LOGINALLEN “TRES” SMITH
KINABUKSAN. “SIR, the shipment is successful,” bungad ng aking tauhan. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng warehouse. Naabutan ko si Drake at Javier na nag-uusap. Nag-angat ng tingin ang dalawa nang napansin na nila ako papasok. Kaagad na natapos ang kanilang seryosong usapan at bumaling sa akin. "Eksakto ang dating mo," sabi ni Javier sabay turo sa mga bagong bagsak na kahon sa gilid. "Kakaalis lang din ng mga tauhan ni Alfero. Well, maayos ang transaksiyon.” Nakangisi naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Drake at inabot sa akin ang logbook. "Lahat ng bilang, tugma. Walang bawas, walang sablay. Mukhang nakuha natin ang buong tiwala nila ngayon,” ngising saad ni Summer. Tiningnan ko ang paligid ng warehouse—marami pa kaming translation na magaganap pero we need to focus Don Alfero’s business deals with us. Malaking isda ang matandang iyon, at bagaman matagumpay ang unang shipment, alam kong isang maling galaw lang ay pwedeng gumuho ang pinaghirapan namin. “Okay. Let's go, bro. Punta muna tayo sa restaurant. Hindi pa ako nakakain ng umagahan,” aya ni Drake. Tumango na rin ako at nakaramdam na rin ako ng gutom. "Ipa-double check niyo ulit ang mga paligid at siguraduhin security system dito sa warehouse," bilin ko sa naiiwan naming tauhan bago tuluyang sumakay sa aking sasakyan. Magkasunod lang ang aming sasakyan at doon kami napadpad sa restaurant na pag-aari nila Ann. Bumaba kaming tatlo at pumasok sa loob. Halos nagtinginan ang mga tao na kumakain sa loob. Umupo naman kami sa bandang gitna. “Magandang umaga po. Ano po ang order niyo,” tanong ng waitress. Bata pa ito at maganda. “Miss, are you single?” tanong naman ni Drake. Napailing na lang ako at mahina napatawa. “S-sir, kukuha lang po ako ng order niyo,” sagot ng babae at yumuko ito. “Do you have sinangag na rice. And I want tapa with sunny side up na itlog, miss. Can you lagay may rice a bawang, I mean that crispy bawang,” nakangiting sabi ko naman. “Pinahaba mo pa, gago! Tapsilog, miss,” singit ni Salvacion. Napairap naman ako. I don't know that tapsilog is shortcut ng sinabi ko. “Miss sa akin naman, black coffee lang,” aniya ni Salvacion. “Sa akin naman is coffee and baked macaroni,” singit na sabi ni Summer habang nakataas ang kamay para makuha ang atensiyon ng waitress. “Dagdag mo na rin ng extra toast.” Napatingin naman ako kay Drake na tataya-taya pa rin ang ngiti habang nakatitig sa namumulang mukha ng waitress. “S-sige po, sir. Uulitin ko po: isang tapsilog na may crispy bawang para kay Sir, isang black coffee lang po kay Sir din, at isang coffee at baked macaroni and extra toast para po sa inyo,” mabilis na sulat ng waitress sa hawak niyang maliit na notepad. Bumaling siya kay Drake na tila nahihiya pa ring tumingin nang diretso. “Ano po ang coffee niyo, black or with cream po ba?” “Kahit ano, miss. Basta katulad mo,” hirit na naman ng gago, kaya napasapo na lang ako sa aking noo habang si Salvacion naman ay tahimik na natawa habang umiiling. Tumalikod naman ang waitress na namumula ang mukha. Nang makalayo ang waitress ay agad na binalingan ni Salvacion si Drake gamit ang seryoso ngunit may halong pambubuyong tingin. “Kapag malaman ni Ann na pati waitress nila dito nilalandi mo, patay lang gago ka!” Saad ni Salvacion na nakangisi. "Woah, woah! Chill lang. Nagtatanong lang kung single, landi agad?" depensa naman ni Drake sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko, pero hindi pa rin nawawala ang nakakaritang ngisi sa mukha. "Tsaka safe tayo rito, bro. Walang makakarating kay Ann kung walang magsusumbong.” Natawa naman ako. “Bro, gagaya ka pa yata kay Geo at Bry na mga babata ng mga nagustuhan,” biro ko naman. "Gago, hindi ah!" natatawang depensa ni Drake habang umiling-iling. "Iba 'yung sa akin, friendly lang naman 'yung tao, binibigyan niyo agad ng kulay.” "Friendly mo mukha mo," hirit pa ni Salvacion habang natatawa pa rin. Saktong natapos ang asaran nang matanaw namin ang waitress na pabalik na sa aming lamesa dala ang mga order namin. Amoy na amoy ko agad ang mabangong tostado at crispy na bawang na nakabudbod sa ibabaw ng tapsilog ko, kasabay ng mainit na baked macaroni ni Summer at ang umuusok na black coffee ni Salvacion. Sandaling tumahimik ang lamesa habang inilalapag ng waitress ang mga pagkain. Nahihiya pa ring sumulyap ang babae kay Drake na ngayon ay lalong lumapad ang ngisi nang mapansin ang reaksiyon nito. “Miss, nandyan ba si Ann?” tanong ko naman. “W-wala po, sir.” “Ahmm…puwede can you lista na lang this. I don't have cash eh,” Sabi ko naman. “You're fucking billionaire, Tres! Tapos uutangin mo lang ang tapsilog na ito!” binanatan naman ako ni Drake. Ang lakas talaga mang-asar ng gago. Napakamot na lang ako sa ulo habang si Javi naman ay tila sanay na sanay na sa mga ganitong eksena. “Miss, I'll pay it,” nakangiting sabi ni Javi at inabot ang two thousand bills sa dalaga. “Keep the change, it's your tip.” Laking gulat ng waitress habang pabalik-balik ang tingin sa hawak niyang pera at sa amin. Halatang nanginginig pa ang kamay ng dalaga nang tanggapin ito bago nagmamadaling umalis, Sadyang hindi lang talaga ako nagdadala ng cash. Cellphones at driver’s license lang ang madalas kong isilid sa bulsa ko. Well, may mga card naman ako—black card, platinum, —pero lahat ‘yun ay naiwan ko sa loob ng sasakyan. Tamad na akong bumalik dahil gutom na gutom na ako. “Salamat, bro. Babayaran na lang kita mamaya,” sabi ko sabay saksak ng kutsara sa tapsilog ko. “Don't bother, Tres. Isipin mo na lang, advance birthday gift ko sa’yo,” natatawang sagot ni Javi habang humihigop ng kape. “Birthday gift sa tapsilog? Kuripot mo talaga, Salvacion!” hirit na naman ni Drake na halos mabulunan na sa sarili niyang pagkain dahil sa kakatawa. Inirapan ko na lang silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. Kahit anong yaman mo nga naman, iba pa rin talaga ang tama ng tapsilog sa tabi-tabi—lalo na kung libre ng kaibigan mo.DRA. LUZPAGBUKAS pa lang ng mabigat na pintong kahoy sa dulo ng pasilyo, agad akong sinalubong ng malamig na hangin na may halong amoy ng antiseptic at mamahaling pabango.Hindi ito mukhang karaniwang kwarto. Isa itong pribadong ICU.Sa gitna ng malawak na silid, nakahiga ang batang si Miguel sa isang hospital bed, napapalibutan ng mga modernong makina—cardiac monitor, oxygen concentrator, at iba't ibang IV drips. Nang lumapit ako, agad nanlaki ang mga mata ko.halyos buto't balat na ito. Maputlang-maputla ang kanyang balat, malalim ang mga mata, at may nakakabit na tubo sa kanyang ilong. Pero ang mas nakakagulat ay ang makapal na benda sa kanyang kanang braso at ang mga bakas ng sugat sa kanyang leeg at balikat—mga sugat na hindi galing sa aksidente, kundi mukhang tinamaan ng bala o matalim na bagay."Iwan niyo muna kami," malamig kong utos sa Mayor na nakatayo sa may pintuan.Nag-alinlangan ito ng sandali, pero nang tingnan ko ito nang seryoso, tumango at dahan-dahang isinara ang
DRA. LUZNAPATITIG ako sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw at ang bigat ng salitang “palihim.” Sa bayan namin, ang mga lihim ng makapangyarihan ay parang apoy—mabilis kumalat at tiyak na nakakapaso. Pero ang triple sa kinikita ko? Malaking tulong iyon para sa klinika at sa mga gamot na kulang na kulang dito.Sumandal ako sa silya at pinagsiklop ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Mayor, alam niyo naman pong bilang doktor, sinumpaan kong tumulong sa nangangailangan. Pero ang paggagamot nang tago, lalo na kung wala ako sa ospital, ay malaking panganib sa lisensya ko—at posibleng sa buhay ko rin.”Napalunok siya, halatang hindi niya inasahan na hindi agad ako kakagat sa alok niyang pera."Hindi ko ipapahamak ang lisensya mo, Doktora," mabilis niyang sagot, sabay abot sa isang sobreng nakatago sa loob ng kanyang amerikana. Inilapag niya iyon sa mesa. "Paunang bayad pa lang iyan. Hindi ito tungkol sa krimen, pangako. Pero kung malalaman ng mga kalaban ko sa politika ang kalagayan n
Dra. Kamila Luz“ANAK?”Humikab naman ako at uminat. Alas singko pa lang ng umaga, kailangan ko na bumangon at mag-ayos.“Maliligo na ho ako, inay!” sagot ko naman. Ganitong oras maaga nagising ang mga magulang ko. May kapatid din akong babae at college pa lang ito. Pitong taon ang tanda ko rito. Ang itay naman ay magsasaka, binilhan ko ito ng dalawang ektaryang lupa na tama lang sa mga pananim niyang palay at mga gulay. Ang inay, may puwesto ito sa palengke kung saan nagtitinda ito ng mga gulay, karne at isda. Dali-daling pumasok na ako sa banyo at naligo. Kahit papaano, maayos na ang aming bahay. Pinagawa ko at pinalaki ng konti. Medyo malaki lang ang silid ko, syempre sa bunsong kapatid ko, may sariling silid din ito at sa aking mga magulang. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. “Good morning, ate!” bati ni Kallie sa akin. “Good morning, Kallie. Good morning, inay,” at sumilip sa kusina. “Si Itay ho?” “Hay naku! Kanina pa umalis iyon. May tao siya ngayon, mag-aar
ALLEN "TRES" SMITHNAKATULOG na ako sa kakahintay kay Zia pero hindi pa rin ito nakabalik. Ang mga tauhan niya nasa labas lang ito at nagbabantay. Mabuti na lang may papag dito at nakahiga ako ng maayos. Tumayo ako at nilapitan ang pasyente ko. Maayos na ang lagay niya kaya naman kampante ako na malayo na ito sa kamatayan. Tiningnan ko muna ang sugat nito dahil palitan ko ulit ng bandage.Halos mapatalon ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Nanlilisik iyon at puno ng paghihinala, diretsong nakatutok sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang iniangat ang kaniyang braso at hinawakan ang kuwelyo ng aking suot—ang mismong Tweety Bird pajama ko."S-sino ka?" paos niyang bulong, bakas ang matinding sakit sa bawat paghinga. Bumaba ang tingin niya sa dilaw na ibon sa dibdib ko, at saglit na natigilan ang kaniyang panlilisik, napalitan ng matinding pagkalito. "Nasa impiyerno na ba ako?”"Kung nasa impiyerno ka, hindi siguro cartoon character ang sasalubong sa'yo," kalmado
ALLEN “TRES” SMITH“TRES!”DAMN! Kagigising ko lang. Nagkakape ako habang kaharap ang aking laptop nang marinig ko ang boses ni Z.Mabilis kong ibinaba ang tasa at napasapo sa aking mukha. Ni hindi ko pa nga tuluyang nailulunok ang unang higop ko ng kape, boses na agad niya ang sumalubong sa umaga ko.Agad ko naman binuksan ang pinto.Ano na naman ba, Z? Maaga pa para sa mga sigaw mo,” reklamo ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng aking kamay.“Tarantado ka! Sumama ka muna sa akin!” aniya nakataas ang dalawang kilay.Bago pa man ako makapagreklamo o makahingi ng paliwanag, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Muntik ko pang mabitawan ang suot kong salamin sa bilis ng mga pangyayari.“Hoy, sandali lang! Ni hindi pa ako nakakapag-tsinelas!” sigaw ko habang nagpapakaladkad sa kaniya palabas ng gate ko.Hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya habang mahigpit ang hawak sa akin. “What is your problem ba? Z, ano ba!
ALLEN “TRES” SMITH KINABUKSAN. “SIR, the shipment is successful,” bungad ng aking tauhan. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng warehouse. Naabutan ko si Drake at Javier na nag-uusap. Nag-angat ng tingin ang dalawa nang napansin na nila ako papasok. Kaagad na natapos ang kanilang seryosong usapan at bumaling sa akin. "Eksakto ang dating mo," sabi ni Javier sabay turo sa mga bagong bagsak na kahon sa gilid. "Kakaalis lang din ng mga tauhan ni Alfero. Well, maayos ang transaksiyon.” Nakangisi naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Drake at inabot sa akin ang logbook. "Lahat ng bilang, tugma. Walang bawas, walang sablay. Mukhang nakuha natin ang buong tiwala nila ngayon,” ngising saad ni Summer. Tiningnan ko ang paligid ng warehouse—marami pa kaming translation na magaganap pero we need to focus Don Alfero’s business deals with us. Malaking isda ang matandang iyon, at bagaman matagumpay ang unang shipment, alam kong isang maling galaw lang ay pwedeng gumuho ang pinaghirapan na







