CLAIRE Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad m
Última actualización : 2026-11-02 Leer más