Share

C-4

Author: KYLIEROSE
last update publish date: 2026-11-07 02:33:27

ALLEN “TRES” SMITH

“TRES!”

DAMN! Kagigising ko lang. Nagkakape ako habang kaharap ang aking laptop nang marinig ko ang boses ni Z.

Mabilis kong ibinaba ang tasa at napasapo sa aking mukha. Ni hindi ko pa nga tuluyang nailulunok ang unang higop ko ng kape, boses na agad niya ang sumalubong sa umaga ko.

Agad ko naman binuksan ang p***o.

Ano na naman ba, Z? Maaga pa para sa mga sigaw mo,” reklamo ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng aking kamay.

“Tarantado ka! Sumama ka muna sa akin!” aniya nakataas ang dalawang kilay.

Bago pa man ako makapagreklamo o makahingi ng paliwanag, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Muntik ko pang mabitawan ang suot kong salamin sa bilis ng mga pangyayari.

“Hoy, sandali lang! Ni hindi pa ako nakakapag-tsinelas!” sigaw ko habang nagpapakaladkad sa kaniya palabas ng gate ko.

Hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya habang mahigpit ang hawak sa akin.

“What is your problem ba? Z, ano ba! Iyong p***o ng bahay ko hindi pa nakasarado!”

“Hayaan mo muna ‘yang p***o mo! Mas importante ang pupuntahan natin, Tres!” singhal niya sa akin nang hindi man lang lumingon.

Binuhat ko na lang ang sarili ko para sumabay sa mabibilis niyang hakbang habang ramdam ko ang lamig ng semento sa talampakan ko. Literal na nakayapak lang ako sa kalsada. Mukha kaming mga ewan na naghahabulan sa tapat ng bahay ko, pero walang pakialam si Z.

Huminto kami sa tapat ng kotse niya na nakaparada lang sa labas ng gate. Doon niya ako binitawan.

“Can you tell me why I need to come with you!” Inis na turan ko sa babae.

“Sasama ka o babarilin kita?” Aniya na napatigil naman ako. May baril ito na nakasukbit sa kanyang tagiliran.

Napatitig ako sa kaniya, tuluyang nawalan ng kibo. Seryoso ang mukha ni Z at hindi man lang kumukurap ang mga mata niya. Alam kong baliw itong si Z kapag galit, pero hindi ko akalaing aabot kami sa bantaan ng baril nang maagang-maaga at sa harap pa mismo ng gate ko.

Dahan-dahan kong itinaas ang dalawa kong kamay bilang tanda ng pagsuko. “Sabi ko nga, sasama na. Masyado kang mainitin, hindi pa nga ako nagkakape.”

“Sumakay ka na sa backseat, Tres. Bago ko pa hilahin ang gatilyo dito,” utos niya sabay turo sa p***o ng kotse gamit ang kaniyang nguso.

Napalunok na lang ako at mabilis na binuksan ang p***o ng kotse niya. Pumasok ako habang tinitingnan ang sarili kong repleksyon sa bintana—nakayapak, magulo ang buhok, at naka-pantulog pa. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon, aakalaing binihag ako ng isang rebolusyonaryong grupo.

Pinaandar ni Z ang kotse nang pagkalakas-lakas, dahilan para mapaurong ako sa upuan.

“Z, seryoso, saan ba talaga tayo pupunta?” tanong ko habang nakahawak sa upuan sa harap. “At pwedeng paki-lock ng bahay ko muna.”

Inirapan niya lang ako sa rearview mirror at mas lalong ibinaon ang paa sa accelerator. “May pupuntahan tayo. May o-operahan ka. Gamitin mo muna ang pagiging doktor mo.”

Muntik nang lumuwa ang mga mata ko sa narinig ko. Sandaling rumehistro sa utak ko ang mga sinabi niya bago ako tuluyang nakabawi ng boses.

“O-operahan?! Z, seryoso ka ba?!” halos mapatayo ako sa upuan kung hindi lang ako napasubsob pabalik dahil sa biglang pagliko ng kotse. “Matagal ko nang tinalikuran ang pagiging doctor! At look at me! Naka-pantulog ako, magulo ang buhok, at higit sa lahat, wala akong lisensya at gamit dito!”

“Hindi ko kailangan ng lisensya mo ngayon, Tres. Kailangan ko ang mga kamay mo,” malamig at walang emosyon niyang sagot, habang ang mga mata ay diretso lang sa kalsada.

Napabuga naman ako ng hangin. Napahawak ako sa ulo ko. Pakiramdam ko ay mas lalong sumasakit ang ulo ko.

“Sino ba ang o-operahan ko, Z?” seryosong tanong ko habang unti-unting bumabalik ang katinuan ng pagiging doktor sa sistema ko. “At siguraduhin mo lang na may emergency medical kit ka dyan sa likod, dahil kung wala, kahit bilyonaryo pa ako, hindi ko kayang maghimala gamit ang tinidor at kutsara.”

“Isa sa mga pinakamahalagang witness ko sa kaso,” sagot ni Z, habang mas lalong humihigpit ang hawak niya sa manibela. “Nabaril siya sa bandang dibdib habang inililipat namin ng safehouse kaninang madaling-araw. Siya lang ang makakapagbagsak sa sindikato, Tres. Kapag namatay siya, tapos ang kaso ko.”

Napaayos ako ng upo. Ang natitirang antok sa katawan ko ay tuluyan nang napawi. Bilang isang general surgeon, alam ko kung gaano kadelikado ang tama sa dibdib—bawat segundo ay pwedeng maging mitsa ng buhay ng pasyente kung tinamaan ang baga o ang mga pangunahing ugat malapit sa puso.

“Sira ka talaga, Z! Pulis ka pero dinadala mo ang witness sa akin sa halip na sa ospital!” singhal ko sa kaniya. “Dibdib ang tama, ibig sabihin pwedeng may internal bleeding o tension pneumothorax! Kailangan niyan ng sapat na kagamitan!”

“Alam mo kung bakit hindi natin siya pwedeng dalhin sa ospital, Tres,” malamig na putol niya sa akin habang mabilis na pinaliko ang kotse sa isang madilim at liblib na eskinita. “Hawak ng kalaban ang ilang tao sa itaas. Pagpasok pa lang ng pangalan niya sa database ng kahit anong ospital dito, sisiguraduhin nilang hindi na siya makakalabas nang buhay. Ikaw lang ang general surgeon na may kakayahan at mapagkakatiwalaan ko sa labas ng sistema. At huwag ka mag-alala, kumpleto ang emergency medical equipment,” aniya na hindi na ako nagtataka. Because she's a doctor too. Pero hindi ito katulad ko na isang General Surgeon.

Napabuga ako ng hangin at napasandal sa upuan. Tiningnan ko ang sarili kong mga kamay—ang mga kamay na matagal ko nang piniling magbilang na lang ng pera at mamahala ng mga kumpanya sa halip na humawak ng scalpel. Pero sa pagkakataong ito, buhay ng isang tao ang nakataya, at mukhang wala akong pagpipilian.

“Nasaan ang pasyente?” seryoso at pinal na tanong ko, habang unti-unting bumabalik ang pamilyar na awtoridad ng boses ko. “At nasaan ang medical kit mo? Kailangan ko ng sterile na mga gamit, anesthesia, at pang-suction kung gusto mong mabuhay ang witness mo!”

“Nasa loob. Kumuha rin ako ng sapat na suplay ng dugo na tugma sa kaniya bago kita sinundo,” sagot ni Z sabay apak sa preno.

Huminto ang kotse sa harap ng isang abandonadong bodega na napaliligiran ng matataas na talahib. Patay ang lahat ng ilaw sa paligid, ngunit bago ko pa man maitanong kung nasaan ang pasyente, bumukas ang p***o ng bodega at dalawang armadong lalaki na mukhang mga tauhan ni Z ang sumalubong sa amin.

Mabilis kaming bumaba ng kotse. Binuksan ni Z ang compartment at bumungad sa akin ang dalawang malalaking tactical medical cases na naglalaman ng mga surgical tools, portable monitor, anesthesia, at maging ang dinala niyang blood bags na naka-cooler. Kahit nakayapak at naka-pantulog pa rin ako, agad kong binuhat ang isang mabigat na case habang bitbit naman ni Z ang isa pa.

Pumasok kami sa loob ng bodega kung saan may isang silid na pansamantalang ginawang malinis at pinaliligiran ng malalakas na emergency lights. Sa gitna, nakahiga sa isang makeshift operating table ang isang lalaking duguan, habang may isa pang tauhan na pilit pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa dibdib nito gamit ang makapal na gasa.

“Captain, humihina na ang pulso niya!” ulat ng lalaki nang makita si Z.

Inilapag ko ang case at mabilis na lumapit sa pasyente. Hinawakan ko ang leeg niya para pakiramdaman ang carotid pulse habang pinatatakbo ko sa utak ko ang lahat ng natutunan ko bilang isang General Surgeon. Mababaw ang paghinga niya, at ang bawat singhap ay may kasamang tunog ng hangin mula sa sugat sa dibdib.

“Open pneumothorax. Humihigop ng hangin ang dibdib niya,” seryosong deklara ko habang mabilis na binubuksan ang surgical kit para mag-disinfect ng mga kamay. “Z, ihanda mo ang anesthesia at i-hook mo siya sa monitor! Kailangan ko ng chest tube at suction ngayon din, kundi guguho ang baga niya sa loob ng limang minuto!”

Mabilis na kumilos ang mga kamay ko na tila ba hindi ito natulog nang ilang taon mula sa huling operasyon na ginawa ko. Sa tulong ni Z na bihasa rin sa medisina bilang isang doktor, mabilis naming na-intubate ang pasyente at naikabit sa portable monitor.

“BP is dropping, Tres! 80 over 50,” ulat ni Z, bakas ang tensyon sa boses habang sinisimulan ang blood transfusion.

“I-push mo ang dopamine, bilis! Z, hawakan mo ang suction,” utos ko sa isang pinal at malamig na boses. Nawala ang bilyonaryong uutang lang ng tapsilog; ang kaharap niya ngayon ay ang henyong General Surgeon na kayang magbalik ng buhay mula sa bingit ng kamatayan.

Kumuha ako ng scalpel. Sa ilalim ng nag-iisang maliwanag na emergency light sa loob ng abandonadong bodega, gumawa ako ng mabilis at tumpak na insisyon sa pagitan ng kaniyang mga tadyang. Sumunod ang pamilyar na tunog ng sumisitsit na hangin at dugo nang maipasok ko ang chest tube upang maibsan ang pressure sa kaniyang baga.

Ang bala… nandoon sa posterior mediastinum, milimetro na lang ang layo sa descending aorta. Maingat na ipinapasok ang aking mga daliri at forceps para hanapin ang banyagang bakal sa loob ng kaniyang dibdib. Bawat segundo ay pwedeng maging sanhi ng pagbaha ng dugo kung magkakamali ako ng galaw.

Naging tahimik ang buong silid, tanging ang mabilis at mabuway na tunog ng heart monitor ang naririnig. Pawis na pawis ako sa loob ng aking pantulog, pero hindi nanginig ang aking mga kamay.

Isang madugong bala ang inilapag ko sa metal na tray.

“Nakuha ko na. Z, simulan mo nang i-suture ang mga maliliit na vessels habang isinasara ko ang main laceration,” hingal kong utos.

Makalipas ang halos dalawang oras ng walang humpay na pag-aagaw-buhay, narinig namin ang unti-unting pagbagal at pag-stabilize ng tunog ng monitor. Ang kaniyang vital signs ay bumalik sa normal na lebel.

Napasandal ako sa gilid ng mesa at napabuga ng hangin, saka ko lang muling naramdaman ang lamig sa aking mga paa dahil nakayapak pa rin ako. Tiningnan ko si Z na nagpupunas din ng pawis sa kaniyang noo, habang may maliit na ngiti ng pasasalamat sa kaniyang mga labi.

“Successful ang operasyon, Z. Buhay ang witness mo,” seryosong sabi ko habang tinatanggal ang aking surgical gloves. “Hatid mo na ako pauwi. Bukas ang bahay ko, Zia!”

Lumingon siya sa akin, seryosong-seryoso ang mga mata habang tinatanggal ang kaniyang sariling guwantes. “Hindi ka pwedeng bumalik sa bahay mo ngayon. May kailangan pa akong ayusin at ikaw muna ang magbabantay sa witness. At dahil ikaw ang nag-opera sa kaniya, awtomatikong damay ka na sa guluhing ito.”

Napahawak na lang ako sa aking sintido. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang mas malaking problema: ang katotohanang nakaladkad ako sa isang mapanganib na operasyon, o ang katotohanang naiwan kong bukas ang bahay ko habang suot ko pa rin ang aking pantulog.

Are you kidding me, Zia? Ako ang magbabantay?” halos pasigaw kong bulong sa kaniya habang itinuturo ang sarili ko. “Tingnan mo nga ang suot ko! Naka-pantulog ako, nakayapak, at walang kahit anong armas! Kung may sumugod dito, ano’ng ipanglalaban ko? Itong forceps?”

Huwag kang OA, Tres. May dalawa akong armadong tauhan sa labas ng p***o,” malamig niyang tugon sabay tapik sa balikat ko na parang pinapakalma ako, pero hindi nakatulong. “I need to secure the perimeter and check if anyone followed us. Saglit lang ako. Bantayan mo lang ang vitals niya. Magaling na doctor ka, kaya mo ’yan.”

Bago pa man ako makahirit ulit ay mabilis na siyang tumalikod at lumabas ng silid, iniwan akong mag-isa kasama ang natutulog na witness na nakakabit pa rin sa portable monitor.

Napasandal ako sa silya sa tabi ng makeshift operating table at napatingin sa kisame ng bodega. Pambihira talaga. Isang bilyonaryo, paggising sa umaga, nag-opera ng binaril sa dibdib, at ngayon ay naging babysitter ng isang underground witness—lahat ng ito habang suot ang paborito kong tweety bird pajama.

Mabuti na lang at stable ang tibok ng puso niya. Tinitigan ko ang mukha ng pasyente, sinusubukang alalahanin kung nakita ko na ba siya sa mga balita o sa mga hawak na kaso ni Z noon. Maya-maya pa, napansin kong bahagyang gumalaw ang mga daliri ng kaniyang kanang kamay, at unti-unting kumunot ang kaniyang noo.

“Masamang damo yata ito,” bulong ko na lang at nilapitan ito. “Magpahinga ka at paggising mo, isasabak ka ni Z sa isang labanan ulit.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DAMAGE    C-8

    DRA. LUZPAGBUKAS pa lang ng mabigat na pintong kahoy sa dulo ng pasilyo, agad akong sinalubong ng malamig na hangin na may halong amoy ng antiseptic at mamahaling pabango.Hindi ito mukhang karaniwang kwarto. Isa itong pribadong ICU.Sa gitna ng malawak na silid, nakahiga ang batang si Miguel sa isang hospital bed, napapalibutan ng mga modernong makina—cardiac monitor, oxygen concentrator, at iba't ibang IV drips. Nang lumapit ako, agad nanlaki ang mga mata ko.halyos buto't balat na ito. Maputlang-maputla ang kanyang balat, malalim ang mga mata, at may nakakabit na tubo sa kanyang ilong. Pero ang mas nakakagulat ay ang makapal na benda sa kanyang kanang braso at ang mga bakas ng sugat sa kanyang leeg at balikat—mga sugat na hindi galing sa aksidente, kundi mukhang tinamaan ng bala o matalim na bagay."Iwan niyo muna kami," malamig kong utos sa Mayor na nakatayo sa may pintuan.Nag-alinlangan ito ng sandali, pero nang tingnan ko ito nang seryoso, tumango at dahan-dahang isinara ang

  • DAMAGE    C-7

    DRA. LUZNAPATITIG ako sa kanya, pinag-aaralan ang bawat galaw at ang bigat ng salitang “palihim.” Sa bayan namin, ang mga lihim ng makapangyarihan ay parang apoy—mabilis kumalat at tiyak na nakakapaso. Pero ang triple sa kinikita ko? Malaking tulong iyon para sa klinika at sa mga gamot na kulang na kulang dito.Sumandal ako sa silya at pinagsiklop ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa. "Mayor, alam niyo naman pong bilang doktor, sinumpaan kong tumulong sa nangangailangan. Pero ang paggagamot nang tago, lalo na kung wala ako sa ospital, ay malaking panganib sa lisensya ko—at posibleng sa buhay ko rin.”Napalunok siya, halatang hindi niya inasahan na hindi agad ako kakagat sa alok niyang pera."Hindi ko ipapahamak ang lisensya mo, Doktora," mabilis niyang sagot, sabay abot sa isang sobreng nakatago sa loob ng kanyang amerikana. Inilapag niya iyon sa mesa. "Paunang bayad pa lang iyan. Hindi ito tungkol sa krimen, pangako. Pero kung malalaman ng mga kalaban ko sa politika ang kalagayan n

  • DAMAGE    C-6

    Dra. Kamila Luz“ANAK?”Humikab naman ako at uminat. Alas singko pa lang ng umaga, kailangan ko na bumangon at mag-ayos.“Maliligo na ho ako, inay!” sagot ko naman. Ganitong oras maaga nagising ang mga magulang ko. May kapatid din akong babae at college pa lang ito. Pitong taon ang tanda ko rito. Ang itay naman ay magsasaka, binilhan ko ito ng dalawang ektaryang lupa na tama lang sa mga pananim niyang palay at mga gulay. Ang inay, may puwesto ito sa palengke kung saan nagtitinda ito ng mga gulay, karne at isda. Dali-daling pumasok na ako sa banyo at naligo. Kahit papaano, maayos na ang aming bahay. Pinagawa ko at pinalaki ng konti. Medyo malaki lang ang silid ko, syempre sa bunsong kapatid ko, may sariling silid din ito at sa aking mga magulang. Pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako at bumaba. “Good morning, ate!” bati ni Kallie sa akin. “Good morning, Kallie. Good morning, inay,” at sumilip sa kusina. “Si Itay ho?” “Hay naku! Kanina pa umalis iyon. May tao siya ngayon, mag-aar

  • DAMAGE    C-5

    ALLEN "TRES" SMITHNAKATULOG na ako sa kakahintay kay Zia pero hindi pa rin ito nakabalik. Ang mga tauhan niya nasa labas lang ito at nagbabantay. Mabuti na lang may papag dito at nakahiga ako ng maayos. Tumayo ako at nilapitan ang pasyente ko. Maayos na ang lagay niya kaya naman kampante ako na malayo na ito sa kamatayan. Tiningnan ko muna ang sugat nito dahil palitan ko ulit ng bandage.Halos mapatalon ako nang biglang dumilat ang mga mata niya. Nanlilisik iyon at puno ng paghihinala, diretsong nakatutok sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis niyang iniangat ang kaniyang braso at hinawakan ang kuwelyo ng aking suot—ang mismong Tweety Bird pajama ko."S-sino ka?" paos niyang bulong, bakas ang matinding sakit sa bawat paghinga. Bumaba ang tingin niya sa dilaw na ibon sa dibdib ko, at saglit na natigilan ang kaniyang panlilisik, napalitan ng matinding pagkalito. "Nasa impiyerno na ba ako?”"Kung nasa impiyerno ka, hindi siguro cartoon character ang sasalubong sa'yo," kalmado

  • DAMAGE    C-4

    ALLEN “TRES” SMITH“TRES!”DAMN! Kagigising ko lang. Nagkakape ako habang kaharap ang aking laptop nang marinig ko ang boses ni Z.Mabilis kong ibinaba ang tasa at napasapo sa aking mukha. Ni hindi ko pa nga tuluyang nailulunok ang unang higop ko ng kape, boses na agad niya ang sumalubong sa umaga ko.Agad ko naman binuksan ang pinto.Ano na naman ba, Z? Maaga pa para sa mga sigaw mo,” reklamo ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang likod ng aking kamay.“Tarantado ka! Sumama ka muna sa akin!” aniya nakataas ang dalawang kilay.Bago pa man ako makapagreklamo o makahingi ng paliwanag, marahas niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng kwarto. Muntik ko pang mabitawan ang suot kong salamin sa bilis ng mga pangyayari.“Hoy, sandali lang! Ni hindi pa ako nakakapag-tsinelas!” sigaw ko habang nagpapakaladkad sa kaniya palabas ng gate ko.Hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya habang mahigpit ang hawak sa akin. “What is your problem ba? Z, ano ba!

  • DAMAGE    C-3

    ALLEN “TRES” SMITH KINABUKSAN. “SIR, the shipment is successful,” bungad ng aking tauhan. Tumango naman ako at pumasok sa loob ng warehouse. Naabutan ko si Drake at Javier na nag-uusap. Nag-angat ng tingin ang dalawa nang napansin na nila ako papasok. Kaagad na natapos ang kanilang seryosong usapan at bumaling sa akin. "Eksakto ang dating mo," sabi ni Javier sabay turo sa mga bagong bagsak na kahon sa gilid. "Kakaalis lang din ng mga tauhan ni Alfero. Well, maayos ang transaksiyon.” Nakangisi naman ako. Umupo naman ako sa tabi ni Drake at inabot sa akin ang logbook. "Lahat ng bilang, tugma. Walang bawas, walang sablay. Mukhang nakuha natin ang buong tiwala nila ngayon,” ngising saad ni Summer. Tiningnan ko ang paligid ng warehouse—marami pa kaming translation na magaganap pero we need to focus Don Alfero’s business deals with us. Malaking isda ang matandang iyon, at bagaman matagumpay ang unang shipment, alam kong isang maling galaw lang ay pwedeng gumuho ang pinaghirapan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status