Dra. Kamila Luz“ANAK?”Humikab naman ako at uminat. Alas singko pa lang ng umaga, kailangan ko na bumangon at mag-ayos.“Maliligo na ho ako, inay!” sagot ko naman. Ganitong oras maaga nagising ang mga magulang ko. May kapatid din akong babae at college pa lang ito. Pitong taon ang tanda ko rito. Ang itay naman ay magsasaka, binilhan ko ito ng dalawang ektaryang lupa na tama lang sa mga pananim niyang palay at mga gulay. Ang inay, may puwesto ito sa palengke kung saan nagtitinda ito ng mga gulay, karne at isda. Dali-daling pumasok na ako sa banyo at naligo. Kahit papaano, maayos na ang aming bahay. Pinagawa ko at pinalaki ng konti. Medyo malaki lang ang silid ko, syempre sa bunsong kapatid ko, may sariling silid din ito at sa aking mga magulang. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. “Good morning, ate!” bati ni Kallie sa akin. “Good morning, Kallie. Good morning, inay,” at sumilip sa kusina. “Si Itay ho?” “Hay naku! Kanina pa umalis iyon. May tao siya ngayon, mag-aar
Last Updated : 2026-11-21 Read more