Share

C-2

Author: KYLIEROSE
last update publish date: 2026-11-05 12:06:28

ALLEN “TRES” SMITH

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko paalis sa mansyon ni Dos. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng kamao ko matapos ko siyang suntukin. Gago siya. Alam ng lahat na babaero ako, hindi ko 'yon itatangi. Pero kahit kailan, hinding-hindi ako nag-force ng babae. I always make sure it's consensual. Pero ang ginawa niya sa babaeng 'yon sa loob ng mansyon niya? Sobra na. Iyon ang pinaka-ayoko sa lahat.

Damn! Saglit ko pinatigil sa gilid ng daan ang aking sasakyan. Napasabunot naman ako ng King buhok.

Napabuga ako ng hangin. Kung makikialam naman ako paniguradong magkagulo naman kaming dalawa ni Geller. Lalong magkakagulo kaming magkakaibigan. Pero putangina lang, paano ko matititigan ang sarili ko sa salamin kung hahayaan ko lang ang kawalang-hiyaang 'yon? Babaero ako, oo, gago ako sa mata ng marami, pero may limitasyon ang pagiging demonyo ko. May natitira pa naman sigurong konsensya dito sa dibdib ko.

Napatingin ako sa labas ng bintana habang madilim ang paligid ng kalsada. Tahimik, taliwas sa nagwawalang bagyo sa loob ng utak ko.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Siguro nga, hayaan ko na. Napailing na nagmaneho na lang ako pauwi sa aking bahay.

Humahabol pa rin ang mukha ng babaeng iyon sa paningin ko—ang takot sa kanyang mga mata, ang panginginig ng kanyang boses. Sinubukan kong iling ang ulo ko para burahin ang imaheng iyon.

(Hayaan mo na, Tres. Hindi mo buhay 'yan. Huwag kang makialam, bulong ko sa aking sarili)

Hindi ko obligasyon ang maging bayani. Sa mundong ginagalawan namin, ang pakikialam sa teritoryo ng iba ay kamatayan—o mas malala pa, ang pagkasira ng samahan naming magkakaibigan. Si Dos 'yon. Geller 'yon. Kilala ko kung paano mag-isip at gumanti ang isang 'yon.

I have my own house dito mismo sa loob ng exclusive subdivision. Pagpasok ko sa aking bahay, dumiretso agad ako sa bar counter at nagsalin ng alak. Agad ko naman ito ininom ng diretso. Gumuhit ang init nito sa aking lalamunan. Bihira lang din ako umuuwi dito sa bahay. Minsan sa condo lang ako o kung hindi naman sa ibang bansa. Yes, I have my own company. May mga negosyo ako dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Huminga ako ng malalim. Pumasok na ako sa aking silid. Naglakad ako papunta sa banyo at humarap sa salamin. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon. Medyo may pagka tsinito ako ng konti. Pero lamang pa rin ang mukha sa American blood ng aking ina. Nakuha ko kasi ang ang kanyang gray eyes. Sa mukhang ito, maraming babae ang nahuhumaling sa akin. Karangyaan, sariling kumpanya, mga negosyo sa Pilipinas at abroad—lahat ng 'yon meron ako. Kaya kong makuha ang kahit anong marangyang bagay sa mundo sa isang kurap lang. A bilyon-bilyong pera ko sa bangko, at ibang secret assets ko. Pero kahit ganito karangya ang buhay ko, may isang bagay na hindi ko pa rin magawa. Ang magpapakasal.

Of course, I want to marry someday. Gusto kong magpakasal sa babaeng mamahalin ko nang buong-buo—iyong hindi titingin sa pera ko kundi sa kung sino talaga ako.

Binitawan ko ang isang malalim na buntonghininga at tuluyang pinatay ang ilaw sa banyo. Humakbang ako pabalik sa malaking kama ng aking silid at pabagsak na humiga. Sa mata ng publiko, ako ang perpektong depinisyon ng isang matagumpay na bilyonaryong negosyante—may-ari ng mga lehitimong kumpanya, may mga legal na ari-arian sa Pilipinas, at may mga negosyo sa abroad. Pero sa likod ng marangyang facade na ito, may isang madilim na katotohanan na ako lang at ang iilang pinagkakatiwalaan ko ang nakakaalam.

Illegal ang ibang trabaho ko.

Hindi lang simpleng corporate stocks o real estate ang pinatatakbo ko. May mga transaksyon at operasyon akong hinahawakan na labas sa saklaw ng batas—mga sikretong asset at negosyong nagbibigay sa akin ng hindi matatawarang kapangyarihan at bilyon-bilyong kita. Of course kasosyo ko rin ang ibang mga kaibigan ko.

Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, hinahayaang balutin ng dilim ang buong silid habang ang ugong ng aircon ang tanging tunog na natitira sa paligid. Sa bawat tibok ng aking puso, nararamdaman ko ang bigat ng mundong aking pinatatakbo—ang dalawang magkaibang buhay na pilit kong pinagbabangga at pinag-iisang anyo

Ako ang isa sa mga bilyonaryong hinahangaan, ang mukha sa mga business magazine, at ang huwaran ng tagumpay. Pero sa isang banda, lumalabas ang totoong kulay ng aking imperyo. Ang bilyon-bilyong piso sa mga offshore trusts, ang mga tech conglomerates sa US, at ang mga dambuhalang lupain na nakatago sa ilalim ng mga dummy corporations—lahat ng iyon ay mga talinhagang ako at ang mga pinagkakatiwalaan ko lang ang nakakaunawa.

Hawak ko ang mga tali ng kapangyarihan nang hindi nila nalalaman kung sino ang humahatak. Kasama ang aking mga kaibigan, binuo namin ang isang network na hindi basta-basta magigiba ng batas o ng sinumang kalaban na nagbabalak kaming ibagsak.

Muling naglandas ang isang matalim na ngiti sa aking mga labi sa dilim. Handa na ang laro, at alam kong sa bawat hakbang ko, mas lalong liliit ang mundong ginagalawan ng mga taong nagnanais akong makitang bumagsak. Marami man ako nakalaban na negosyante pero lahat na iyan ay winawalis ko ng maigi.

Biglang tumunog naman ang cellphone ko. Agad ko tiningnan ko sino ang tumawag. Isa ito sa mga babaeng naikama ko. Anak ng isang kilalang negosyante na minsan nakasalamuha ko sa bar ng mga Geller.

Agad ko naman sinagot ang tawag. “Yes? ang boses ko ay nanatiling kalmado, malalim, at may kontrol.

Narinig ko ang mahina at tila nahihiyang tawa niya sa kabilang linya, may halong alak ang boses, halatang galing sa isang eksklusibong party. "I just... missed you. Are you available tonight?” nang-aakit ang kanyang boses.

Ipinatong ko ang aking kaliwang braso sa ibabaw ng aking noo habang hawak ng kanang kamay ang telepono. Ang ganitong uri ng laro ay masyadong madali para sa akin. Isa rin ang babaeng ito na gusto lagi makuha ang aking atensyon.

“You’re drunk,” mahinahong saad ko, ang baritono kong boses ay walang bakas ng kahit anong emosyon ngunit sapat na para maghatid ng kilabot at panginginig sa kabilang linya. “And you know I don’t just show up whenever someone misses me.”

Narinig ko ang mabilis at marahas na pagbuntonghininga niya, tila nahimasmasan nang bahagya sa lamig ng aking tugon. “I know... I’m sorry. Alam ko naman na…it's only a fun lang ang ginawa natin last time.”

Mabuti kung ganoon," malamig kong dugtong, walang intensyong bigyan siya ng kahit anong huwad na pag-asa. "I don't mix business with casual distractions.” saad ko bago ko tuluyang pinatay ang tawag nang hindi naghihintay ng kanyang sagot.

Ibinaba ko ang cellphone sa bedside table at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko na hahayaang gambalain pa ang gabing ito ng kung sinong babae o kahit anong walang kwentang ingay. Ang bawat segundo ng tulog ko ay mahalaga dahil bukas, isang malaking operasyon ang nag-aabang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DAMAGE    C-8

    DRA. LUZPAGBUKAS pa lang ng mabigat na pintong kahoy sa dulo ng pasilyo, agad akong sinalubong ng malamig na hangin na may halong amoy ng antiseptic at mamahaling pabango.Hindi ito mukhang karaniwang kwarto. Isa itong pribadong ICU.Sa gitna ng malawak na silid, nakahiga ang batang si Miguel sa isang hospital bed, napapalibutan ng mga modernong makina—cardiac monitor, oxygen concentrator, at iba't ibang IV drips. Nang lumapit ako, agad nanlaki ang mga mata ko.halyos buto't balat na ito. Maputlang-maputla ang kanyang balat, malalim ang mga mata, at may nakakabit na tubo sa kanyang ilong. Pero ang mas nakakagulat ay ang makapal na benda sa kanyang kanang braso at ang mga bakas ng sugat sa kanyang leeg at balikat—mga sugat na hindi galing sa aksidente, kundi mukhang tinamaan ng bala o matalim na bagay."Iwan niyo muna kami," malamig kong utos sa Mayor na nakatayo sa may pintuan.Nag-alinlangan ito ng sandali, pero nang tingnan ko ito nang seryoso, tumango at dahan-dahang isinara ang

  • DAMAGE    C-7

    DRA. LUZNAPATITIG ako sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw at ang bigat ng salitang “palihim.” Sa bayan namin, ang mga lihim ng makapangyarihan ay parang apoy—mabilis kumalat at tiyak na nakakapaso. Pero ang triple sa kinikita ko? Malaking tulong iyon para sa klinika at sa mga gamot na kulang na kulang dito.Sumandal ako sa silya at pinagsiklop ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Mayor, alam niyo naman pong bilang doktor, sinumpaan kong tumulong sa nangangailangan. Pero ang paggagamot nang tago, lalo na kung wala ako sa ospital, ay malaking panganib sa lisensya ko—at posibleng sa buhay ko rin.”Napalunok siya, halatang hindi niya inasahan na hindi agad ako kakagat sa alok niyang pera."Hindi ko ipapahamak ang lisensya mo, Doktora," mabilis niyang sagot, sabay abot sa isang sobreng nakatago sa loob ng kanyang amerikana. Inilapag niya iyon sa mesa. "Paunang bayad pa lang iyan. Hindi ito tungkol sa krimen, pangako. Pero kung malalaman ng mga kalaban ko sa politika ang kalagayan n

  • DAMAGE    C-6

    Dra. Kamila Luz“ANAK?”Humikab naman ako at uminat. Alas singko pa lang ng umaga, kailangan ko na bumangon at mag-ayos.“Maliligo na ho ako, inay!” sagot ko naman. Ganitong oras maaga nagising ang mga magulang ko. May kapatid din akong babae at college pa lang ito. Pitong taon ang tanda ko rito. Ang itay naman ay magsasaka, binilhan ko ito ng dalawang ektaryang lupa na tama lang sa mga pananim niyang palay at mga gulay. Ang inay, may puwesto ito sa palengke kung saan nagtitinda ito ng mga gulay, karne at isda. Dali-daling pumasok na ako sa banyo at naligo. Kahit papaano, maayos na ang aming bahay. Pinagawa ko at pinalaki ng konti. Medyo malaki lang ang silid ko, syempre sa bunsong kapatid ko, may sariling silid din ito at sa aking mga magulang. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. “Good morning, ate!” bati ni Kallie sa akin. “Good morning, Kallie. Good morning, inay,” at sumilip sa kusina. “Si Itay ho?” “Hay naku! Kanina pa umalis iyon. May tao siya ngayon, mag-aar

  • DAMAGE    C-5

    ALLEN "TRES" SMITHNAKATULOG na ako sa kakahintay kay Zia pero hindi pa rin ito nakabalik. Ang mga tauhan niya nasa labas lang ito at nagbabantay. Mabuti na lang may papag dito at nakahiga ako ng maayos. Tumayo ako at nilapitan ang pasyente ko. Maayos na ang lagay niya kaya naman kampante ako na malayo na ito sa kamatayan. Tiningnan ko muna ang sugat nito dahil palitan ko ulit ng bandage.Halos mapatalon ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Nanlilisik iyon at puno ng paghihinala, diretsong nakatutok sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang iniangat ang kaniyang braso at hinawakan ang kuwelyo ng aking suot—ang mismong Tweety Bird pajama ko."S-sino ka?" paos niyang bulong, bakas ang matinding sakit sa bawat paghinga. Bumaba ang tingin niya sa dilaw na ibon sa dibdib ko, at saglit na natigilan ang kaniyang panlilisik, napalitan ng matinding pagkalito. "Nasa impiyerno na ba ako?”"Kung nasa impiyerno ka, hindi siguro cartoon character ang sasalubong sa'yo," kalmado

  • DAMAGE    C-4

    ALLEN “TRES” SMITH“TRES!”DAMN! Kagigising ko lang. Nagkakape ako habang kaharap ang aking laptop nang marinig ko ang boses ni Z.Mabilis kong ibinaba ang tasa at napasapo sa aking mukha. Ni hindi ko pa nga tuluyang nailulunok ang unang higop ko ng kape, boses na agad niya ang sumalubong sa umaga ko.Agad ko naman binuksan ang pinto.Ano na naman ba, Z? Maaga pa para sa mga sigaw mo,” reklamo ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng aking kamay.“Tarantado ka! Sumama ka muna sa akin!” aniya nakataas ang dalawang kilay.Bago pa man ako makapagreklamo o makahingi ng paliwanag, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Muntik ko pang mabitawan ang suot kong salamin sa bilis ng mga pangyayari.“Hoy, sandali lang! Ni hindi pa ako nakakapag-tsinelas!” sigaw ko habang nagpapakaladkad sa kaniya palabas ng gate ko.Hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya habang mahigpit ang hawak sa akin. “What is your problem ba? Z, ano ba!

  • DAMAGE    C-3

    ALLEN “TRES” SMITH KINABUKSAN. “SIR, the shipment is successful,” bungad ng aking tauhan. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng warehouse. Naabutan ko si Drake at Javier na nag-uusap. Nag-angat ng tingin ang dalawa nang napansin na nila ako papasok. Kaagad na natapos ang kanilang seryosong usapan at bumaling sa akin. "Eksakto ang dating mo," sabi ni Javier sabay turo sa mga bagong bagsak na kahon sa gilid. "Kakaalis lang din ng mga tauhan ni Alfero. Well, maayos ang transaksiyon.” Nakangisi naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Drake at inabot sa akin ang logbook. "Lahat ng bilang, tugma. Walang bawas, walang sablay. Mukhang nakuha natin ang buong tiwala nila ngayon,” ngising saad ni Summer. Tiningnan ko ang paligid ng warehouse—marami pa kaming translation na magaganap pero we need to focus Don Alfero’s business deals with us. Malaking isda ang matandang iyon, at bagaman matagumpay ang unang shipment, alam kong isang maling galaw lang ay pwedeng gumuho ang pinaghirapan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status