로그인CLAIRE
“Are you drunk Miss Lopez?” Nawala ang antok sa katawan ko. Agad akong napatayo kaya tumilapon ang laptop sa dulo ng kama. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “N-no, Sir.” Agad kong inabot ang laptop at binuksan ito saka tiningnan ang send history ng email account ko. Recipient: Maxwell Rockefeller III Bumagsak sa lupa ang isang napakalakas na nuclear bomb. ‘HINDI PALA KAY MAX VILLALUNA KO NA SEND ANG EMAIL?' P*TANGINAAA!!! “High?” Kumilabot ang buong spinal cord ko sa boses nya. “H-hindi rin, Sir.” “Are you sure?” tumaas ang boses niya. “Yes S-sir.” “Ah… Then I assume may reasonable explanation ka sa email na sinend mo sa akin.” Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang noo. “A-hh ehh b-baka administrative error lang po ‘yon sir.” “Administrative Error?” matawa-tawa niyang sabi. Lumayo ang boses niya pero rinig ko pa rin ito, “She’s really drunk.” Lumapit ulit ang boses niya, “I thought administrative errors involves typos lang sa mga documents at hindi detailed psychological analysis ng boss mo, Miss Lopez,” may halong sarcasm ang pagkakasabi niya. Pahiya. Gustong mag back out ng utak ko, girl. “Secretary Lopez, are you there?” “A-ah, I c-cocorrection ko na lang po, oo. Send ko po balik sa’yo mamaya.” ‘BOBO!’ ang sabi ko sa sarili ko. Yun lang talaga ang palusot na naisip ko. Hindi ko naman kasi pwedeng itanggi. Tinawanan pa ako ng mokong sa kabilang linya. Kainis. “Alright. Get ready early tomorrow morning. Susunduin ka ni Brett. Hindi ako makakasabay.” Bakit parang… pakiramdam ko, isa itong threat? “Okay po, Sir.” “And one thing. Send mo sa akin ang medical bills mo. To find out how much my arrogance has cost you.” Pinatayan niya ako ng linya. Lumitaw ang tunog ng kuliglig sa buong paligid. Nag-autopilot ako. Hinarap ko ang laptop sa kama at agad na nag type ng bagong document: RESIGNATION LETTER – FINAL VERSION. Dumating ang umaga nang hindi pa rin ako nakatulog. Kagaya ng utos ni Sir Max ay inagahan ko mag prepare. Alas singko kwarenta nung dali-dali akong nag print ng screenshot ng email at resignation letter. Kumain muna ako ng kanin at sunny side up saka nakapag toothbrush bago dumating si Kuya Brett – ang isa sa mga driver ni Sir Max. Pumasok ako sa shotgun seat. Nagpapasalamat ako dahil hindi na nagplay sa sasakyan ang nakakaumay na paulit-ulit na pinapakinggan ni Sir Max na kanta. ‘Favorite Record’ ata ang title nun ng Fall Out Boy. Usually kasi kapag sa bahay uuwi si Sir at hindi sa Penthouse niya sa building ng kompanya, nakakasabay ko sa biyahe yun dahil nasa kontrata na pwede ko rin gamitin ang driver niya for work purposes. At si Sir na rin ang nag-iinsist na kunin ako ng driver para daw sure na walang hassle at makaka-duty ako on time. Lumiko si Kuya Brett sa hindi usual na routa papunta sa opisina. Teka… bakit? Patuloy lang sa pagtakbo ang sasakyan at lumalayo sa lokasyon ng opisina. “Kuya Brett, may dadaanan po ba kayo?” “Ah, wala ho ma’am, ang instruction po kasi ni bosing sa akin, ihahatid ko ho daw kayo sa Timothée Sartre.” Nagtagpo ang kilay ko. Ang clingy naman yata niya. “Magsusukat lang ng suit, pinapapapunta pa ako?” “Ehh, iyan po yung utos niya sa akin ma’am. Ihatid raw po kita doon.” Ahh, pinapahirapan niya siguro ako. Bago niya ako sesantihin. Kampon ng kadiliman talaga gggrrrrr! Hindi ako mapakali sa buong biyahe hanggang makarating kami sa location. Pinagbuksan ako ni Kuya Brett. Iniwan ko muna ang clipboard at bag ko sa sasakyan. Noong nakalabas na ako, umalis na ang sasakyan para mag park. Pagkapasok ko sa luxury clothing shop, nilapitan agad ako ng sales associate na si Maurine. Ngumiti siya sa akin at minuwestra ang kamay sa may likuran ng shop. “Please come with me, ma’am.” Huminto kami sa tapat ng puting dingding. May pinindot siya na button at bumukas ito at lumantad ang isang hidden elevator na may markang ‘VIC’ sa itaas. Pinindot niya ang number three at umakyat na ang elevator sa third floor. Kung titignan mo sa labas ang shop, hindi mo maiisip na may espasyo itong napakalawak sa ikatlong palapag. Ginabayan ako ni Maurine sa bandang dulo ng palapag kung saan nakatayo ang malaki at kumikintab na gintong pínto. Pinindot niya ang doorbell at kusang bumukas ang pínto mula sa loob. Binati ako ng dalawang doorman habang pumasok sa dressing room na kasing laki ng suite. Habang naglalakad, lumingon sa akin si Sir Max. Ang kanyang titig ay kasing tulis ng karayom. Ang kanyang mahahabang daliri ay nakahawak sa itim na necktie. Mukha siyang kamahalan sa suot na midnight navy na amerikana. Pagkatapos mag smirk, tumalikod siya at umupo sa couch. “Your turn, Miss Lopez.” Hindi pa ako nakaabot sa couch na inuupuan niya ay tumigil ako. Pumasok ang garment rack na hila ng isang client advisor. Laking pagtataka ko na hindi suit ang nakasablay rito kundi mga dress. Pambabae. Hindi naman siguro mag co-come out na shokla ang boss ko neto ano? At saka, ang liit ng mga dress para mag kasya sa kanya. Naglakad ako sa harapan niya. Tumingin siya sa akin at in-extend ang dalawang braso sa couch. “Ano ‘to? I mean, Ano po ‘to Sir? May meeting pa po kayo 7AM-” Inisa niya ang kamay na nakapatong sa sandalan ng couch. Tumingin siya sa likod ko. “Let’s start.” Binaling niya ang tingin sa akin. “Sasamahan mo ako sa family dinner mamayang gabi.” “P-po?” Tapos… pinapasuot ako ng high-end na damit? Hindi ba ako pupunta doon as a secretary niya? ‘Muse?’ Eww. Sumama ang tiyan ko bilang pagpo-protesta sa ideya. Magreresign nalang ako. Bumalik ang diwa ko sa dressing room nang marinig ang malamig na boses ni Sir Max. “I may have chatted the family GC na may girlfriend na ako. At ikaw ang gaganap bilang girlfriend ko.” Nanlambot ang tuhod ko. ☆○☆○☆ Hindi na ako nakahanap ng oras para maipasa ang resignation letter kay Sir Max. Pagkatapos kong magsukat ng dress ay diretso kami sa meeting room para ma meet ang research team. Pagkatapos ng meeting ay diretso kami sa office ni Sir Max. Pinatong ko sa desk niya ang mga tambak na documents na kailangan niyang pirmahan. Pagkatapos ay tumalikod ako. “And my third coffee, Secretary Lopez.” Nagtaray ako bago humarap sa kanya at ngumiti ng hilaw. “Sir, sinabi po ng pang limang doktor niyo na bawal na kayo lumagpas sa dalawang baso kada araw.” “Then find me another one. I want a sixth opinion.” Tumaas ang kilay niya. Lumabas ang usok sa tenga ko. Grrrr! “Gatas na lang po.” “With coffee,” sagot niya kaagad. Hindi ko na mapigilan na sumagot. “Sir, kung gusto niyo pong magpaalam ng maaga, huwag po ninyo ako gawing accomplice, okay?” “I need my coffee to function properly.” Nag pout siya. “Two cups a day o hindi ako magpapanggap na girlfriend mo.” At naglakad papunta sa desk ko na nasa tabi ng pínto sa loob ng office niya. Pagkarating ko doon, nag ring ang console sa desk. Nilingon ko siya. Nakapatong telephone sa tenga niya. Kinuha ko ang telephone at pinindot ang answer button. “Fine,” sabi niya na parang batang nagmamaktol. Sa hapon ay pumunta kami sa launch ng isang branch. Ang nalalabing oras naman ay nakalaan sa pakikipag-usap niya sa mga investors at pagtatanggi ng offers sa mga taong hindi niya gusto. Pagkatapos ng trabaho, dinala niya ako sa isa sa mga property niya sakay ang kanyang Maserati.CLAIRE Linggo. Nagising ako sa malakas na tunog ng makina at sa kalabog ng pinto. Pinilit kong buksan ang aking mga mata nung may sumigaw rito.Knock. knock. knock.“Claire, may naghahanap sa'yo sa labas.” boses iyon ni Manong Caloy na isang tentant din rito.Tumayo ako. Tunog nga iyon ng makina ng malaking sasakyan. Hindi ako nananaginip.“Claire!”“Opo, manong. Lalabas na ho.”Narinig ko ang yapak ni Manong palayo.Nilagay ko sa isang bun ang buhok ko. Nilagyan ko ng jacket galing sa drawer ang saplot ko na sleeveless. Binuksan ko ang pinto na may inalala. Wala naman akong inagrabyadong tao kaya wala akong dapat ipag-alala. Lumabas ako, nalilito.Pagtapak ko sa labas, mas malakas pa sa tunog ng mga truck na nakaparada sa kalye ang bulong bulongan ng mga tao.“Sino kaya yun? Parang si Dao Ming Si.”“Mas gwapo pa kaya ‘yan ni Dao Ming Si” “Agree.”“Hinahanap daw si Claire.”“Ay bongga, nakaahon sa hirap.”“Baka buntis.” “Shhhh, lumabas na siya.”Sa common area, nakaupo si Sir Maxwell
CLAIRE Nakahiga kami pareho ngayon ni Sir Max sa kwarto niya. Gamit ang mahabang kumot, hinati namin ang kama sa dalawa. Siya sa kanan, ako sa kaliwa. Pinipilit kong sarhan ang mga mata kasi hindi ako nakakatulog kapag bukas ang ilaw. Si Sir naman, ayaw niya ng naka patay. “Should we try it?” Tumingin ako sa kanya. Binawi ko din naman ito dahil nakalimutan kong naghuhubad siya kapag natutulog. Dahil nandito ako, pang itaas lang ang hinubad niya. “Date me for real.” May epekto ata sa boses niya ang pag-inom ng maraming kape. Ang gaspang nito at ang baba. “Ayoko,” sagot ko kaagad. Lumundag ang kama. Nakaharap ang buong katawan niya sa akin. Ang kanyang ulo ay sinandal niya sa kanyang kamay. Parang modelo. “Hindi ka na lugi sa akin, Claire. I'm handsome, rich, gentleman, perfect. I can give you a perfect life.” Nilipat ko ang tingin mula sa kisame patungo sa mga shelf sa magkabilang dulo ng flatscreen TV. Umaapaw ito sa mga medalya at mga tropeo. Kung may similaridad m
CLAIRE Naalala ko ang unang pagkikita namin at unang araw ko sa trabaho sakay ang kotseng ito. Patay na patay pa ako sa kanya noon. Hindi ko alam na isa pala siyang kampon ng kadiliman. “Why are you staring at me, Lopez?” sabi niya sa likuran ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakadikit ang titig ko sa salamin ng sasakyan. Inalis ko naman kaagad ito at binaling ang tingin sa daan. Pagdating namin sa property niya, may mga team agad ng mga makeup artist at stylist na naghihintay sa sala. Hindi ko alam kung kaninong vanity ang dinala nila at paano nila iyon pinasok sa loob ng bahay pero hindi naglalaro ang styling team ni Sir Max. Para silang sasalang sa gyera, handang handa. May dala pa silang mga ilaw at kung ano-ano pa. “I’ll entrust you with her care,” sabi niya sa buong team. “Makakaasa po kayo, Sir. At nandun na rin sa taas ang team na mag-aasikaso sa’yo, Sir.” “Good.” Tumingin siya sa akin at umakyat sa taas. Walang thank you as expected. At ang hindi ko maintindih
CLAIRE “Are you drunk Miss Lopez?” Nawala ang antok sa katawan ko. Agad akong napatayo kaya tumilapon ang laptop sa dulo ng kama. Hindi ako nakapagsalita kaagad. “N-no, Sir.” Agad kong inabot ang laptop at binuksan ito saka tiningnan ang send history ng email account ko. Recipient: Maxwell Rockefeller III Bumagsak sa lupa ang isang napakalakas na nuclear bomb. ‘HINDI PALA KAY MAX VILLALUNA KO NA SEND ANG EMAIL?' P*TANGINAAA!!! “High?” Kumilabot ang buong spinal cord ko sa boses nya. “H-hindi rin, Sir.” “Are you sure?” tumaas ang boses niya. “Yes S-sir.” “Ah… Then I assume may reasonable explanation ka sa email na sinend mo sa akin.” Ipinikit ko ang mata at hinawakan ang noo. “A-hh ehh b-baka administrative error lang po ‘yon sir.” “Administrative Error?” matawa-tawa niyang sabi. Lumayo ang boses niya pero rinig ko pa rin ito, “She’s really drunk.” Lumapit ulit ang boses niya, “I thought administrative errors involves typos lang sa mga documents at hin
CLAIREGumigewang-gewang ang katawan ko na parang inflatable tube man (yung sumasayaw na may hangin sa labas ng tindahan) habang naglalakad sa kalye ng Ermita papunta sa inuupahan kong apartment.Pagkarating sa gate ay tinulak ko ito pero nauna ang ulo ko kaya ito nakipag headbutt sa riles ng bakal. “Aray!” pumikit ako.Pagkapsok, ay dumiretso agad ang mga paa ko sa hagdanan sa dulo ng gusali. Nakaakyat na ako sa gitna ng hagdanan nang maalala na may elevator pala sa baba. Bumaba ako at pumasok sa elevator. Pagsara ng elevator, naalala ko na nasa first floor pala ang inuupahan kong kwarto.‘Ano ba ‘to?’ bulong ko sa sarili. Parang naging muscle memory ko na ang pag-akyat ng hagdan at pagsakay ng elevator. Pinindot ko ang button para makaalis sa loob.Ginawa ko na ang lahat ng balanse sa mundo para hindi matumba. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa dingding habang tinutunton kung nasaan ang kwarto. Pagdating ko sa kwarto,“Sh*t ang susi.” Gumana ang ininom kong memory plus gold kanin







