Share

C-5

Author: KYLIEROSE
last update publish date: 2026-11-16 20:10:57

ALLEN "TRES" SMITH

NAKATULOG na ako sa kakahintay kay Zia pero hindi pa rin ito nakabalik. Ang mga tauhan niya nasa labas lang ito at nagbabantay.

Mabuti na lang may papag dito at nakahiga ako ng maayos. Tumayo ako at nilapitan ang pasyente ko. Maayos na ang lagay niya kaya naman kampante ako na malayo na ito sa kamatayan. Tiningnan ko muna ang sugat nito dahil palitan ko ulit ng bandage.

Halos mapatalon ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Nanlilisik iyon at puno ng paghihinala, diretsong nakatutok sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang iniangat ang kaniyang braso at hinawakan ang kuwelyo ng aking suot—ang mismong Tweety Bird pajama ko.

"S-sino ka?" paos niyang bulong, bakas ang matinding sakit sa bawat paghinga. Bumaba ang tingin niya sa dilaw na ibon sa dibdib ko, at saglit na natigilan ang kaniyang panlilisik, napalitan ng matinding pagkalito. "Nasa impiyerno na ba ako?”

"Kung nasa impiyerno ka, hindi siguro cartoon character ang sasalubong sa'yo," kalmado kong sagot habang dahan-dahang tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa damit ko. Baka mapunit pa ito, regalo pa naman ito sa akin ni Jenny. "Huminahon ka. Baka bumuka ang tahi sa dibdib mo.”

Napapikit ito nang mariin at napahawak sa kaniyang tagiliran. Unti-unting bumalik ang nangyari sa kaniya—-dahil nakatulala na ito. Muli siyang tumingin sa akin, mas maingat na ngayon. "Si Captain Santiago... nasaan siya?”

“Lumabas lang para magpalamig ng ulo, o baka para maghanap ng bagong problema," sagot ko sabay abot ng isang basong tubig na may straw. "Ako ang nagtanggal ng bala sa dibdib mo. Kaya kung magpapasalamat ka, gawin mo nang maayos. Hindi biro ang mag-opera nang walang kape.”

Damn! Sa tagal-tagal na iniwan ko na ang propesyon na ito, si Zia lang talaga ang nakagawa nito para balikan ko ulit ito.

Hindi niya agad kinuha ang tubig tubig na inabot ko. Sa halip, sinipat niya ang mukha ko, pilit na kinikilala ang taong nakatayo sa kanyang harap—isang lalaking mukhang bagong gising, nakasuot ng cartoon pajama.

"Doktor ka?" nagdududa niyang tanong, bago s******p ng kaunti sa straw.

"Dati," maikli kong sagot sabay hila pabalik ng silya para maupo. "Ngayon, tagatulak na lang ng droga.”

Napatulala pa ito na nakatingin sa akin. Bago pa man ito makasagot, bumukas ang mabigat na bakal na p***o ng bodega. Pumasok si Zia, dala-dala ang isang paper bag mula sa paborito kong coffee shop. Inihagis sa akin ang isang mainit na kape sa direksyon ko, na mabilis ko namang nasalo.

"Gising na pala ang prinsipe," malamig na bati ni Zia habang nakatingin sa pasyente, ni hindi man lang nagulat na nakakausap ko na ito. "Maghanda ka. Wala tayong oras magpahinga—alam na nilang buhay ka pa.”

Sinipat ko ang mainit na kapeng nasalo ko, saka sumulyap kay Zia. Nakatayo siya sa may pintuan, kalmado pero alerto, habang nakasukbit pa rin sa balikat niya ang kaniyang holster. Kahit kailan talaga, hindi siya marunong pumasok sa isang kuwarto nang hindi nagdadala ng masamang balita.

"Salamat sa kape, Captain Santiago. Pero sa susunod na magdadala ka ng pasyente sa bodegang ito, siguraduhin mong may kasama nang anesthesiologist," reklamo ko bago humigop nang malalim. Mainit at matapang—eksakto sa pait ng buhay ko ngayong umaga.

"Hindi na kailangan. Mas magaling ka pa sa kanila kahit nakapikit," sagot ni Zia nang hindi man lang ako nililingon, ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa witness na nakahiga sa mesa. "At saka, nagustuhan ko 'yang porma mo. Bagay sa'yo.”

Napairap na lang ako at napatingin sa Tweety Bird pajama ko. Kung alam lang ng mga board members ng kumpanya ko na ang kanilang CEO ay ganito ang porma, pagtatawanan talaga ako.

"Teka lang, Captain Santiago," singit ng witness, pilit na bumabangon kahit nanginginig pa ang mga braso niya. "Sinong 'nila'? Paano nila nalaman na buhay pa ako?”

"Humiga ka nga!" sita ko agad sabay tulak nang marahan sa balikat niya pabalik sa higaan. Napangiwi siya sa sakit. "Hindi ako nagpuyat at nagpakahirap magtahi ng dibdib mo para lang punitin mo ulit ang mga sinulid ko. Kung gusto mong mamatay, sabihin mo lang para hindi ko na sasayangin ang mamahaling medical supplies na ginamit sa'yo!”

Tumingin ako kay Zia, naghihintay ng paliwanag. Alam kong hindi niya ihahatid ang lalaking ito sa akin kung ordinaryong kaso lang ito. Sa dami ng ospital sa Maynila, pinili niyang itakbo ang sugatang witness sa akin—na matagal nang binura ang pangalan ko sa listahan ng mga lisensyadong doktor.

Lumapit si Zia sa tabi ng makeshift operating table, inilapag ang dala niyang paper bag, at ibinagsak ang isang folder sa paanan ng pasyente.

"May traydor sa loob ng presinto," seryosong sabi ni Zia, nawala na ang bahid ng pang-aasar sa boses niya. "At ikaw lang ang nakakita sa mukha ng utak sa likod ng sindikato. Kaya kung hindi ka magtatago nang maayos, hindi ka aabutin ng bukas.”

Napabuntong-hininga ako at muling humigop ng kape. Mukhang matatagalan pa bago ako makabalik sa malambot kong kama.

“Z, puwede na ba akong umuwi?” tanong ko naman.

Tumingin sa akin si Zia, bahagyang nakakunot ang noo na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ibinaba niya ang mga braso niya at isinandal ang baywang sa gilid ng bakal na mesa, diretso akong tinitigan.

"Umuwi? Seryoso ka ba?" tanong niya, may halong pagkairita at pagkadismaya sa boses. "Narinig mo ba ang sinabi ko? May traydor sa presinto, sugatan ang hawak nating witness, at anumang oras ay puwede kaming matunton dito—tapos uuwi ka lang para matulog?”

Napabuga pa ako ng hangin “Why me? Labas na ako sa problema niyo. Hindi naman ako police. Saka magaling na pati ang witness mo. At Hindi lang para matulog ako. Para magpalit din ng damit, maligo, at bumalik sa pagiging normal na tao," sagot ko sabay muwestra sa Tweety Bird pajama ko gamit ang hawak kong baso ng kape. "Z, nagawa ko na ang parte ko. Buhay siya, maayos ang tahi niya, at hindi siya naubusan ng dugo. Trabaho na niyong mga police ang magbantay sa kaniya,” nakasimangot na sagot ko rito.

Napatawa nang mapakla si Zia at napailing. Lumapit siya sa akin nang isang hakbang, sapat para maamoy ko ang pinaghalong pabango niya, pawis, at pulbura.

"Sa tingin mo ba, kapag umalis ka sa pintuang 'yan ngayon, ligtas ka na?" mahina pero madiin niyang bulong para hindi marinig ng pasyente. "Nakita ka niya. Nakita niya ang mukha mo. At kapag nahuli siya ng mga kalaban ko, sa tingin mo ba hindi niya ikakanta kung sino ang nagligtas sa kaniya?”

Natigilan ako. Mabilis na nag-init ang ulo ko, hindi dahil natatakot ako para sa sarili ko, kundi dahil tama na naman siya. Lagi na lang siyang tama pagdating sa mga ganitong gulo.

Sumulyap ako sa pasyente, na ngayon ay nakatingin lang sa aming dalawa na parang nanonood ng ping-pong, halatang naguguluhan kung bakit nag-aaway kami.

“Umuwi ka, pero bumalik ka kaagad dito. Hangga't hindi maayos ang lagay niya, dito ka lang.”

Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko. Damn it. Bakit ako pa. Doktor din naman siya. Puwede niya rin kausapin si King, or si Gaia.

"Kukuha lang ako ng extrang damit sa bahay," suko kong sabi sabay talikod patungo sa p***o. "At Z—kapag natapos 'to, babayaran mo lahat ng medical fees ko ha. Kasama na ang moral damages sa pagkasira ng tulog ko.”

Hindi pa man ako nakakahakbang palabas ng pintuan ay mabilis nang humarang si Zia sa daraanan ko. Nakapamewang siya, nakataas ang isang kilay, at nakatitig sa akin na parang isa akong pasaway na bata.

“Kahit magkano babayaran ko. Siguraduhin mo lang na bumalik ka, malilintikan ka talaga sa akin!”

Shit! May meeting pa pala ako.

"Z, may meeting ako sa board mamayang alas-diyes. Hindi ako puwedeng hindi magpakita nang walang pasabi, lalo na't—.”

"I-cancel mo," putol niya agad, walang bahid ng pag-aalinlangan.

“Seryoso ka ba?! Si King, puwede mong tawagan. Nasa ospital lang siya ngayon, may kumpletong gamit at—.”

"Hindi puwede si King, alam mo iyon kung bakit, " mabilis niyang sagot, bahagyang humina ang boses nang sumulyap siya sa witness na nakikinig lang sa amin.

Napabuntonghininga naman ako. “Fine. Pero kailangan may magluluto sa akin habang nandito ako."

Bahagyang gumuhit ang isang tipid na ngisi sa mga labi ni Zia. "Huwag kang mag-alala. May binili akong pandesal sa paper bag. Kumain ka na muna, Doc.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DAMAGE    C-8

    DRA. LUZPAGBUKAS pa lang ng mabigat na pintong kahoy sa dulo ng pasilyo, agad akong sinalubong ng malamig na hangin na may halong amoy ng antiseptic at mamahaling pabango.Hindi ito mukhang karaniwang kwarto. Isa itong pribadong ICU.Sa gitna ng malawak na silid, nakahiga ang batang si Miguel sa isang hospital bed, napapalibutan ng mga modernong makina—cardiac monitor, oxygen concentrator, at iba't ibang IV drips. Nang lumapit ako, agad nanlaki ang mga mata ko.halyos buto't balat na ito. Maputlang-maputla ang kanyang balat, malalim ang mga mata, at may nakakabit na tubo sa kanyang ilong. Pero ang mas nakakagulat ay ang makapal na benda sa kanyang kanang braso at ang mga bakas ng sugat sa kanyang leeg at balikat—mga sugat na hindi galing sa aksidente, kundi mukhang tinamaan ng bala o matalim na bagay."Iwan niyo muna kami," malamig kong utos sa Mayor na nakatayo sa may pintuan.Nag-alinlangan ito ng sandali, pero nang tingnan ko ito nang seryoso, tumango at dahan-dahang isinara ang

  • DAMAGE    C-7

    DRA. LUZNAPATITIG ako sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw at ang bigat ng salitang “palihim.” Sa bayan namin, ang mga lihim ng makapangyarihan ay parang apoy—mabilis kumalat at tiyak na nakakapaso. Pero ang triple sa kinikita ko? Malaking tulong iyon para sa klinika at sa mga gamot na kulang na kulang dito.Sumandal ako sa silya at pinagsiklop ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Mayor, alam niyo naman pong bilang doktor, sinumpaan kong tumulong sa nangangailangan. Pero ang paggagamot nang tago, lalo na kung wala ako sa ospital, ay malaking panganib sa lisensya ko—at posibleng sa buhay ko rin.”Napalunok siya, halatang hindi niya inasahan na hindi agad ako kakagat sa alok niyang pera."Hindi ko ipapahamak ang lisensya mo, Doktora," mabilis niyang sagot, sabay abot sa isang sobreng nakatago sa loob ng kanyang amerikana. Inilapag niya iyon sa mesa. "Paunang bayad pa lang iyan. Hindi ito tungkol sa krimen, pangako. Pero kung malalaman ng mga kalaban ko sa politika ang kalagayan n

  • DAMAGE    C-6

    Dra. Kamila Luz“ANAK?”Humikab naman ako at uminat. Alas singko pa lang ng umaga, kailangan ko na bumangon at mag-ayos.“Maliligo na ho ako, inay!” sagot ko naman. Ganitong oras maaga nagising ang mga magulang ko. May kapatid din akong babae at college pa lang ito. Pitong taon ang tanda ko rito. Ang itay naman ay magsasaka, binilhan ko ito ng dalawang ektaryang lupa na tama lang sa mga pananim niyang palay at mga gulay. Ang inay, may puwesto ito sa palengke kung saan nagtitinda ito ng mga gulay, karne at isda. Dali-daling pumasok na ako sa banyo at naligo. Kahit papaano, maayos na ang aming bahay. Pinagawa ko at pinalaki ng konti. Medyo malaki lang ang silid ko, syempre sa bunsong kapatid ko, may sariling silid din ito at sa aking mga magulang. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. “Good morning, ate!” bati ni Kallie sa akin. “Good morning, Kallie. Good morning, inay,” at sumilip sa kusina. “Si Itay ho?” “Hay naku! Kanina pa umalis iyon. May tao siya ngayon, mag-aar

  • DAMAGE    C-5

    ALLEN "TRES" SMITHNAKATULOG na ako sa kakahintay kay Zia pero hindi pa rin ito nakabalik. Ang mga tauhan niya nasa labas lang ito at nagbabantay. Mabuti na lang may papag dito at nakahiga ako ng maayos. Tumayo ako at nilapitan ang pasyente ko. Maayos na ang lagay niya kaya naman kampante ako na malayo na ito sa kamatayan. Tiningnan ko muna ang sugat nito dahil palitan ko ulit ng bandage.Halos mapatalon ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Nanlilisik iyon at puno ng paghihinala, diretsong nakatutok sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang iniangat ang kaniyang braso at hinawakan ang kuwelyo ng aking suot—ang mismong Tweety Bird pajama ko."S-sino ka?" paos niyang bulong, bakas ang matinding sakit sa bawat paghinga. Bumaba ang tingin niya sa dilaw na ibon sa dibdib ko, at saglit na natigilan ang kaniyang panlilisik, napalitan ng matinding pagkalito. "Nasa impiyerno na ba ako?”"Kung nasa impiyerno ka, hindi siguro cartoon character ang sasalubong sa'yo," kalmado

  • DAMAGE    C-4

    ALLEN “TRES” SMITH“TRES!”DAMN! Kagigising ko lang. Nagkakape ako habang kaharap ang aking laptop nang marinig ko ang boses ni Z.Mabilis kong ibinaba ang tasa at napasapo sa aking mukha. Ni hindi ko pa nga tuluyang nailulunok ang unang higop ko ng kape, boses na agad niya ang sumalubong sa umaga ko.Agad ko naman binuksan ang pinto.Ano na naman ba, Z? Maaga pa para sa mga sigaw mo,” reklamo ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng aking kamay.“Tarantado ka! Sumama ka muna sa akin!” aniya nakataas ang dalawang kilay.Bago pa man ako makapagreklamo o makahingi ng paliwanag, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Muntik ko pang mabitawan ang suot kong salamin sa bilis ng mga pangyayari.“Hoy, sandali lang! Ni hindi pa ako nakakapag-tsinelas!” sigaw ko habang nagpapakaladkad sa kaniya palabas ng gate ko.Hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya habang mahigpit ang hawak sa akin. “What is your problem ba? Z, ano ba!

  • DAMAGE    C-3

    ALLEN “TRES” SMITH KINABUKSAN. “SIR, the shipment is successful,” bungad ng aking tauhan. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng warehouse. Naabutan ko si Drake at Javier na nag-uusap. Nag-angat ng tingin ang dalawa nang napansin na nila ako papasok. Kaagad na natapos ang kanilang seryosong usapan at bumaling sa akin. "Eksakto ang dating mo," sabi ni Javier sabay turo sa mga bagong bagsak na kahon sa gilid. "Kakaalis lang din ng mga tauhan ni Alfero. Well, maayos ang transaksiyon.” Nakangisi naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Drake at inabot sa akin ang logbook. "Lahat ng bilang, tugma. Walang bawas, walang sablay. Mukhang nakuha natin ang buong tiwala nila ngayon,” ngising saad ni Summer. Tiningnan ko ang paligid ng warehouse—marami pa kaming translation na magaganap pero we need to focus Don Alfero’s business deals with us. Malaking isda ang matandang iyon, at bagaman matagumpay ang unang shipment, alam kong isang maling galaw lang ay pwedeng gumuho ang pinaghirapan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status