda ang katawan, gentleman—”
“Maganda ang katawan?” Agad siyang napasigaw. “It means nakita mo?!”
“Well, ipinaghain niya ako ng food.” Kumuha ulit ako ng sandwich. “And accidentally, I ate a chocolate na hindi naman dapat. Sabi niya, Maca Chocolate daw iyon. And I don't even know kung ano 'yon.”
Bigla akong hinampas ni Jessica sa braso. “Siraulo kang babae ka! Maca Chocolate? Seryoso ka ba?”
“Eh hindi ko naman kasi alam 'yon, okay?” depensa ko. “Isa pa, malay ko ba na hindi pala 'yon kasama sa food na inihanda niya sa akin?”
“Kung kinain mo iyon...” Biglang nagbago ang mukha niya. “Ibig sabihin...”
“Okay, ito na nga. Ikukuwento ko na sa'yo.” Napabuntong-hininga ako bago ako nagpatuloy.
“Nang makita niyang kinakain ko iyon, gusto niyang kunin sa akin. Eh ayaw ko namang ibigay. Isinubo ko pa sa kanya 'yung natitira kasi ang kulit niya. Ang damot-damot.”
“Jusko ka!”
“I know, okay?” Napailing ako. “Kaya nga doon ko na lang din na-realize kung ano pala 'yon. Hindi na namin nakontrol pareho. And then...”
“And then?” Halos hindi na makapaghintay si Jessica.
Napatingin ako sa kanya nang diretso bago ko ibinaba ang sandwich. “Nasakop na yung Bataan.”
Walang tigil niya akong pinaghahampas ng unan. “Jusko naman, Christine!”
“Kalma! Kalma lang!”
Matapos akong bugbugin nang ilang beses gamit ang unan, bigla siyang tumigil at inayos ang buhok niya. “Pero okay na rin. Sabi mo nga, nasa kanya naman na lahat.”
“Jessica!”
“Ano?” Nakangisi siya. “Ang kaso, obvious na m*****g yung lalaki na 'yon kasi may Maca Chocolate siya. O baka naman babaero.”
“Masarap naman.”
Biglang nanlaki ang mga mata niya. “Masarap alin?”
“Yung chocolate kasi!”
“Talaga?”
“Oo.”
“At ang laki.”
“Malaki alin?”
“Chocolate nga!” Napakunot-noo ako at tinitigan ko siya. “Ano ba kasi ang nasa isip mo?”
Napakamot siya sa batok at umiwas ng tingin. “W-wala naman. Akala ko kasi...”
“Iyang utak mo, ha!”
Kinuha ko ang unan sa tabi ko at agad ko siyang hinampas. Tumawa siya habang umiiwas.
Matapos ang paghaharutan namin, nagpahinga na ako. Aayain ko sana siyang lumibot muna para makapaglibang, pero may work din siya mamayang tanghali sa café at maaga rin siyang aalis. At tsaka mukhang wala pa ako sa huwisyo para mag-gala at gumawa ng kahit ano dahil ang sakit ng katawan ko.
Habang malalim ang iniisip ko tungkol sa nangyari kagabi, biglang may kumatok sa pintuan. Napakunot ang noo ko dahil wala naman akong hinihintay na bisita.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili bago lumapit sa p***o. Nang buksan ko iyon, bumungad sa akin ang isang lalaking naka-black tuxedo. Maayos ang pagkakaporma niya at seryoso ang mukha, kaya sa unang tingin pa lang ay alam kong hindi siya basta deliveryman.
“Sino po sila?” tanong ko habang bahagyang nakasilip sa likod ng p***o.
“Dito ba nakatira si Ms. Christine Jade Gomez?” pormal niyang tanong.
“Ako ang hinahanap ninyo. Ano po ba ang kailangan ninyo?”
“Pinapasundo po kayo ni Mr. Montevierra.”
Napakunot-noo ako. “Mr. Montevierra? Teka… ’yung may-ari ng Montevierra Group? The Montevierra?”
“Opo.”
“Bakit naman?”
Hindi kaya dahil hindi ako pumasok ngayon sa trabaho? Baka isinumbong na naman ako ng h*******k kong manager.
“Hindi ko po alam, Ma’am,” sagot ng lalaki. “Basta’t ang bilin niya ay huwag kaming aalis nang hindi ka namin kasama.”
Napakamot ako sa ulo. Siya ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Kung talagang kailangan niya akong makausap, mas mabuting sumama na lang ako kaysa lalo pang magkaroon ng problema.
“S-sige. Magbibihis lang ako.”
“Hindi na po.”
Napatingin ako sa kanya. “Ha?”
“Kailangan na po nating bilisan. Ayaw niyang pinaghihintay siya.”
Napatingin ako sa suot ko at saka muling tumingin sa lalaki. “Ha? E, ganito ang suot ko, oh!”
Hindi na siya sumagot.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
Pasalamat talaga siya. Boss ko siya. Kung hindi, baka pinagsaraduhan ko na itong bodyguard niya ng p***o.
Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng apartment bago ako sumakay sa sasakyang naghihintay sa labas.
Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking building. Napatingin ako sa paligid bago muling napakunot ang noo ko. Dito mismo nakatira ang lalaking iyon.
Jusko, Lord. Huwag naman po sana magtagpo pa ang landas naming dalawa.
Sinundan ko na lang ang lalaki palabas ng sasakyan. Nang makarating kami sa pinakataas na floor, halos gusto ko nang umatras.
Napatingin ako sa bodyguard at saka sa p***o. “T-teka. Hindi ka ba mali sa pinuntahan natin?”
Sa halip na sagutin ako, binuksan niya ang p***o at bahagyang tumabi. “Pumasok na po kayo, Ms. Gomez.”
“Ako lang?”
“Opo.”
Pagkasabi niya noon, tuluyan na siyang naiwan sa labas. Napatingin ako sa kanya nang ilang segundo bago ako napabuntong-hininga at tuluyang pumasok.
Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko nang makarinig ako ng kalansing ng mga kagamitan mula sa kusina. Napatingin ako roon at nakita ko ang isang lalaking abala sa paghahanda ng pagkain. Nakatayo siya sa harap ng counter habang inaayos ang ilang pagkain.
Habang pinagmamasdan ko ang lalaki, unti-unti kong naalala ang tindig ng lalaking nakilala ko kagabi.
Hindi puwede.
“Mr. Montevierra?” tawag ko.
Dahan-dahan siyang lumingon. At sa sandaling makita ko nang malinaw ang mukha niya, nanlaki ang mga mata ko.
Halos bumigay ang tuhod ko sa gulat. “Ikaw?!”
Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Yup, it’s me.”
Patay.
“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng pinto.“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”“Bakit? Ano ba iyon?”“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sina
“Kung gano’n, kilala mo ako?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Nakangiting lumapit siya sa akin. “Of course, Ms. Gomez. You’re my employee. Kilala ko ang lahat ng empleyado ko.”“At hindi mo man lang ako sinabihan?”Itinaas niya ang dalawang kamay. “Okay, fine. I admit that I was wrong for not telling you na kilala kita... at ako ang boss mo.” Bahagya siyang yumuko habang nakatingin sa akin. “But it isn’t my fault na nangyari ang nangyari, right?”Tinaasan ko siya ng kilay. “At sino ba naman kasi ang may kasalanan na ilagay mo ’yung chocolate na ’yon sa tabi ng pagkain na inihanda mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin na ang kakainin ko lang ay ’yung nasa plato at hindi lahat ng nasa table.”“At hindi ko rin kasalanan na nagtulog-tulugan ka, kaya hindi mo nakita kung ano ang tinutukoy ko.”“Mas hindi ko kasalanan na matakot dahil nagising na lang ako na nasa kwarto ako ng isang lalaki na hindi ko kilala. Hindi ko nga alam kung inabuso ba ang kalasingan ko o hindi.”“Well,
Nagising ako na parang binalbal sa sobrang sakit ng buong katawan ko. Nang tuluyan akong magmulat, agad kong napansin ang isang estrangherong lalaki na nakahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Napapikit ako nang mariin habang pinipigilan ang sarili kong mapamura nang malakas. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, iiyak, o magpapanggap na hindi nangyari ang lahat.Mabilis akong kumilos, pero maingat akong bumangon para hindi magising ang lalaking natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis nang tahimik bago ko isa-isang kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa. Nang makasiguro akong mahimbing pa rin ang tulog niya, agad akong lumabas ng silid at tuluyang umalis sa hotel nang hindi niya namamalayan.Sumakay agad ako ng taxi at nagpasya akong umuwi sa apartment. Siguro mas mabuting mag-absent muna ako sa trabaho ngayon. Kailangan ko munang ayusin ang utak ko bago humarap sa mga katrabaho kong siguradong
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi. Habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko, saka ko napansin na hindi pamilyar ang kwartong kinaroroonan ko. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama.Agad akong kinabahan nang biglang bumukas ang pintuan. Mabilis akong humiga ulit at pumikit, nagpapanggap na tulog habang pinipilit kong huwag gumalaw.Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Ilang sandali akong hindi gumalaw hanggang sa naamoy ko ang pabangong suot niya. Mas lalo akong kinabahan nang mapagtanto kong lalaki ang kasama ko.Teka... did I sleep in a man's bed? Shit. Ano bang nangyari sa akin kagabi?“I know you're awake. Eat the food on the table.”Iyon lamang ang sinabi niya bago tumayo.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Sinigurado ko munang wala na siya bago ako tuluyang bumangon. Napahawak ako sa noo ko habang pilit na inaalala ang lahat.Sino nga ba iyon? Si Ace? Kaya ayaw kong uminom, e. Shit talaga.Pero hindi ganoon ang pabango ng manyakis na iyon, gayu
“Tagay na, Christine!”Inabot sa akin ng isa sa mga katrabaho ko ang shot glass na punong-puno ng alak. Tinitigan ko muna iyon bago ako napatingin sa kanila. Hindi ko naman talaga gustong uminom, lalo na’t alam kong mabilis akong mahilo, pero napilitan akong sumama sa celebration dahil ilang beses akong pinilit ng manager namin. Ayoko rin namang magmukhang KJ sa harap ng mga katrabaho ko, kaya napabuntong-hininga na lang ako habang hawak ang baso.Okay, kaunti lang.“A-ah, Ace, puwede bang bawasan mo ng kaunti?” maingat kong tanong habang bahagyang itinataas ang shot glass. “Ang dami kasi niyan. Alam mo namang—”“Ay, sus! Huwag ka nang KJ, Christine,” agad na singit ni Ace habang tumatawa. “Sige na. Minsan ka lang naman naming makasama sa ganitong celebration. Palagi ka na lang tumatanggi. Kung hindi pa si Manager, hindi ka pa sasama.”Nagtawanan ang mga katrabaho ko. Napilitan akong ngumiti kahit hindi ko nagustuhan ang biro. Hindi ko na lang pinatulan dahil ayokong lumaki pa ang usa







